Candice
Kinabukasan, pagmulat ng aking mata, mukha ni Ciro ang una kong nakita. Andito na talaga sya. Hindi ako nanaginip kagabi. Nandito sya sa tabi ko.
"Good morning." He said sweetly. Malawak ang ngiti sa labi.
"Good morning" ganting bati ko din sa kanya. Last night was amazing. Masaya akong bumalik sya. Nabura nito ang lahat ng inis at pag-aalala ko nung tatlong linggo na nawala sya.
"Breakfast?" Tanong nya. I smiled at him and nod my head, one of our bonding is eating breakfast, dahil sa umaga nya iniinom ang plasma capsules nya.
Tumayo sya at iniabot ang isang malaking t-shirt sa akin. Dahan dahang umupo ako para maisuot ang damit. Pero aww.. Sakit ng katawan ko. Sumobra ata kami. Para akong nalamog.
"Let me." Sabi ni Ciro at kinuha ang t-shirt sa akin at sya ang nagsuot nito sa katawan ko. Iinot-inot din akong bumangon para makagluto ng umagahan ko. Pero nahirapan ako, nanginginig pa tuhod ko.
"How about, Let me cook your breakfast for now?" Suhestiyon niya nang makitang nahihirapan pa ako kumilos. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Hindi sya marunong magluto, ano ba aasahan mo sa bampira na dugo ang kinakain? Noong nabali ang paa ko, meron kaming kinuhang tagaluto dito, pero nung gumaling ako, ako na ang nag-asikaso ng mga iyon. Tapos ngayon, magluluto sya?
"You don't know how to." It's a statement. Seryoso ko syang pinagmasdan, tinitingnan ko kung babawiin nya ang sinabi.
"It's fried everything! How hard can it be?" Desididong sabi nya. "Hindi ka makabangon, at Gusto lang kita ipag-luto kahit ngayon lang." Sabi pa nya. Awwe.. How sweet na touch naman ako don, mahalaga sa amin ang umagahan dahil dito lang kami nagkakasabay sa pagkain. Sa tanghali at gabi nakatingin lang sya sa akin sa hapag.
"Sige!" Pag sang-ayon ko sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay at nagpabuhat sa kanya. Gusto ko kasi bumaba at panoorin or tulungan sya magluto. Walang effort na binuhat nya ako palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan papuntang kusina. Biglang nag-init ang mukha ko nang makita ang mesa kung saan ako inangkin ni Ciro kagabi. I will never see that table the same way as before.
Umiwas ako ng tingin nang Ibinaba nya ako sa isang upuan doon, my perverted mind is working, and I suddenly feel hot. Oh my goodness Candice! Hindi ka pa nga nakakarecover lumalandi ka na? Saway ko sa sarili ko.
"I love what you're thinking my sweet." Lalo ako namula dahil nakangisi pala syang nakatingin sa akin. Masyado ata akong transparent sa kanya.
"Magluto ka na don!" Inirapan ko sya para maitago ang pagkapahiya.
Tumatawang pumunta sya sa ref at kumuha ng pwedeng maluto doon. Inilabas nya ang 6 eggs, 1 pack of bacon, and ham, kumuha din sya ng sliced bread at butter.
"Wag mo na isama ang ham." Sabi ko sa kanya. Ayoko kasi non eh. Okay na sa akin yung itlog at bacon at tinapay.
Ibinalik nya sa ref ang ham bago clueless na tiningnan ang mga nilabas nya. Nakangiti akong pinanood sya habang aligagang kumilos dahil hindi alam kung ano ang unang gagawin. Kumuha sya ng kutsilyo at kinuha ang itlog. Tahimik akong tumawa hahaha wala pa nga sya lalagyan at para saan ang kutsilyo?
Hindi ko na natagalan.
"Anong gagawin mo?" I asked him. Naka ngiwing tumingin sya sa akin at hindi maintindihan ang ginawa nya. He is so cute being clueless, sanay ako na karaniwan na syang nakikita na confident at ma otoridad kung tumingin pero ngayon, sa pagluluto, hindi nya malaman ang gagawin? Umiling ako at ngumiti.
"Kuha kang mangkok, tinidor, plate, at salt, pepper, at yung milk." Sabi ko sa kanya. Kinuha nya ang mga sinabi ko at inilapag sa mesa, tumingin ulit sya sa akin at hinihintay ang susunod na gagawin.
"Crack the eggs using fork, tapos ilagay mo sa mangkok tatlo lang na itlog." Sinunod nya lahat ng sinabi ko. "Beat the eggs tapos lagyan mo ng konteng gatas, then salt and pepper." Seryoso nyang ginawa ito, nakikita ko na gusto talaga nya akong ipagluto, nabubusog na ako sa idea na yon. Kahit ata anong kalabasan ng luto nya, maapreciate ko. Hmm bato lang ang hindi matotouch sa gesture na to. Yung effort na ipagluto ka kahit hindi sya marunong malaki ang impact non.
Tapos na iprepare ang lulutuin. Pinalagyan ko ng butter ang sliced bread at isinalang sa toaster.
"Get the pan." Utos ko ulit. Hmm I'm loving the idea of commanding him, pero mas gusto ko na ako ang mag-aasikaso sa kanya.
Isinalang nya ang pan sa stove at ipinahinaan ko ang apoy para hindi sya magulat or makasunog. Scrambled eggs ang pinaluto ko sa kanya na madali naman nyang nakuha. Isinunod na nya ang bacon mejo sunog yung iba pero okay naman yung iba. Simple lang ang paghahain nya ng niluto nya pinagsama-sama nya lang sa isang pinggan at binigay sa akin. Naglagay na din sya ng gatas para sa akin.
Tiningnan ko ang pagkain sa harap ko tapos ay tumingin din sa kanya. Naghihintay syang kumain ako para malaman siguro kung ano lasa nun. Kinuha ko ang tinidor at nagsimulang kumain.
Matiim syang nakatingin at naghihintay ng verdict. Ninamnam ko ang pagkain bago nagsalita.
"Okay sya." Ngumiti ako. Okay naman talaga. Hindi sya ganun ka fluffy at mejo matabang, pero para sa baguhan, okay na to. He smiled with relief and nods his head at nagsimula na din kumain.
I miss this. Paubos na ang pagkain ko nang maalala ang dahilan ng pa-alis nya.
"Kumusta pala yung usapan nyo?" Tanong ko sa kanya
Inubos muna nya ang iniinom nya bago sumagot.
"It's okay. I think kaya na ni tito yung iba." Sagot nya. "Yung mga sumang-ayon sa pag inom ng plasma capsules ay magbibigay ng contribution para sa mass production nito. Madali lang sila paki-usapan dahil pareho lang yung mga reason namin. They want to live normally with human." Paliwanag nya. Haayy salamat naman kung ganun.
"How about the others? The ones who opposed you.?" Muli kong tanong
He sigh. "Sa kanila kami nagtagal, hindi nila matanggap yung rason bakit ang ilan sa amin ay gusto baguhin ang nakasanayan na." Nanatili akong tahimik at nakinig sa mga napag-usapan nila. Tulad tao, may mga bampira na traditional, kung ano nakasanayan yun lang ang gusto nila, they are shocked when Ciro introduced the new way of consuming blood. They feel less powerful and less superior.
"Pano nyo nakumbinsi? I mean, anong ginawa nyo?" Tanong ko.
"Tito is very powerful, he have power to manipulate at read mind. Kaya kinatatakutan sya ng iba, kinausap namin sila sa bagay na to and tell them that they don't have to follow me and continue what they want, as long as they are under tito's administration. They still need to follow the rules." Mahabang paliwanag nya. Naiintindihan ko na. Ang pagkakahati ng samahan nila ay hindi na naiwasan, pero napanatili nila ang buong samahan sa pamumuno ni Mr. Ettore. Its good to hear that.
"Salamat naman naging maayos ang lakad mo." Aniko.
Lumapit sya sa akin at niyakap ako. "This is why i love you." Sabi nya sa akin. "Nakuha mo pang mag-alala sa mga bampira na nagtangka ng masama sayo."
I blew a deep breath at humarap sa kanya, "they are your family, Ciro. Alam kong mahalaga sila sa'yo."
He smiled and embrace me tighter this time. Gumanti ako ng yakap. Ganun naman talaga diba? Pag nagmahal ka dapat tanggap mo lahat sa kanya.
"Tapos na din ang problema sa Clan!" He said with glee.
"Now we can start the preparation for our wedding." I gasp.
"I can't wait for you to be my wife." He smiles at me.
"Me too, I can't wait to be your Wife."
-------
Kasalan na!!!
Feel free to comment
👰🏽👰🏽👰🏽