Author's Note:
The second part of The Legend's Lost Sword chapter. Kaway-kaway mga JiroZuki Shippers!! Happy reading! 💕
~MBA💙
------------------------------------------------------
---Kazuki---
Everything was just fine and peaceful. Mahimbing akong nakatulog sa ilalim ng puno kasama si Riku. Mga 10 minuto na ang nakalipas nang umidlip ako. Nakakagaan pala sa pakiramdam ang ganito. Nakakaiwas ako sa pag-iisip ng labis.
Ngunit sa hindi ko inaasahan...
Bigla na lang akong nagising na tila nakakaramdam ako na dinadaganan ako. Nang minulat ko ang aking mga mata, laking gulat ko nang makita ko si Shiro-kun na sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nakaramdam na tila dumampi ang labi niya sa akin. Sa madaling salita, hinalikan niya ako habang tulog! Baka! Baka! Baka!
Nakaramdam na lang ako bigla ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Pati mga paru-paro sa tyan ko nag-re-react na rin at namula ang aking mukha. That is the first time na hinalikan ako nang hindi ko namamalayan. Sa madaling salita, ninakaw niya ang halilk ko! Baka!
Bigla ko tuloy naalala ang kanyang sinabi kanina bago pa niya ako inalalayan papuntang classroom. Yung mga oras na nagrereklamo ako sa kanya dahil sa pagbuhat niya lang sa 'kin para hindi ako matumba.
"Isang reklamo mo pa at aagawan kita ng halik."- Jiroshin/Shiro.
Baka (stupid) Blue Phoenix Shiro! Sino ka para gawin iyon?! At pati rin pala si Dailli damay din? Baka tinulak ka lang niya para pagbagsak mo maaagaw mo na ang dapat hindi ko pa ibibigay. My one and only first kiss. Argh! Pwede bang ibahin na lang ang topic. Naiinis na ako sa sitwasyong ito.
Nakatayo lang akong tulala sa aking naranasan ngayon lang. Mahimbing lang akong nakatulog tapos paggising ko na lang ay hinalikan na pala ako ng Shirong iyon?! Iba rin yung mga the moves mo ano?!
Kaya ko na rin siya sinuntok dahil sa ginawa niya. At hindi lang 'yan, I stare at Dailli sadistically. Pakiramdam ko kasi sinadya niyang tinulak si Shiro-kun at biglang nangyari ang bagay na iyon. Bubunutin ko na sana ang espada ko ngunit naalala ko palang kailangan kong huminahon. Baka kasi mapapagalitan pa ako ng isa rito.
Ilang sandali lang ay biglang nagising si Riku at bumangon. Nakatingin lang siya sa amin na bagong gising talaga. At saka siya nagtanong sa mga nangyayari.
"Ate Kiruna anong nangyari?", tanong niya sa amin.
Sabay kaming lumingon nang marinig namin ang boses niya. Habang sila Ania at Lia naman ay mahinang tumatawa dahil sa nasaksihan nila. Si Dailli, nagtatago sa likod ng puno na baka siya na ang susunod kapag natapos kong suntukin si Shiro-kun dahil sa bagay na ginawa niya.
Tuluyan na talagang nabinyagan ang labi ko kainis.
Pasimple lang akong ngumiti kay Riku at nagsalita ng walang nangyari.
"Wala naman Riku. Nagsasparing lang kami ni Shiro-kun para kung sakaling makakaharap na natin ang boss na nagbabantay sa Light Crystallix. Aerial kasi ang harpy kadalasan kapag naglalaban. Di 'ba Shiro-kun?", sabi ko sa kanya at saka ako lumingon kay Shiro-kun. But still I'm staring at him furiously. Naiinis pa rin ako sa kanya.
Lagot ka sa 'kin mamaya Shiro-kun. Ipapalapa kita sa alaga ko mamaya para matauhan ka sa pagnakaw mo ng halik sa 'kin.
Nagulat siya ng konti at nerbyosong nagsalita kay Riku.
"Oo Riku. Kaya nga rin ako nagkaroon ng malaking marka ng suntok sa mukha dahil sa pagsasanay namin. Ang galing din pala ni Kiruna-chan sa combat skills na walang sandata," sabi niya at sabay tawa na may halong nerbyos.
BINABASA MO ANG
The Lost Swordsgirl (Completed/Under Major Editing)
Ciencia FicciónHighest rank-#4❤(12-19-17) Living in the world without knowing who you really are is so complicated. It's almost 7 years after the unknown tragedy. Walang maalala sa nakaraan... Ang alam ko lang ay kung paano ako napadpad sa mundong una kong napunta...