Author's note:
The mystery of H and the quest "Memoria" has begun.
-MysticBlackAsuna<3
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---Kazuki---
Pagpatak ng 8:30 a.m. nakabihis na ako ng damit panglakad. Guess what's the color. Yes. Black na naman. Black skinny pants, grey t-shirt na lady's fit na sinapawan ng black hoody jacket, at samahan mo na lang ng back snickers. Lahat na lang black. Saan naman kaya ako nagmana kaya mahilig ako sa black? Hay. Kesa sa isipin ko pa ang bagay na iyon, tatawagan ko na lang si Jiroshin-kun at Izumi.
Calling Jiroshin-kun....
[Phone Conversation]
"Nasaan na ba kayo? Naghihintay na ako sa labas ng bahay."
"Nandyan na ako Kazuki-chan. Teka. Ikaw ba yung naka-black jacket na nakikita ko ngayon sa gate?" Jiroshin.
"Oo. Teka. Wag mong sabihin na--"
[Phone Conversation Ended]
Oo. Paglingon ko pa lang, nakita ko na siya na nakasuot ng... Ano? Black? Teka muna sandali.
Binaba ko na ang phone ko.
At bakit wala pa si Izumi?
"Mabuti naman at nakarating ka na Jiroshin-kun. Sandali. Nasaan ba si Izumi? Akala ko ba sasabay na lang kayong pumunta dito sa bahay."
"Hindi daw siya makakasabay sa atin ngayon kasi pinababantay sa kaniya ang kaniyang pinsan. Yung 7 years old niyang pamangkin?"
"Oo. Hay wag mong sabihing pinagplanuhan na naman ng babaeng iyon na tayong dalawa lang ang pupunta sa ospital. Hay si Izumi talaga."
---Mini Recall---
[Izumi: Mas mabuti pang babantayan ko na ang ang pamangkin ko para makapag-date ang dalawang iyon. Hihihihi *evil laugh*]
Alam mo naman ang babaeng iyon? Hinding-hindi yun titigil sa kaaasar sa'kin hangga't hindi raw namin sinabi na may feelings kami sa isa't isa. Ano bang pumasok sa kokote ng Izuming iyon? Eh ang bitter kaya nun. Ok balik tayo sa usapan.
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Science-FictionHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...