Ten.

4.6K 103 5
                                        

"Ly naman! Bakit ka ba naglasing?!" tanong ni Den habang bitbit nila ni Ella si Ly na lasing na.

"Asahjgarakj," sabi ni Ly.

"Ano?!" tanong ni Den na halatang bwisit na kasi naiinis syang ganyan si Ly, wala sa sarili.

"Den, halam moh bah," sabi ni Ly, tas humarap sya kay Den, muntik pa syang matumba.

"Alyssa umayos ka, naiinis na ko," sabi ni Den.

"Hindeh, may shashabihin pah koh," sabi ni Ly sa kanya, si Ella naman inaalalayan lang si Ly.

"Bilisan mo na nga ng makadating na tayo sa dorm!" sabi ni Den.

"Den, pwedeh bahng, pwedeh bahng akoh nah lahng?" biglang sabi ni Ly that made Ella and Den look at her, Den's eyes grew wide in shock sa narining nya from Ly, "Hahahahahahahahaha," biglang tawa ni Ly, "ahlam moh Dehn, kahit anohng gahwin koh, kahit anohng pigil koh, hindeh koh talagah kayah eh, hahahahahahaha!" said Ly and tears are already flowing in her eyes, "Peroh alahm ko namahn nah hindeh talagah tayoh pwedeh.. Okay lang, okay lang, hahahahahahahahaha!" said Ly tas she went to Den and hold her shoulders, "no matter what will happen, I will stay with you," seryosong sabi ni Ly then she passed out.

"Ly!" sabi ni Ella, "shit," napatingin sya kay Den na nagpupunas na ng luha, "Den?" tanong nya.

"Tara na Ells, kailangan na ng kama ng lasinggerang yan," sabi na lang ni Den tas they carried Ly hanggang dorm.

When they arrived sa dorm, hiniga nila ng maayos si Ly sa kama nito.

"Sige na Ells, ako nang bahala dito," sabi ni Den kay Ella.

"Den," sabi ni Ella and alam na ni Den kung anong ibig sabihin nun.

"I don't know Ells, I don't know."

"Pano paggising nya? What would you do?"

"Act like normal, let's see kung wala syang maalala."

"What if meron?"

"Then, we'll talk."

**

Kinabukasan.

"Argh, ang sakit ng ulo ko!" sabi ni Ly na kakagising lang.

"Inom pa," sabi ni Ella kaya napatingin sya dito.

"What happened, Ells?" tanong ni Ly sa kanya, "where's Den?"

"Nagjogging si Den, wala kang naalala sa nangyari kagabi?"

"Hmm," sabi ni Ly na pumikit at inalala yung mga nangyari, "ang naalala ko lang, we were drinking really hard last night, sino ba kasi nagpauso nung beer pong, wtf," sabi ni Ly.

"After that, wala ka nang naalala?"

"Wala na, did something happen?"

"Wala wala, lagot ka kay Den."

"Ha? Bakit? May nasbai ba ko?" tarantang sabi ni Ly. Napasmirk naman si Ella.

"Know it yourself pagdating nya, sige labas muna ko, and please Ly, maligo ka na, sumisingaw yung alak sa katawan mo, yuck!" sabi ni Ella na tumayo na at palabas na ng magsalita ulit, "oh how I love what alcohol can do to people!" sabi nya ng malakas.

"Sira ulo," sabi na lang ni Ly tas naligo na.

Kakalabas lang ni Ly ng CR and saktong pasok ni Den sa room nila.

"D--den," sabi ni Ly.

"Gising na pala ang lasinggera," mataray na sabi sa kanya ni Den.

"Eh," sabi ni Ly na napakamot sa batok nya, "sorry?"

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon