Candice
Sabay kaming pumasok ni Sir Vladimier sa HGC makalipas ang isang lingo mula nang umuwi ako. Isang linggo, magkasama lang kami ni Ciro, nanatili kame sa unit ko, minsan naman pumupunta kami sa unit nya. Tulad ng sabi ko, we savour our moments together. Hindi na ulit namin pinag-usapan si Ms. Akantha or kahit si Marika. Hindi ko na din inopen ang topic na yun, dahil deep within me, natatakot ako malaman ang relasyon niya sa mga babaeng yun. Hindi naman por que tanggap mo na, hindi ka na masasaktan diba?
Mula nang bumaba kami ng sasakyan, nag-iba agad ang boss ko. Mejo nauna lang sya ng konte at nasa tabi nya ako, kaya napagmasdan ko sya, habang naglalakad He looks authoritative, strict and very professional. Ni hindi ito sumasagot kung may bumabati sa kanya pag may nakakasalubong kame. Ibang iba sa Ciro na kasama ko sa unit ko ng isang linggo. Sinong mag-aakala na ang terror boss na to, ay sweet, minsan nakakainis, at wild pag kami lang dalawa? I can't help myself, i smiled unconsciously with that thought.
"What is that smile for, Candice?." Nagulat ako nang magtanong sya. Seryoso syang nakatayo sa harap ng elevator, naghihintay na bumukas paakyat sa opisina namin.
Umiling ako. "Wala po Sir." Bumukas ang pinto ng elevator at sumakay kami doon. Pasimpleng Inayos ko ang puting long sleeves blouse nang makapasok ako sa elevator. Tahimik lang kami sa loob habang tinitingnan ang pagpapalit ng mga numero sa elevator, malapit na kami sa floor namin nang muli syang nagsalita.
"Akala ko pa naman, inaalala mo ang mga nangyari nitong linggo kaya ka ngumiti." He smiled naughtily. Eksaktong bumukas ang elevator at tuloy tuloy lumabas ang amo ko. Naiwan akong namumula sa loob. Napangiti at Napailing na lang ako bago lumabas at sumunod sa kanya. Ewan ko sa kanya!
Pero nawala ang ngiti ko nang pumasok ako ng opisina. Tumambad sakin ang patong patong na papeles sa aking mesa!!
"What the.." Anong nangyari? Bakit ang daming natambak na trabaho? Wala ba humalili sakin nung nawala ako??
"S-sir.. " I nervously called him, nakaupo na ito sa upuan nya at abala na sa pagbabasa ng mga papeles doon. Tumingin sya sa akin at itinuro ko ang aking mesa. "Wala po bang pumalit sakin nung wala ako?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"Walang papalit sayo Candice" agad naman nyang sagot. Tumalon ag puso ko sa sinabi nya. Bakit parang double meaning yung sinabi nya sakin?
"And, I filled an indefinite leave for us nung umalis ka, kaya natural lang yan." Balewalang pahayag nya. Bumalik na ulit ang tingin nya sa mga papeles at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Napanganga at nanlaki ang aking mata, sa nalaman. Nag leave sya? ginawa nya yun? Nakakagulat. Dahil sa pagkakakilala ko sa kanya, isa syang workaholic at ayaw nya ng may naiiwang trabaho. Ano bang ginawa nya sa apat na buwan na wala ako? Ganun ba yun ka importante at iniwan nya ang trabaho nya dito?
Nagtatakang bumalik ako sa aking mesa, nalulula ako sa dami ng trabahong nandon.
"Hindi mawawala ang mga dokumento na yan kung hindi mo sisimulan Candice." I told to myself. I took a deep shuddering breath and start to cut down the files on my table. Inorganize ko muna ang mga papel according sa dates, kailangan kasi makita kung ano ang unang dumating para mabasa agad. After nun, I scanned the documents kung may urgent request that needs immediate action. Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng trabaho!
I was so busy ng may pumasok sa opisina.
"Sa wakas, nagpakita ka din Vlad!" Pagalit na sigaw ng pumasok. Napabaling ako sa direksyon pinto at nakita ko si Ms. Akantha na tuloy tuloy na pumasok. Maganda pa rin ito, may maliit na umbok sa puson nito, palatandaan na nagdadalantao sya.