Chapter 41:Trail To The Sapphirine Flute

250 10 0
                                    

---Kazuki---

Floor 57: Valley of Crystals

Sa wakas nakarating na kami sa lugar na kung saan itinago ang Sapphirine Flute. Ang Ikaapat na memory fragment sa quest memoria at ang sinasabing continual memory fragment ng Moonlight Headband. Pero...

In speaking of floor 57...

May gash! Napakalamig pala dito! Daig pa ang Antarctica sa lamig. Sobrang lamiiig naman dito. Inakala ko pa naman sa lugar na ito ay tahimik at katamtaman lang ang temperatura, naku! Ang lamig talaga dito!

Pero ayon sa napag-alaman ko, ang mga krystal sa lugar na ito ay tumutubo sa ganitong kalamig na lugar. At hindi lang yan. Dito rin nakatira ang halimaw na pinag-uusapan namin kanina. Ang Crystal Dragon. Ang halimaw na may kulay lilang katawan at pakpak. At may pulang breastplate sa harap. May kulay pula rin itong mga matang nanlilisik sa galit. Isa sa mga kakayahan nito ay ang kumanta ng isang himig o incantation para ang isang biktima ay mahulog sa kaniyang patibong.

Paano? Patutulugin niya ang biktima at ipapasok sa chamber na kailanma'y hindi masisira ng isang armas na gawa sa metal. Ang mas malala pa, ikukulong niya ito sa chamber at pahirapan ito sa loob bago mamatay ang biktima. Inuulit ko kanina, hindi tatalab ang mga armas na gawa sa metal. Kahit isa pa yung legendary sword na gawa rin sa metal, hindi pa rin tatalab ito. Ang tanging makakasira at makakatalo sa halimaw na dragon ay ang Sapphirine Flute.

Sabi sa kwento, ang himig ng Sapphirine Flute ay may kakayahang makakasira sa chamber. At mismong barrier ng kalaban. May nakapaligid na barrier sa katawan ng dragon. Kahit isang weak point ang hirap nang hanapin.

Pero yung sinasabing labanan ng himig at musika...

Paano naman matatalo ng tuluyan ang halimaw na'to? Kahit isang plauta lang ang gagamitin mo sa laban baka hindi pa sapat iyon. O baka naman...

May iba pang gamit ang Sapphirine Flute.

Habang naglalakad kami papunta sa aming destinasyon, napapansin pa naming hindi pa pala kami nakasuot ng mga damit na panlaban sa taglamig. Winter clothes ika nga.

"Hay! Ang lamig naman dito! Para na akong mamamatay sa ginaw. Brrr!", sabi ni Ania na medyong nahihirapan nang maglakad dahil sa lamig.

" Oo nga," sabi ni Kito. "Hindi man lang ba kayo gumawa ng apoy o gumawa man lang ng magic na pantanggal sa lamig? Namamanhid na nga tuhod ko oh!", dagdag niya. At sa totoo lang tama siya. Medyo namamanhid na rin ang katawan ko.

Sila Riku at Lia naman ay nakatago sa bulsa namin ni Shiro-kun. Napansin kong ang dali naman nilang mapagod ngayon. Hay. Siguro sa paglipad namin kanina papunta sa floor na'to.

Pati ako nilalamig na rin.

At agad naman itong napansin nina Shiro-kun at Hirou.

" Ayos ka lang ba Kiruna-chan? "-Shiro

" Sa totoo lang hindi. Nilalamig na ako masyado. Parang nakalimutan mo yatang gumawa ng magic na panlaban sa lamig," sagot ko. "At isa pa paano tayo makakapunta sa Sapphirine Flute kung pagdating natin doon ay mga frozen fairies na tayo. Hay," dagdag ko. Kanina pa talaga akong nangangatog sa lamig. Samahan mo pa ng nginig.

"Buti pa solusyunan muna natin ang problemang ito Shiro bago pa tayo maging fairy popsicles," sabi ni Hirou na may dalang konting biro. May sense of joking pala ang fairy na'to. Pero yung joke niya kinuha lang sa idea ko.😕

Biro lang.😂

Sinambit nila ang magic na sinasabi ko kanina. Ang thermal magic. Nakakapagtanggal ito ng nararamdaman mong lamig sa lugar na'to. Sabihin na lang natin na pinapataas nila yung cold temperature resistance namin.

The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon