===Kazuki===It's almost 20 minutes nang umalis sila Hirou at Shiro-kun mula sa Central Tower. Hindi ko maisip kung ano ang ginagawa ng mga iyon o saan man nagpunta. Baka may balak pa silang magshopping kaya matagal nakabalik.
Habang naghihintay sa kanila ay nag-uusap naman kami ni Sky para matanggal naman ng konti ang kabagutang pumapalibot sa amin ngayon sa aming kinatatayuan.
"Hay! Ang tagal naman nila," nababagot na sabi ni Sky habang umupo sa may bench katabi ng tore.
"Oo nga eh. Dapat kasi 'pag dumating na sila Aira agad na tayong pumunta sa bahay ko para magpulong tungkol sa susunod na memory fragment. Eh pa'no may pinuntahan sila sandali," sabi ko sa kanya.
"Sandali lang daw pero lumipas na ang 20 minutes. Baka nagdedate pa ang mga iyon," sabi niya at mahinang tumawa.
Anong akala niya kay Hirou bakla? Naku sasapakin ko talaga ang babaeng ito.
Tumingin ako sa kanya ng seryoso na parang magkasalubong na ang aking mga kilay.
"Sky..."
"Bakit Kiruna?", tanong niya.
I'm staring at her at lumapit sa kanya. Sa hindi inaasahan ay bigla ko siyang binatukan dahil sa sinabi niya. Sa tingin ko parang hindi na Shoujo manga ang binabasa niya. Baka pati yaoi dinamay na.
*paaaaaaak!*
"Aray naman Kiruna! Joke lang iyon," daing ni Sky habang hinihimas niya ang kanyang batok.
"Ano na naman bang iniisip mo? Hindi bakla ang kapatid ko ah. At isa pa si Shiro-kun---"
Itutuloy ko sana ang sasabihin ko nang bigla na naman akong inunahan ni Sky sa pagsasalita. Hay! Kahit kailan talaga mahilig din siyang manira ng moment.
"Alam ko Kiruna. Alam kong si Shiro ay para sayo lang tama ba? Ahihihihi!" Tumawa ng mariin si Sky kasabay n'on ang pagsundot sa pisngi na parang inaasar na ako.
May gana pang tumawa ang babaeng ito dinaig pa si Gray.
Hindi ko namalayang bumalik na naman ang sintomas na ito. Pamumula ng mukha, pagbilis ng tibok ng aking puso at nag-aalala kung nasaan na siya. Ano bang klaseng sakit ang dumapo sa akin sa tuwing aasarin nila ako kay Shiro-kun?
Am I starting to fall---
Huwag muna ngayon ok? May quest pa kaming tatapusin.
I cross my arms and look at her in a dull manner. Isa pang asar niya talagang masasapak ko na ang babaeng ito.
"Tch. Asarin mo pa ako baka magagamitan talaga kita ng sword skill ko 'pag pinagpatuloy mo pa 'yan," sabi ko in a cold tone.
Sky laugh in a nervous tone. Basta usapang sword skill titigil na 'yan.
"O sige na hindi na kita aasarin," sabi ni Sky.
Ilang sandali lang ay lumapit si Raven sa aming pwesto na tila seryoso kung makatingin sa amin. Ewan ko kung anong nasa isipan niya pero sa nakikita ko sa mga mata niya parang may gusto siyang iparating.
"Kiruna, may gagawin ka ba bukas?", tanong niya.
"Wala naman. Bakit Raven?", tanong ko sa kanya.
Tinitigan na naman niya ako ng diretso na kulang na lang sasagpangin na niya ako. Pero napakaseryoso naman ata niya sa mga oras na ito. Ano bang gagawin niya?
"Bukas sa tunay na mundo magkita tayo sa school ground ng Kudo University. Nais ko kasing makipag-usap sayo na tayong dalawa lang. At isa pa importante ito," sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Science FictionHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...