Ice
"Sorry Candice"
Yan lang ang naintindihan ko matapos sabihin sakin ni Maam Calidora ang kapalit ng pagiging leader ni Vladimier. May iba pa silang sinabi pero wala na ako naintindihan. Na stuck up ako sa part na kailangan magkaanak si Sir Vladimier kay Ms. Akantha.
Ni hindi ko alam kung pano ako nakauwi nang gabing yun. Natagpuan ko na lang sarili kong mag-isa sa condo at umiiyak.
Isa ba ito sa dapat kong bayaran sa pagmamahal sa isang bampira? Dapat ba mabuhay ako sa lungkot para makasama sya?
Niyakap ko ang sarili at humiga sa kama. Umiyak ako nang umiyak hanggang hindi ko na kinaya, hinayaan kong kainin ako ng lungkot at antok upang makatulog.
Gusto ko pa ring umasa. Umasang sana things will be different tomorrow.
Kinabukasan, namumugtong mata ang sumalubong sakin. Wala pa rin si Megan. I badly need a friend pero pano ko ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon? Hindi naman nya alam na Bampira si Sir Vladimier. I smiled bitterly. Wala akong magagawa eh. I have to deal it with myself.
Inayos ko sarili ko, naghilamos at naglagay ng malamig na pipino sa mata upang mabawasan ang paumugto nito, maya maya, naligo na ako at naghanda papunta sa office. Hindi naman ako nagbago ng pananamit kahit nung naging kami ni Vladimier. Same old office clothes with my eyeglass.
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
"Haaayyy, kaya mo yan Candice." Pag-cheer sa sarili.
Wala ako sa sarili kaya Hindi ko kayang magdrive ngayon, pumara ako ng taxi papuntang HGC, sa buong byahe ko, nakatingin lang ako sa bintana. I feel like everything passes through me.
"Miss, andito na tayo." Pukaw ng driver, tiningnan ko sya at tumingin sa labas. Andito na nga ako, kumuha ako ng pera sa wallet at iniabot sa driver, tahimik akong lumabas ng taxi at tuloy tuloy pumasok sa gusali.
"Good evening Ms. Candice," bati ng mga tauhan na nadaan ko, i just greet them back. dahil siguro balita na girlfriend ako ng CEO kaya mabait sila sakin, pero may nadaan din akong tumataas ang kilay.
Mapait akong ngumiti, boyfriend ko CEO.. Matutuwa ba ako? I dont know. Para akong naglalakad na patay. I am hurting. Still hurting.
Pag pasok ko sa opisina, wala pa si Sir Vladimier. Umupo muna ako at sumandal sa upuan ko. Wala pa ako ginagawa, pero I feel so tired.
Halos dalawang oras nang late ang boss ko. Wala pa din sya, buti na lang wala masyado dumadating na tawag at konte lang ang dapat ko iencode. Tinatamad din kasi ako, kung hindi lang ako matagal nawala, baka umabsent ako ngayon.
Maya maya, nagbukas ang pinto ng opisina at iniluwa noon ang boss ko na may kasamang babae. Nilampasan nila ako at tumuloy sa tabe ni Sir Vladimier. Parang asin na ikinuskos sa sugat tapos pinigaan ng kalamansi ang nararamdaman ko. Parang may bukol sa lalamunan ko na kailangan ko lunukin upang hindi mapaiyak.
Gosh, bakit nya dinadala ang mga babae nya dito, oo sinasabi nyang pagkain lang sila, pero dapat bang iharap sa akin? Alam ko, nag-iba ang pakikitungo sakin ni Sir mula ng pumasok ako mula sa leave ko, bakit ba naging ganito?
Salamat dahil namaster ko na ang pokerface. Pinanatili kong walang emosyon ang ang panlabas, kahit parang namamatay na ako sa loob.