DECEMBER, 2013.
"See you next year guys, enjoy your vacation," Ly said to her teammates na magsisi-uwi to their families for Christmas Vacation.
"You, too, Ate," sagot ni Mich then hugged Ly.
"Mich, kung nakakamatay ang tingin, baka patay ka na ngayon," biro ni Ella kaya naman humiwalay si Mich ng yakap kay Ly tas nagpeace sign kay Den.
"You'll not hug me, Michifu?" pout na sabi ni Den, napatawa naman si Mich and went to Den and hugged her.
"Alam mo na Ate ha," bulong sa kanya ni Mich. Den just nodded.
"Ehem, selos na ko nyan," biglang sabi ni Ly.
"Ito na nga, nako naman, napaka-possessive naman ng dalawang 'to," said Mich at umakbay kay Jia, "babe, tayo na nga lang."
Isa-isa nang nagsialisan yung teammates nila hanggang silang apat na lang ang maiwan, Alyssa, Den, Ella and Amy.
"So? I'll go first, I have something to do, see you guys," said Kiwi and isa-isang hinug sila Ly.
"Ingat Ki," sabi ni Ly. Ella and Den naman bid their goodbyes kay Kiwi.
"Oh ayan na si Mommy," sabi ni Ella as she saw their car approaching, "kayong dalawa," tumingin sya kay Ly at Den, "wala naman, Merry Christmas," said Ella tas hinug nya yung dalawa.
Sumakay na si Ella sa kotse nila, she just waved at the two tas umalis na rin sila. At naiwan yung dalawa.
"Tara na Den, hatid na kita sa inyo," sabi ni Ly na tumingin kay Den na nakatulala lang, "Den? Okay ka lang?"
"Hmm, 3 years na kong nasa Ateneo, pero ngayon lang ako nasepanx ng ganto sa teammates natin, to think na Christmas vacation lang 'to, hahaha!"
"This year, masyado tayong intact lahat, noh?" sabi ni Ly sa kanya and she nodded.
"Anyway, tomorrow yung results di ba?" tanong ni Den tas nagsmirk.
"Yep, and be ready to lose," sabi naman sa kanya ni Ly.
"Oh really?" sabi ni Den habang nakataas yung kilay, "let's see."
Teka, ano bang pinag-uusapan nila?
FLASHBACK.
"Bakit ang tahimik?" tanong ni Ella pagpasok niya ng kwarto nila at nadatnan yung dalawa na busy na busy magreview.
"Ssssh!" sabay pa na sabi ni Ly at Den na nasa kanya-kanya nilang kama.
"Luh?" sabi na lang ni Ella at naupo sa kama nya habang tinitignan yung dalawa. Nakita nyang nagbabasa yung dalawa ng Philo book nila, "may test ba kayo?"
"Long test," tipid na sagot ni Den.
"E bakit masyado kayong serious dyan, pang-midterms na yang level ng pagrereview nyo e," tanong ni Ella and hindi naman sya nakakuha ng sagot, napailing na lang siya. Mukhang wala na syang makukuhang sagot, "bahala nga kayo dyan."
Lumabas na lang sya sa kwarto nila tas sakto, nakita niya si Mae.
"Hoy tangkad!" sabi nya, napatingin naman sa kanya si Mae.
"Oh bakit, bulilit?" inirapan nya si Mae.
"You're classmates with Den and Ly sa Philo class di ba? Long test nyo bukas?"
"Ah yeah, why?"
"E bakit hindi ka nagrereview na pang-midterms, ang intense magreview nung dalawa e."
"Ah, hahahahahahaha!"
"Bakit?"
"Kasi, yung makakaperfect ng exam bukas, exempted sa midterms, and, medyo nagkatuwaan kasi, nag-bet si Ly and Den sa harap ng buong klase."
