Chapter 50.2: The Legend's Lost Sword (Part 3)

121 4 0
                                    

Author's Note:

The third part of The Legend's Lost Sword. At siguradong mahaba ang kabanatang ito. May bagong rebelasyon na naman bang lalantad sa kabanatang ito? At ano na ang mangyari sa mag-sword partner matapos ang aksidenteng iyon? Makukuha na kaya ang Light Crystalix at makakaharap ang boss? Susulpot rin ba ang player na sinasabi sa kanyang panaginip? Malalaman na natin 'yan sa kabanatang ito.

~MBA💙

=============

----Kazuki----

Ito na nga. Natagpuan na namin ang isa sa mga pinakamahalagang memory fragment sa Quest Memoria. Ang bagay na sinasabi ring naging puso ng anak ni Lumina. Ang Legend's Lost Sword Light Crystallix na naging pag-may-ari ng Lost Swordsgirl na ginamit din para talunin si Illiad.

Nakatayo pa rin kaming apat sa harap ng obsidian block na kung saan nakatusok ang Light Crystallix. Namangha rin kami nang makita ito lalong-lalo na ako. Gaya ng ikinuwento sa akin ni Shiro-kun dati na ginamit ko na ang bagay na ito noong nasa ALO pa kami 7 years ago. Hindi ko man masyadong naaalala pa ang aking nakaraan pero sa puso ko nagsasabi na itong magagamit ko na at mahahawakan ulit ang isa sa malakas kong sandata noong bata pa ako.

"Wow. Ito pala ang itsura ng Light Crystallix. Kagaya nung nasa drawing ni Ate Kiruna sa sketch pad na pinakita niya kanina sa rooftop. Magkahawig nga sila," namamanghang sabi ni Hirou nang masilayan namin ang espada.


"Ang ganda. At isa pa ang Light Crystallix ay isa sa mga pinakamalakas na rare x legendary item sa FGO. Hindi ko akalaing makikita ko ito sa personal," namamanghang sabi ni Raven.

"Ngayon ko lang ulit nakita ang espadang ito. Naalala ko pa 7 years ago na dala-dala ito ni Kiruna-chan at binato pa mismo sa gilid ng kahoy nang humingi ako ng tulong sa kanya. At hanggang ngayon maayos pa rin ang kondisyon ng espada," sabi naman ni Shiro-kun.

Nakita na rin pala ni Shiro-kun ang espadang ito noon kaya hindi ko na rin namalayan ito. Habang ako nama'y hindi maalis ang tingin ko sa isang napakalakas na espadang ito. Hindi ko rin maiwasang mapahanga sa sandatang ito. Ang energy signals na napaloob dito ay sobrang lakas. Pakiramdam ko maraming alaala ang nasa memory fragment na ito.

"Nararamdaman ko ang mga alaala ko sa espadang iyan. Sobrang lakas ng data energy signals," sabi ko.

"Gan'on din ako. Pakiramdam ko maraming alaala ang nakapaloob dyan. Kung tutuusin lahat ng mga pinagdaanan mong laban ay nandyan din sa espadang 'yan," sabi naman ni Shiro-kun.

Laking pagtataka ko nga kung bakit pati siya nakakaramdam ng data energy signals na dapat ako lang dahil quest ko ito para hanapin ang mga alaalang ito. Hanggang ngayon nakakapagtataka pa rin ang klaseng phenomenang ito sa virtual world.

Lumapit si Hirou at tumapik sa aking kanang balikat. Mukhang may sasabihin yata siya.

"Ate Kiruna, paano naman nakaramdam si Shiro ng data energy signals sa mga memory fragments? Eh di 'ba dapat ikaw lang ang makakaramdam nun dahil ikaw yung nawalan ng alaala?", tanong niya.

Pati nga rin sa tanong niya ay nagtataka pa rin ako ngayon kung paano niya nagawang makaramdam ng aking data energy signals na dapat ako lang ang makakaramdam nun. Dating teorya ko na rin na baka may koneksyon si Shiro-kun sa memory fragments. Pero sa ngayon hanggang teorya pa rin ito sa ngayon.

"Iyan na nga rin ang pinagtataka ko Hirou. Inakala ko noon na ako lang ang makakaramdam ng data energy signals mula sa mga memory fragments. Nang malaman kong nakakaramdam din si Shiro-kun, samu't saring mga teorya ang namumuo sa isipan ko. Kaya rin nakakapagdulot din ito sa pagkakaroon ko ng overthinking. Hay mukhang magiging maingat na rin ako sa pag-iisip," sabi ko sa kanya.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon