"Oy, anong plano nyo sa Christmas break?" tanong ni Ella dun sa dalawa nyang roommates.
"Uwi akong Batangas," sabi ni Ly.
"Me din, sa Paranaque, ikaw din di ba?" sabi ni Den kay Ella.
"Yeah, so magsisiuwan pala tayo. Uy Ly, pasalubong ah!"
Den shook her head, "di pa nga nakakauwi, pasalubong agad."
"Malay mo makalimutan! Hahaha!"
"Sure Ells, ano bang gusto mo? Ikaw, Den?" Den whispered something and that made Ella looked at her.
"Ha? Di ko narinig Den," sabi ni Ly.
"Ano, kahit ano na lang, di naman ako katulad ni Ella," sabi ni Den at pinanlakihan ni Den si Ella ng mata.
"Grabe sya," sabi ni Ella and smirked at Den, okay, silang dalawa lang nagkakaintindihan.
"Nga pala, di ba may Christmas party daw tayong team?"
"Ah oo Ly, dyan lang sa rooftop yun panigurado, hahaha," sabi ni Ella.
"Yeah, pero dinig ko, baka daw sa house ni Sir Toni Boy this year, kantahan lang yun tsaka kainan," sabi naman ni Den.
"And inuman," sabi ni Ella.
"Ay pwede?" tanong ni Ly.
"Usually wine or mababang percent lang ng alcohol yung alcoholic drinks, last year kasi ganun, tsaka sabi na rin nila Greta," sabi ni Den.
"And Ly, hindi ka makakaalis ng hindi ka kumakanta."
"Hala, eh hindi ako kumakanta!"
"Kahit sintunado, papakantahin ka nila."
"Yep, pag si Den na kakanta, ihanda mo na mga tenga mo hahahahaha!" Den just rolled her eyes.
"Hahahahaha! Parang gusto ko nang marinig yan," pang-iinis ni Ly.
"Ly, I'm warning you," sabi ni Ella.
"Gusto mo now na?" sabi ni Den.
"Noooooo!" sabi ni Ella.
"Hoy ang OA mo ha! Nasa tono naman ako!" sabi ni Den.
"Oo pag flat yung note!" sabi ni Ella and Ly burst out in laughing.
"Pag ako Ella nataasan kita sa score sa videoke, ililibre mo ko ng lunch!"
"Deal!"
"Wow Ells, confident!" sabi ni Ly.
"Anyway, birthday ni Mosh sa Sunday, punta kayo sa house."
"Uy tara!" sabi ni Ella.
"Invited kami? Okay lang?" sabi ni Ly.
"Oo naman, si Mom pa nga nagsabi. Tsaka 7th din kasi ni Mosh, alam nyo naman, pag 7th, naghahanda talaga."
"Sige sure," sabi ni Ly.
"Di ko na tatanungin si Ella, paniguradong oo na yan."
"Sinabi mo pa!" sabi ni Ella and that made them laugh.
SUNDAY
"Sure ka bang dito, Ella?"
"Oo naman Ly, ano namang akala mo sakin, ayan ayan, yung house na may gate na black," sabi ni Ella tas konting kembs, ayan, tapat ng Lazaro's house.
"Ang laki," sabi ni Ly pagkalabas nila ng kotse.
"Sabi sayo legit rich kid si Den, hahaha," sabi ni Ella tas nagdoorbell na, "goodmorning po," greet ni Ella sa maid nila Den.
