Ice
"Ate aalagaan ko sila promise ko sayo yan." Malungkot kong pangako sa puntod ng aking kapatid. Iniwan nya sakin ang kanyang kambal. Ulila kami at namatay sya sa panganganak. Sinisisi ko sarili ko dahil wala ako sa tabi nya nung kailangan nya ako.
Sinusuportahan ako ni ate sa lahat ng gusto ko. Gusto nya dito sa Pilipinas ako mag.trabaho. Kasama sya, pero ako, gusto ko mag.travel, gusto ko ang trabaho kung saan pwede ako makapag.travel. Kahit ayaw nya, sinuportahan nya ako.
Flight stewardes, yan naging trabaho ko, hanggang may kumuhang agent sakin at ginawa akong model. Matangkad at maganda naman kasi ako. Kinuha ko yung trabaho dahil malaki ang offer, makakatulong samin yon. And still pwede ako mag.travel pag may mga fashion shows sa iba't ibang bansa.
Dahil sa trabaho, madalang kami nag.kakausap ng kapatid ko, isa sa pinag.sisisihan ko. Kung sana malapit lang ako....
Hindi ko napigilan umiyak nung nalaman ko ang nangyari sa kanya..
Wala na sya, ito na lang magagawa ko.. Aalagaan ko ang mga anak nya para sa kanya.
One year later
"Konte na lang" nanlulumo kong tiningnan ang laman ng aking bank account. Ito ang naipon ko habang nag.ttrabaho noon. Madami na nagbago. Bumili ako ng maliit na bungalow at Nagpatayo ako ng maliit na tindahan upang kahit paano may mapag.kakitaan ako. Hindi biro ang mag.alaga ng kambal. Magastos pa. Lahat times 2. Gatas, diaper, damit etc. Pero dont get me wrong, hindi ako nag.rereklamo. I love my cute and adorable nieces.
"Kailangan ko nag.hanap ng ibang trabaho." Sabi ko sa kaibigan ko, si Megan, Dito kame sa bahay namin. Dito din sya nakatira, iba kasi kung may kasama ka sa bahay yug mapagkakatiwalaan mo. At kahit paano nakakatulong din sa gastos sa bahay.
"Ice, bumalik ka na kasi sa pag,momodelo!" Pangungulit ni Megan.
"Meg, alam mong hindi na pwede, at ayoko na." May guilt pa din sakin na inuna ko ang pag.momodel at naiwan ko ang ate ko. "Tsyaka, hindi na na bagay sakin mag.model, losyang na ako oh" dahilan ko. But megan just rolled her eyes..
"Ice, hindi ka losyang, tinatago mo lang. Tingnan mo nga yang suot mo?! Pamana ata ng lola mo yan. At yung buhok mo lagi mo tinatali. At yang malaki mong salamin, asan ba contact lenses mo?!" Ayaw nya talaga ako tigilan.
"Choice ko to Megan." Walang emosyon kong sabi.
"Ay naku, ewan ko sayong babae ka. Masyado mo ata sinisisi sarili mo kaya pati pag.ngiti at ang maging masaya nakalimutan mo na" sabi pa nya. Alam ko nakukulitan sya sakin, pero alam ko din na mahal nya ako at sinusuportahan kaya hindi sya umaalis sa tabi ko..
"Oh sya, kung ayaw mo talaga, sige, tulungan na lang kita mag.hanap ng trabaho." Alok nya. Sabi na hindi nya ako matitiis.
"Kahit ano okay lang sakin. Pero gusto ko sana yung pang.gabi. Para kahit pano maalagaan ko pa ang kambal sa umaga. Sabi ko. "Ah so callcenter? Sige sige. Pag may nabalitaan ako na opening sabihin ko sayo okay? Tumango lang ako.
Lumipas ang araw, linggo hanggang buwan, wala padin ako naririnig na opening kay megan, hindi naman sa nag.dedemand ako. Pero habang tumatagal, pakonte ng pakonte ang ipon ko. Pag hindi ako nakahanap ng trabaho, hindi mag.kakasya ang kita ng tindahan para samin ng pamangkin ko..
"Brrruuuuu" tumatakbo at sumisigaw si megan papasok ng bahay. "Good news Ice, i heard na HGC (Hernandez Group of Company) is looking for a midnight secretary! Balita nya. Pero napakunot ako ng noo. "midnight secretary? Tumingin ako sa kanya at nagtanong meron ba non?
"Yes. Midnight Secretary kasi ang bagong CEO sa gabi lang pumapasok so they decided na kumuha ng secretary nya" Paliwanag nya.
Tiningnan ko sya na parang nag.aalangan. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng ganon.
"Hay naku Ice, kala ko ba gusto mo ng trabaho na pang.gabi. Kaya nga nag.mamadali ako pumunta dito. Nung narinig ko sa friend ko na nag.hahanap sila ng secretary na pang.gabi. Naka labi nyang sabi sakin.
"Salamat Meg ha." Sabi ko. "Pupuntahan ko yun."
"Ay grabe sya, yun lang? Nag.papa cute ako dito hindi man lang napansin! Naka.labi na naman nyang sabi..
Dahil don napangiti ako. "Ay sa wakas, ngumiti ka din!!" O.A na reaksyon ng kaibigan ko.
"Salamat talaga Meg. Malaki ang tulong mo. At tatanawin ko tong utang na loob." Sabi ko sa kanya.
"Ay utang na loob Ice wag na tayo magganyan. Syempre magkaibigan tayo, nag.tutulungan, ikaw nga pinatira ako sa bahay mo diba." Swerte ko talaga sa kaibigan ko.
Kinabukasan.
Andito ako sa harap ng matayog na building. Sandali kong ipinark ang volkswagen beetle sa parking area at pumasok sa lobby.
"Good afternoon, I'm here to apply for Secretarial position." Sabi ko sa receptionist. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. I"m waring gray pencil cut skirt na hanggang tuhod, with white blouse at pinatungan ng gray blaser. Syempre naka bun ang buhok at nakasalamin. A typical office attire... Right??
"Are you Ms. Candice Lorenzo the secretary refered by Mr Cruz?" Tanong ng Receptionist. "Yes" sagot ko.. Si Mr. Cruz ang kaibigan ni megan na nag.sabi na may trabaho dito. "Okay, the office of the new CEO is on top Floor." Sabi nya sa akin. "Salamat" sabi ko at tumalikod upang makasakay sa elevator papunta top Floor. Kinakabahan ako. I badly need this job. Iniwan ko sandali ang kambal kay Megan. And i promise to her na hahanap ako ng part time na mag.aalaga sa kanila pag natanggap ako.
Nagbukas ang elevator at sumalubong sakin ang magandang office, na nag.sisilbing reception area ng floor na to. May table pero wala tao..
Kaya naman pumunta ako sa pinto na sa tingin ko ay pinto ng office ng CEOHuminga ako ng malalim bago kumatok..
"Come in" sabi ng isang lalaki sa loob. Nakakdagdag ng kaba ko ang baritong boses ng nagsalita.
Binuksan ko ang pinto at pumasok. Iginala mata sa loob ng opisina. Malaki ito May makakapal na kurtina sa loob, may bookshelf sa bandang kanang bahagi ng kwarto. May ilan ding halaman sa isang sulok at isang malaking table sa gitna at nakatalikod na upuan. Unti unti ito g humarap at tumambad sa akin ang isang gwapong nilalang..
Dug dug dug.
----------
Ang hirap talaga gumawa. Sorry sa mga wordings minsan english, minsan malalim na tagalog.. Hahahaha sorry.