Two.

6K 116 10
                                        

"Alyssa!!!" napalingon ako kasi may tumawag sa pangalan ko, "ay grabe siya!" sabi ulit tas tumawa ako.

"Hhahahahahaha hello Ella," sabi ko sa kanya.

"Makatingin ka sa malayo e nandito lang ako sa harap mo! Porke matangkad ka sakin! Hmp!"

"Tampo ka naman agad, nagbibiro lang naman ako," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Pasalamat ka sa mga dimples mong cute."

"Sa dimples kong cute, thank you," sabi ko tas binatukan ako ni Ella, "ouch! Para saan yon? Infairness naabot mo ko ha," tas binatukan na naman nya ko.

"Pilosopo ka na nga, bully ka pa," sabi niya sakin.

"Oo na, oh bakit ka nandito?"

"Pahiram ako ng notes mo sa Gen Psych."

"Ayan tayo e, tulog pa!"

"Ikaw magtraining dyan sige!"

"Hahahahaha! Nasa dorm yung notebook ko, dalhin ko na lang sayo mamaya."

"Weh? Okay lang?"

"Oo naman, sa dorm nyo ba?"

"Sa gym na lang Ly," sabi nya sakin tas tinignan ko sya, "what?"

"Yung totoo Ella?"

"Ano ba????"

"I said no already di ba?"

"What? Hey, hindi yun intention ko! Grabe ka! Kaya sa gym ko pinapadala kasi ipapaphotocopy ko na din, may madadaanan na xerox-an pag galing BEG di ba?"

"Totoo ba yan?"

"Oo nga Ly, oo na, natanggap na namin na ayaw mo, tsk, isang linggo ka din naming hinabol, pagod na kami."

"Ay drama niya!"

"Ewan ko sayo Alyssa, sige na, may klase pa ko, see you later!"

"See you later, ingat!"

Naglakad na palayo sakin si Ella, medyo naging close na din kami kasi halos magkaklase kami sa lahat ng subjects ko ngayong sem, dalawa lang ata ang hindi. Tsaka first day pa lang, nagclick na talaga personalities namin.

Naglakad na rin ako papunta sa klase ko, dito naman, kaklase ko si Ms. Attitude. Well, after nun last encounter namin, hindi na ulit kami nagpansinan. Nakakausap ko lang sya if kailangan. Anyway, i don't care naman. Hindi rin naman kasi talaga kami magkakasundo.

Last class ko na din 'to so yaaaay!! Tapos na yung klase, halos nakaalis na lahat ng kaklase ko maliban kay Ms. Attitude.

Tumayo na ko, madadaanan ko yung seat nya bago ako makalabas. Pasimple akong tumingin sa kanya, and boom, tulog. Sa almost 1 month na naming magkaklase, madalas ko talaga syang nahuhuli na tulog, buti hindi 'to nahuhuli ng prof. Tulad ng dating gawi, para magising siya..

Lumabas na ko at pabagsak kong sinara yung pinto. Sumilip ako, and ayan, gising na si Ms. Attitude. Hahahaha!

"Shit Dennise, you fell asleep, again!" dinig kong sabi nya, that's my cue para maglakad na palayo at baka makita pa nya ko at paandaran na naman ng attitude nya.

Umuwi muna kong dorm para kunin yung notes ko sa GenPsych. Bakit nga ulit ako pumayag na magprisinta?

Past 6 pm na nung makadating ako ng BEG. Nakita kong nasa practice match sila. Sinet kay Ella yung bola, tas ini-spike ni Ella, napapalakpak ako, pano ba naman kase, napakaliit na babae pero ang taas tumalon!

Nasa kabila na yung bola, sinet dun sa isang girl tas spike.

"Den!" sigaw ng isang babae dun kay Ms. Attitude. Nireceive ni Ms. Attitude, woah, pancake save.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon