Seven.

5.3K 116 1
                                        

OCTOBER (before S75).

Ly is now at the rooftop, at pasimpleng nakatingin kung nasaan si Den na kasama naman si Myco.

"Kung nakakatunaw ang tingin, baka tunaw na yan," biglang sabi ni Marge kaya napatingin sya dito.

"Oh Margarita."

"Ano, ate Ly? Hanggang tingin na lang talaga?"

"Siguro, baka, just look at her, she's so happy with him. Anong laban ko?"

"You're right, she happy with him.."

"See.."

"Pero iba ang nakikita namin pag kayo ang magkasama," dugtong ni Marge.

"Huh?"

Marge just smiled at her, "sila na ba?" pag-iiba nya sa topic.

"Hindi pa daw."

"Oh, hindi pa pala e, may pag-asa ka pa, ate, hahaha!"

"Sira, kahit naman hindi pa sinasagot ni Den yang si Myco, halata naman na gusto nya rin si Myco, they've been going out since March. Hindi naman siguro papatagalin ni Den ng ganon katagal kung wala naman talaga syang chance di ba?"

"Ewan ko ate Ly, ewan ko kay ate Den, ewan ko sa inyo, hahaha! Ibang-iba yung actions nyo around each other sa sinasabi nyo."

"Alam mo Marge, kahit konti, kahit katiting lang, umaasa talaga ko na may chance kami, kaso pinapatay ko na lang din agad yung pag-asa na yun para hindi na ko masaktan pa. Seeing her that happy and it's not because of me, it hurts, a lot. Pero I can't do anything but to be just happy for her."

"Can I ask something, Ate?"

"Ano yun?"

"What if there's really a chance, na gusto ka din ni Ate Den? Would you take the risk?"

"Kung magkakagusto," birong sabi ni Ly.

"Yung seryoso kasi Ate."

"Yes, I'll take the risk."

"E bakit ngayon, ayaw mo? Kailangan bang may gusto muna sya sayo bago ka umamin sa kanya? Kailangan bang may assurance muna na masusuklian yang feelings mo bago mo sabihin sa kanya?"

"Hindi naman sa ganon.."

"Then ano?"

"Natatakot ako.. natatakot ako na once na sabihin ko na sa kanya na mahal ko na sya, baka sya na mismo ang lumayo sakin. Sinabi ko sa kanya dati, nung gusto ko pa lang sya, na once na I will have deeper feelings for her, pipigilan ko yun. Pero hindi ko nakaya, hindi ko nakayang pigilan yung nararamdaman ko sa kanya. I don't want to risk something good para lang sa satisfaction ko."

"Pero it will just haunt you Ate, everytime na gustong gusto mong sabihin sa kanya pero hindi mo magawa, everytime na ganito, nakatingin ka na lang sa malayo. I hope you'll find the courage in your heart na aminin sa kanya yung nararamdaman mo. And if ever she's not feeling the same to you, then, let time heal everything. Kaysa naman panghabangbuhay mong pagsisisihan na hindi mo man lang nasabi sa kanya kung gano mo siya kamahal."

Hindi na nakasagot si Ly, she just sighed. As much as she want to tell Den what she feel, mas gugustuhin nyang maging martyr.

She'll do everything to keep Den, and if keeping her means she have to stay as her friend.

Then, be it.

Napatingin si Den sa direksyon nila, Den waved her hand to Ly at Marge at gumanti naman sila ng kaway.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon