Chapter 56: Salvage at the Tanzanite Ruins

214 3 0
                                    

Author's Note:

Inaakala mong ayos lang ang lahat pero hindi pala. Akala mo yung taong pinagkakatiwalaan mo ay tunay talagang tapat sayo. Lahat ng lihim ay walang takas sa pagbunyag nito. Kung ayaw mong masira ang lahat, huwag kang maglilihim.

Abangan ang huling apat na kabanata sa The Lost Swordsgirl! And don't forget to comment and vote for the continuation. Maligayang pagbabasa!

~SymphoZenie / MysticBlackAsuna

===========================================

===Jiroshin===


"Kiruna-chan sandali!"


Sigaw ko nang bigla na lamang siyang lumipad papalayo sa aming kinatatayuan. Napakalaking ipinagtataka ko kung paano niya nalaman ang lihim na pinag-uusapan namin nin Hirou. Sa mga oras na ito at samu't saring mga kalituhan at katanungan na ang dumagdag pa sa sitwasyong ito. Anong dahilan kaya niya nasabi ang mga iyon at bigla na lang niya kaming sinuntok?


Huwag ka nang magbulag-bulagan pa Shiro! Baka habang nag-uusap kayo ng kapatid niya ay kanina na pala siyang nakikinig sa hindi malamang dahilan at lokasyon.


Pero paano naman niya nalaman ang lihim na iyon? Sa pagkakaalam ko napakalakas ng kanyang pandinig na kahit nasa isang daang kilometro ay naririnig niya sa tuwing ginagamit niya ang kanyang hearing ability. At pwede rin siyang gumamit ng invisibility magic since she is a Windian Fairy. Isa rin iyon sa mga taktika niya kung bakit magaling din siyang makipaglaban sa pagkakaalala ko tungkol sa kanya.

Kung hindi ako nagkakamali, malamang sa pagpatungo niya rito ay narinig na niya ang usapan namin. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ang bagay na ito? 


Dahil sa aking pagkadismaya ay agad kong inilabas ang aking mga pakpak at nagtangkang sundan si Kiruna-chan sa kanyang paroroonan ngunit bigla hinablot ni Hirou ang aking kamay at tila pinipigilan niya akong sundan siya.


"Hayaan mo na siya Shiro. Hayaan na muna nating palabasin ang galit niya dahil sa lihim natin." Malungkot na saad ni Hirou.

"Bakit mo naman siya hindi pinigilan? Di' ba kapatid mo siya?  Hahayaan mo na lang bang mapahamak siya matapos niyang malaman ang katotohanang itinago natin sa kanya?" Sabi ko sa kanya.


Napakuyom na lang ako ng kamao sa mga maaring mangyayari matapos ang lahat ng ito. Paano kung ito pala ang dahilan kung bakit titigil na lamang siya sa paghahanap ng kanyang mga alaala? O ang mas malala pa...


Paano kung ito ang gagawing patibong ni Illiad para makuha niya si Kiruna-chan?


"Pasensya na Shiro. Dahil nalaman na niya ang katotohanan, mukhang ako na ang pag-iinitan niya ng galit sa mga oras na ito. Hindi lang mga dungeon bosses, si Illiad at ang iba pang humahadlang sa kanya niya ibubuntong ang galit niya. Alam kong darating ang araw na ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung nagpakilala lang sana ako agad---"


Agad ko siyang binatukan sa inis. Pati na rin ako ay nahawa na rin sa kadramahan ng magkapatid. 


Oo nga pala kasabwat din pala ako sa kalokohang ito. Kaya pati siya ako damay sa galit niya.


"Aray naman Shiro! Bakit mo naman ginawa iyon?" Tanong niya.


"Tandaan mo Hirou, tayong dalawa ang sangkot sa gulong ito. At tayo rin ang haharap sa kalalabasan nito. Damay rin ako dahil pati ako naglihim din sa kanya. Kahit na anong mangyari, poprotektahan natin siya kahit galit siya sa atin. Anong mas uunahin mo: Ang sisihin ang sarili mo dahil sa lihim o ang magsisising kinuha na siya ni Illiad pati ang mga alaala niya?"

Hindi na nakapagsalita pa si Hirou. 

Pagkatapos n'on ay agad na kaming lumipad upang sundan ang aming mga kasamahan papunta sa aming destinayon. Kahit ganito ang nagiging sitwasyon namin ngayon, hindi pa rin namin dapat maialis ang aming responsibilidad bilang mga kaagapay niya sa mundong ito. Lalo na ang pagiging Sword Partner niya.

Ngunit sa sitwasyong ito, mas pagtutuonan namin ng pansin ang kanyang seguridad. Lahat ng mga malalakas na mandirigma ay may sariling weak point. At kapag ito ay nakitaan ng kalaban, tiyak na sa puntong iyon siya aatakihin. Gaya na lang ngayon.

Hindi lang siya galit sa kapatid niya.



Pati na rin sa akin.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon