Author's Note:
Hi minna! May ginawa lang po akong konting revisions but the flow of the story is still the same. At hindi po ito nakakaapekto sa takbo ng kwento. Stay tuning in guys.
-MysticBlackAsuna💙
============================================---Kazuki---
Habang naglalakad kami sa Mystic Forest bigla na lang sumulpot ang isang player sa aming harapan. Bumagsak siya sa harapan namin sa hindi inaasahan. Sino ba ang player na'to na bigla na lang sumulpot sa harapan namin? Baka kalaban ang player na 'to.
Hinawakan ko na agad ang aking espada kung sakaling magtatangkang umatake ang sword player na ito. Baka kasi bigla na lang itong aatake.
Kaso nga lang may napansin ako bigla. Doon sa crash landing na ginawa niya, naaalala ko na naman ang nangyari sa'kin noong baguhan pa lang ako nang dumating sa FGO. I almost tried several attempts hanggang sa dumating yung oras na sumabit ako sa puno nang maglanding ako.
Ilang saglit lang ay tumayo siya. Isang uri ng Pyran o Fire Fairy na may scarlet na buhok at mga mata. Nakasuot din siya ng pulang battle armor at may hawig ito sa suot ni Shiro-kun. Yung nga lang may breastplate siya hanggang upper abdomen na kulay pilak.
Binasa ko muna ang mga kilos niya ngunit sa aking obserbasyon ay wala naman siyang dinadalang kapahamakan. O sabihin na lang nating isa siyang baguhan. Buti pa lapitan ko na lang ang baguhan na ito at tanungin ko muna kung ayos lang siya.
"Ayos ka lang ba?", tanong ko sa kanya. "Ganyan talaga rito sa simula mahirap pero masasanay ka rin."
Tumayo agad ang player habang hinihimas niya ang kanyang ulo. Tumingin agad siya sa akin at mahinang tumatawa.
"Ganon ba? Sa bagay baguhan pa lang ako. At isa pa salamat na rin sa concern mo," sabi niya sa akin.
Mukhang mabait naman talaga ang player na ito. Wala akong nakikitang kapahamakan sa kanya maliban na lang sa crash landing na sinasabi niya. Kainis naalala ko na naman.
Ilang sandali lang ay dumating ang isa pa niyang kasamahan. Isang player na may kulay nile green na buhok at mata. May kulay puti at luntian ang kanyang damit pandigma gaya ni Gray pero yung estilo ng kanyang pananamit ay kagaya ng isang samurai. Katana ang kanyang ginagamit na sandata.
"Hoy Gray! Saang lupalop ka na naman ba napunta? Ayos ka lang ba? Baka tumama na naman ang mukha mo sa lupa sa pagbagsak mo," sabi niya sa player.
Lumingon agad ang isang player na nagngangalang Gray sa kanya na tila naiinis na may halong parang walang nangyaring crash landing expression.
"Ano ka ba Brock?! Ayos lang ako noh. Kung makapag-alala ka sa 'kin para kang si mama. At isa pa, hindi ako papayag na masira ang gwapo kong mukha ano!", sabi niya.
Wew. May pagkamahangin din pala ang freshman na ito. Pero alam ko naman na punchline niya lang ang nga sinasabi niya.
Bigla na lang akong tinapik ni Shiro-kun sa kanang balikat at sa nakikita ko napakaseryoso niya kung makatingin sa bagong salta.
"Kira-chan may napapansin ka ba sa kanya?", tanong niya.
Lumingon ako sa kanya na may halong pagdududa.
"Wala naman. Bakit?", tanong ko sa kanya.
"Parang may nakikita akong kapareho ng ugali ng isang 'to. Ganyan din kasi yung ugali ng bago nating kaklase kanina," sabi ni Shiro-kun.
Ano na naman kaya ang sinasabi niya? Ganyan talaga siya mahilig manuri ng isang tao. Pero teka lang, marunong din palang bumasa si Shiro-kun sa psychological behavior ng isang tao? Grabe siya.
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Ficção CientíficaHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...