Pabalik na sila ng Ateneo, kakatapos lang ng Finals Game 3.
At olats.
"Alam nyo, ikain na lang natin 'to, grabe, nabibingi ako sa katahimikan," sabi ni Ella na tinatry to lighten up the mood. Nag-sigh lang naman nag karamihan.
"Uhm guys, I know medyo wrong timing ako mag-aya, pero di ba, vacation na natin next week, kung pwede kayo, punta kayo samin," sabi ni Ly at napalingon naman sa kanya lahat ng teammates nila.
"Bilis ah," sabi ni Den na nakahilig yung ulo sa balikat ni Ly.
"Talaga Ly? Punta kami sa inyo?" tanong ni Marge.
"Uhm yeah, sabi ni Itay."
"Uy game kayo?" sabi ni Ayel.
"Game!" sabi ni Kiwi, tas nagnod na din yung iba.
"Ayan, thanks guys! Kinukulit na kasi ako ni Itay last week pa, gusto nya daw kayo makita."
"Talaga? Si Den din ba gusto nila makita?" tanong ni Tasha.
"Ha? Oo naman, pati nga kayo di ba?" sabi ni Ly.
"Kami na naman nakita nyo!" sabi ni Den.
"Whatever!" sabay sabay na sabi ng buong team at umayos na ng pagkakaupo.
BATANGAS
Nagpunta sila Ly ng kanya kanya ng dala ng kotse. Pero nagconvoy talaga sila para hindi sila magkawalaan.
"Shiz, this is your house?!" sabi ni Ella pagkalabas nila sa kotse ni Den na si Ly ang nagdrive.
"Yep," sabi ni Ly.
"Akala ko si Den ang legit rich kid sating tatlo, ikaw pala!" sabi ni Ella.
"Filthy rich bitch," sabi ni Den tas tumawa. Nagdatingan narin yung iba pa nilang teammates and they had the same reaction sa bahay ni Ly.
"Neng!" napatingin silang lahat, an old man with eyeglasses.
"Tay!!" sabi ni Ly tas she hurried to her father, nagmano then hugged her Itay.
"Sus, masyado akong namiss, iyan na ba ang teammates mo?"
"Ay opo 'tay, guys tara dali," sabi ni Ly tas naglapitan naman sila.
"Si Ate Jem po, Ate Dzi, Ate A, Gretchen, Fille, Mona, Tasha, Ayel, Amy, Marge, Bea, si Ella and si Dennise po."
"Magandang umaga sa inyo," sabi ni Tatay Ruel.
"Goodmorning po Tito," sabi naman nila.
"Sige na, pumasok na kayo sa loob, neng, samahan mo sila sa magiging kwarto nila."
"Sige po 'tay, si inay po, sila Kuya at Kian?"
"Nandoon sa kitchen."
"Sige po, tara na guys."
Pumasok na sila sa bahay nila Ly.
"Nay!" sabi ni Ly nang makita nya yung Inay nya, ganon din yung ginawa nya kanina sa itay nya, tas pinakilala yung teammates nya.
"Kay gagandang dalaga naman pala," sabi ni Nanay Lita.
"Ay totoo po," sabi ni Bea and that made them laugh.
Pinakilala nya rin sila sa mga kuya nya at kay Kian tas pumanhik na.
"Uh guys, okay lang ba na tigfive sa isang room? Dalawa na lang kasi yung vacant na room e, tas Ells and Den, dun na lang kayo sa kwarto ko."
"Sure Ly!"
"Osige, dito yung unang room tas yung katabi, yung pangalawa, tignan nyo na, naayos na daw nila Itay yan," sabi ni Ly tas pumasok na sila.