Chapter 44: Sword Dance Of Light And Fire

361 12 2
                                    


---Kazuki---

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa mga pinagsasabi nina Sapphirine at Moonlight. Yung iba ko pang katawagan sa VR. Bakit ba nila ako tinawag na Lost Swordsgirl? Wag niyong sabihin na pinag-uugnay niyo ako sa isang kwento sa FGO. Eh nasa ALO tayo ngayon eh.

Yung moment na tinanong mo ito sa kanila ang tungkol dito pero ang sinagot lang nila ay may mga bagay pa akong malalaman sa tamang oras na ako lang ang makakatuklas? Grabe ah.

Forward>>>>

Mabilis kaming nakabalik sa lungga ng Crystal Dragon. At sa oras na ito, may nakahanda na kaming plano. Hindi na kami mahihirapan sa gagawin namin. Pero bago pa man kami sumugod, bigla na lang hinila ni Sapphirine ang kamay ko.

"Lost Swordsgirl. Na sayo ba ang plautang gawa sa kahoy?" Tanong niya.

"Oo naman." Sagot ko. I swipe my right hand first at lumabas ang window. Tinignan ko sa items ang plauta at kinuha ko ito. Ibinigay ko agad ito at nagulat na lang ako sa ginawa niya.

"System command: Cross fusion."

Bigla na lang siyang umilaw sa harap ko. Bluish white light ika nga.

Sandali. Yung ginawa niyang cross fusion sa pagitan ng isang item at nabubuhay na memory fragment, nakakapagtaka. Pwede ba talaga yang mangyari? Bihira ka lang makakakita ng ganitong phenomenon sa VR.

Ilang sandali nun, nawala ang ilaw at isang plauta ang lumitaw sa harapan ko. Isang plautang gawa sa purong saphiro. Ang plauta sa panaginip ko. Ang armas na makakatalo sa Crystal Dragon.

Ito na nga ang tinatawag nilang Sapphirine Flute. Hawak ko na sa mga kamay ko.

"Gamitin mo na ang item na'to sa lalong madaling panahon para mailigtas mo na ang mga kaibigan mo sa kapahamakan." Sabi niya sa pamamagitan ng telepathy.

"Oo. Gagawin ko." Sabi ko.

Kaagad na naming pumwesto sa pag-atake sa kalaban. Gaya ng pinlano, makikipag-switch ako kay Shiro-kun para magamit ko na ang Sapphirine Flute. Pero bago yan, lilituhin muna namin ang Crystal Dragon at hanapin ng weak point nito. Hahanap din kami ng paraan kung paano namin maliligtas ang mga kasama namin.

"Handa ka na ba Shiro-kun?", tanong ko naman sa kaniya habang inilagay ko ang Sapphirine Flute sa tabi ng sword sheath ko.

"Handang-handa na ako." Sagot niya.

Nagmasid muna kami sa paligid ng lungga niya. At napansin naming nawawala ang Crystal Dragon.

"Sandali. Nasaan na ang halimaw na iyon?!" Tanong ko.

At saktong pagkatapos kong masambit ang tanong na iyon, nagpakita na rin ang halimaw. Sinalubong niya kami ng kaniyang crystal blizzard.

Mabuti naman malakas ang pandama namin.

"Ilag!" Sigaw ko at sabay kaming tumakbo nang mabilis para maiwasan ang mga bumabagsak na crystal spikes.

Ano kaya yung gagawin namin para makalapit kami sa halimaw na yan? Please mag-isip ka ng paraan.

Teka sandali. Mga nagbabagsakang crystal spikes? Parang may naalala ako sa sitwasyong ito.

Naalala ko yung araw na naglaban kami ni Raven at ginamit ko ang deflection sword skill na kung saan hinihiwa mo ang mga bagay na lumilipad sa ere o di kaya naman ay pinaulanan ka ng pana at iba pa.

Paano kung gagawin ko ulit yun? Pero sa sitwasyong ito, gagawin ko ito kasama ang sword partner ko.

"Kiruna-chan may iba pa ba tayong paraan para makalapit tayo sa Crystal Dragon?", saktong nagtanong si Shiro-kun sa'kin na sa mga oras na iyon ay nakaisip na ako ng plano. Ewan ko lang kung kaya ba niyang gawin ang pinaplano ko. Sana nga.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon