Chapter 7:The Crash Landing Fairy

2.2K 75 44
                                    

Author's Note:

Hi minna-san! May gagawin po akong konting corrections and revisions sa mga chapters. But still the flow of the story is still the same at hindi po nakakaapekto sa takbo ng kwento. Happy reading.😊

-MysticBlackAsuna💙

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

---Kazuki---

Sa wakas makakapunta na ako sa teritoryo ko! Ang Windia's City. Ang cool naman ng pangalan. Siguro napakaganda ng lugar na iyon.

Sa ngayon ay lumilipad kami papunta sa destinasyon namin. Nasasabik na rin akong makapunta sa lugar na iyon. At habang lumilipad, napatanong agad si Sky kung nakapunta na ba ako sa teritoryo namin.

"Nakapunta ka na ba sa teritoryo natin Kira?"

"Hindi pa eh. Agad kasi kaming namasyal ni Riku at tinuruan niya akong lumipad." Sabi ko kay Sky.

At bigla na lang sumabat sa usapan ang pinakacute na pixie ng VR.

"Pero sa paglanding mo ate Kira hindi mo nagawa." Sabi ni Riku at pagkatapos ay tumawa siya.

"Riku." Pacold kong sabi.

"Ooopss. Gome Ate Kira." Sagot niya. Hay. Sige na nga. Kahit inaasar mo ako sa paglanding, tatanggapin ko ang apology mo.

Pagkatapos ay nagtanong naman si Aira. Siguro tungkol yun sa nagawa kong estilo sa pakikipaglaban kanina. O sa ibang katawagan, ang sword skill.

"So Kira. Newbie ka pala dito sa game?" Tanong ni Aira.

Ngumiti ako sa kaniya at sinagot ang kaniyang tanong.

"Oo Aira. Ngayon lang din ako nakapasok sa larong ito. At isa pa talagang baguhan pa talaga ako rito sa FGO." Sagot ko kay Aira.

"Hindi kasi halata na newbie ka kasi sa mga kilos mo kanina at sa ginamit mong sword skill. Ang galing mo naman." Sabi ni Aira na medyo hyper.

At pati na rin si Sky sumali na rin sa usapan.

"Hindi nga halata sayo na baguhan ka rito sa FGO. O sa isang VRMMORPG. Parang nasa professional level ka na sa paggamit ng espada eh." Wika ni Sky na humahanga yata sa ginawa kong sword skill. Kahit ako nga nagtataka kung bakit ko nagawa ang ganoong klase ng fighting skills. Siguro nagawa ko na rin to dati. O baka nadala lang ako sa pagiging kendo artist.

"Uh talaga? Ganon nga talaga kapag mahilig ka sa mga espada. At isa akong kendo artist sa real world." Sagot ko sa kanila.

Pagkatapos marinig ni Aira ang mga salitang kendo artist, mas sumobra pa ang pagiging hyper nito. Kasi may naalala daw sila tungkol dito.

"Kendo artist ka? Pareho pala kayo ng best friend namin." Sabi ni hyper Aira.

Talaga? Magkapareho kami ng best friend nila? Iba rin pala ang magagawa kapag sobrang hyper mo.

"Pareho pala kami? Ng best friend niyo?" Patanong kong sabi habang itinuro ang sarili ko.

"Oo Kira ganon na nga." Sabi ni Sky.

Sa mga ugali nina Sky at Aira, parang naalala ko ang mga kaibigan ko sa real world. Yung kahyperan nina Aira at Sky. Sana makita ko sila Izumi sa VR para makapag-tour naman sila sa'kin sa FGO.

*______

Nag-usap kami nang nag-usap hanggang sa nakarating na kami sa aming destinasyon. Ang Windia's City. Grabe. Ang tataas ng mga tore dito! At parang mala-ancient modern style ang lugar ng mga diwata rito! At ang mga ilaw, sobrang liwanag at kahit malayo ka pa ay makikita mo na ang siyudad na ito! The towers have silver and blue colors and bluish white lights. Ang ganda dito! Ang sarap tumira rito.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon