===Jiroshin===
"Shiro, switch!" sigaw ni Hirou matapos niyang tamaan ang harpy sa tagiliran nito. Sa ngayon isang HP bar na lang ang natitira sa kanya at ang nakakainis lang dito ay mailap ang isang ito at medyo nahihirapan kaming talunin ang halimaw maliban sa ere namin siya nilalabanan. Parang nitong nakaraan lang na kaharap namin ang isang Harpy General na pinagtulungan namin ni Kiruna-chan. Pero iba nga lang ngayon dahil mas maliit siya kesa sa nakalaban namin dati at mas malikot pa. Mukhang mahihirapan kaming hanapin ang weakpoint ng isang 'to.
Lumipad na agad ako papunta sa kinaroroonan niya at sinusubukang tamaan siya ngunit ginamit niya ang kanyang mga kuko upang harangin ang aking mga atake. Nang makita ako ang pagkakataong bukas ang sinasabing weakpoint, agad kong pinakawalan ang aking triple sword slash at natamaan ito sa dibdib at kaliwang pakpak. Ngunit hindi ito sapat upang mapatumba nang tuluyan ang halimaw.
"Kaasar! Napakailap naman ng isang 'to!" bulalas ko.
"Paanon natin mapabagsak ang harpy na 'to?" nahihingal na tanong ni Hirou.
Inaamin kong mas mahirap harapin ang ordinaryong harpy na 'to kesa dati. May iba pa talagang paraan para mapatumba ang isang 'to pero kailangan ko munang pag-isipan kung anong klaseng taktika ang gagawin namin. Hindi ko alam kung anong konting upgrade ang ginawa sayo ng Illiad na 'yon, pero sisikapin naming bubulusok ka talaga sa sahig na parang eroplano.
Napaisip ako sa dating paraan na ginawa namin ni Kiruna-chan noon nang gamitin namin ang Firelight Ignition at ang isa sa kanyang pambihirang sword skill na kung tawagin ay Luminra's Sempiternal Sword Skill. Ngunit nabaling naman ang aking isipan nang maaalala ko ang isa sa mga obserbasyon ko noon dahilan upang makaisip ako ng magandang paraan upang mapabilis ang pagbagsak niya ngunit naunahan na ako ni Hirou sa pagsasalita.
"Shiro, subukan mo kayang palibutan nang mabilis ang harpy saka gamitin mo ang isa sa mga sword skill na ginawa mo noong bata pa tayo."
Ang sarili kong sword skill. 9 years old pa lang ako n'on nang huli ko itong ginamit sa ALO bago pa man mangyari ang trahedyang kinabibilangan ni Kiruna-chan. Hindi ko alam kung magagawa ko pa ba ang bagay na iyon simula nang tumigil ako sa paggamit ng espada ng tatlong taon at nakatuon ako sa paggamit ng pana't palaso at baril sa isang game. Pero matapos n'on ay bumalik ako sa paggamit ng espada nang inilabas ang FGO pagkatapos ng dalawang taon. I started playing this game when I was in 9th grade but I rested in 7 months because I want to focus on my studies and help my mom in our little café business. At nang matapos na ang 4th quarter examinations, bumalik ako sa paglalaro.
Hindi lang talaga laro ang dahilan upang bumalik ako, kundi hinahanap ko rin ang aking Sword Partner na nawala ng 7 taon. Kaya nang makilala ko si Kazuki-chan sa tunay na mundo at nagiging curious siya sa mundo ng VRMMORPG kasabay ng malaman kong may amnesia siya, tinulungan ko siya at ipinakilala ang larong ito. Hindi ko inakalang sa unang quest niya ay may napapansin na akong pagkakahawig niya sa babaeng hinahanap ko lalong-lalo na sa kanyang seven sword slashes. Nalaman kong siya nga ang hinahanap ko nang ipinakita sa unang Memory Fragment ang kaganapang tinutulungan niya akong hanapin ang aking espadang nahulog pala sa isang kwebang kinabibilangan ng isang halimaw at ang batang kasama kong nangako at ibinigay ang mga kwintas na may pendant ng aming mga espada.
Wala pa man siyang maalala, malaki ang paniniwala kong hindi nabubura ang kanyang mga alaala sa puso niya. Naghihintay lang ito ng tamang panahon upang sumibol ito na maihahalintulad sa isang bulaklak na namumukadkad.
Pero kaya ko pa bang gawin ang sword skill ko na matagal ko nang hindi nagagamit?
"Anong sword skill ang tinutukoy mo Hirou?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Ciencia FicciónHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...