---Kazuki---Oras na ng uwian. Sa ngayon nasa hallway pa kami hinihintay sila Rhea at Aria. Hay.
Pag magpinsan talaga. May kinukuha muna daw sandali sa faculty room kasi inutusan ng teacher.At hanggang ngayon hindi pa rin sila dumating. Hay. Hahanapin pa namin ang Sapphirine Flute mamaya. At kailangan ko pang buksan ang Moonlight headband. Di ko pa nga nakita ang memory fragment dun. Pagkatapos kasi ng araw na nagkita kami ni Hirou, agad na kaming naglog out. Ay pagkatapos pa lang ginawa na niya ang request ni Lia. Hay naku.
Habang naghihintay kami sa hallway, nagkasalubong kami ni Sonoko. At... Ang hyper naman ata ng babaeng ito.
"Yo Kazuki-senpai!", bati niya.
Nagkatinginan ang lahat sa akin. Teka. Anong problema kaya kayo nakatingin sa'kin?!
" Kazuki-senpai??", Yoroka.
"Wag mo na nga akong tawaging senpai <master> Sonoko. Straight to the point na lang na Kazuki.😓"
"Pasensya na nasanay na kasi ako eh.", sagot ni Sonoko sabay ngiti.
At hanggang ngayon nakatingin pa rin ang barkada sa'kin. Hoy! Ano bang meron?
" Kazuki... Sen-pai?", Yoroka.
"Sandali nga. Senpai? Uy Kazuki! Wag mong sabihing may tinuturuan kang freshman sa VR.", Ayato.
"Sa totoo lang---", naputol ang sinabi ko kasi inunahan na ako ni Sonoko. Hay.
" Oo! Baguhan ako sa larong VRMMORPG. At gusto kong magpaturo sa kaniya. Lalo na sa paanong lumipad sa FGO. Diba Kazuki-senpai?😁" Sonoko.
Talaga bang sinabi niyang magpaturo sa paano lumipad sa FGO? Eh dati landing nga matagal kong natutunan, flying skills pa. Sa totoo lang kada laban hindi ko maiiwasang lumipad sa ere. Naaalala ko tuloy yung araw na una akong napadpad sa FGO at nahirapang lumanding.
"Uh... Oo! Pero pagkatapos na sa misyon ko sa ALO. At sa mga gawaing dapat gawin. Lalo na't malapit na ang kendo tournament at long test. Ang dami ko nang gagawin."
"Ayos lang yun Kazuki-senpai handa akong maghintay para dyan. Basta magmessage ka lang sa'kin huh?", sagot ni Sonoko the hyper freshman.
" Ok Sonoko. Basta pagkatapos ng mga iyon mag-memessage ako. ", response ko with matching ngiti.
" Ayos! Kita na lang tayo bukas."
At umalis na nga siya.
Napansin ko na habang nag- uusap pa kami, tila seryoso si Izumi na nakatingin kay Sonoko kanina.
"Izumi may problema?", tanong ko sa kanya.
" Uh wala naman Kazuki. Bakit?", Izumi replied.
"Wala naman. Syanga pala paglipas ng 3 araw babalik na kami sa FGO. Hahanapin na lang namin ang Sapphirine Flute sa ALO. Pagkatapos nun babalik na kami."
"Ok Kazuki aasahan namin yan. Para tatlo na lang ang hahanapin natin sa FGO. Magkwento naman kayo ng boyfriend mo kung anong nangyari sa ALO. Hihihi", pang-aasar niya. Hay. Kinain na yata siya ng sistema si Izumi.
At isa pa anong boyfriend?!
" Anong boyfriend?! Hay Izumi wag mo nga akong asarin dyan."
"Gome (sorry) Kazuki. O sige na umuwi na tayo. Para maaga niyong tapusin ang misyon."
Bago pa man siya umalis, tinapik niya ang kaliwang balikat ko sabay bulong ng...
"Lagi kang mag-iingat Kazu. Mag-ingat ka sa bawat taong nakakasalamuha mo. Dahil minsan may mga taong akala moy nakita mo ang unang pag-uugali pero hindi pa pala yun ang tunay niyang kulay."
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Ficção CientíficaHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...