Candice
Nakaupo ako sa isang coffee shop.. Tiningnan ko ang kamay kong may singsing. Simple lang ang design nito, may malaking diamanté sa napapalibutan ng mas maliliit na diamond. It's a beautiful ring, nakadagdag sa ganda nito ang fact na ang lalaki nagbigay sakin ng singsing na ito ay ang lalaking mahal ko.
Dalawang linggo na syang wala, sana okay ang kalabasan ng paguusap nila sa clan. Para makauwe na sya.. I miss him terribly..
Hindi pa namin sinisimulan ang pag-aasikaso ng kasal. Dahil usapan namin, sa pagbabalik nya pa ito sisimulan.
"Oh my God!!" Tili ni Megan nang dumating ito. Patakbong lumapit ito sa akin.
I smiled instantly nang makita sya, sinabi ko sa kanyang engaged na ako kaya kame nagkita ngayon.
"Totoo?!" Kinuha nya agad ang kamay ko at tiningnan ang singsing doon. Exaggerated syang nagpaypay ng kamay sa mata at parang iiyak.
"I'm so happy for you Ice!!" Masiglang bati nya. I laugh with her. I am happy too.
We talk about my plan sa kasal namin ni Ciro.. Dahil hindi pwede ang church wedding, hindi ko kailangan magpabook ng simbahan. Kaya sinabi ko sa kanya na garden wedding ang plano ko..
"Ikaw ang Maid of Honor kaya tutulong ka sa pag-aayos ko sa details ng Kasal." I said smiling, syempre sino pa ba kukunin kong abay?
"Ay bet ko yan.!! Sigurado may gwapong kamag-anak pa si Ciro!" Tila kinikilig at Tumatawang sabi naman nya.
Umiling na lang ako. Oo may mga gwapong kasama si Ciro pero mga bampira din sila. Hindi ko masisigurado kung magustuhan ni Megan yun.
"Asan nga ba si Vladimier?" Tanong ni Megan.
"Ah, business meeting.. may mahalagang kinakausap lang.." Sabi ko sa kanya.."pag-uwi pa nya kame magpa-plano ng kasal kaya wala pang exact date.." She just nods her head.
We continue our girl bonding hanggang hapon. Naglibot at window shopping kame. Pag minsan pumapasok kami sa mga shop ng wedding dresses nagsu-suggest na sya ng magandang design daw.
Mag-gagabi na nang magpasyang umuwi kaming dalawa. Naghiwalay kami sa parking lot dahil dala nya kotse nya. Hinintay ko muna sya makaalis bago tinawag ang driver na lagi nakasunod sa akin. Pinalayo ko lang sya kanina dahil ayoko malaman ni Megan na may kasama ako. Sigurado akong magtatanong sya at ayoko magpaliwanag, aasarin lang ako nun."Pasensya po kuya mejo natagalan kame.." Nahihiyang ngumiti at maliit na kinamot ang ulo ko habang humihingi ng pasensya. Hindi ako sanay ng may driver na susunod sunod sakin, pero para daw mas mapanatag si Ciro, pinabantayan nya ako kay kuya Teban.
"Okay lang po ma'am." Sagot nya, binuksan nya ang backseat ng kotse at pinapasok ako. "Uwi na ba kayo maam?" Tanong nito.
"Opo kuya." Sagot ko sa kanya. Uwe. Sa mansyon ng mga Hernandez. Dalawang linggo na ako Nanatili doon. Okay naman. Tulad ng sabi ni Ciro, tanggap ako ng pamilya nya. Mabait sila sa akin, minsan nakakahiya na ang sobrang pag-aaruga nila sakin. Hindi ko alam kung ano pwede ko gawin para ibalik ang kabutihan nila.
Agad akong bumaba ng kotse at pumasok ng bahay.
"Hija! Andito ka na pala, kumain ka na ba? Tamang tama nakahain na." Salubong sa kin ni ma'am Calidora
"Good evening po ma'am.. Tita." I smiled at her hindi talaga ako sanay na tawagin syang tita.
"Haha masasanay ka din hija," gumanti sya ng ngiti at iginaya ako papuntang komedor.
Nakaupo sa kabisera ng mesa si tito Eugenio, sa kanan nya umupo si tita Calidora magkatabi naman si Cloud at Akantha sa kaliwa umupo ako sa tabi ni tita. Kahit tatlo lang kaming kakain, nakaugalian na tuwing kakain ay lahat nakaharap sa hapag, kaya kahit bampira sina tita at Akantha, nandito Din Sila.
Malaki na ang tyan ni Akantha dahil buntis ito, dito sa mansyon sila pansamantalang tumutuloy para daw may kasama siya. Ang ganda nyang buntis. Napahawak ako sa aking tyan. Gusto ko na din ng anak.. Excited na ako eh..
"Tumawag na ba si Kuya?" Pagbubukas ng topic ni Cloud. Nakatingin sila sa akin at naghihintay ng sagot.
"Uhm, hindi pa eh." Malungkot kong sagot. Mula nang umalis sya, hindi pa sya tumatawag.
"Hayaan muna natin, baka ayaw lang nya mamiss si Candice." Pag papagaan ng loob ni Akantha.
"Oo nga, baka busy lang yun.. Alam nyo naman ang mga bampira are hard to persuade." Sabi naman ni tito na sinigundahan ni Cloud "yeah ang hirap nila kausap napaka moody."
"What do you mean by that dear?" Nakangiti pero matalim ang tingin ni tita.
"Oo nga Cloud, anong ibig nyong sabihin?" Baling ni Akantha kay Cloud.
Agad na anaalarma ang mga lalaki sa paraan ng pagtingin ng mga asawa nila.
"Si daddy kaya may sabi non!" Paninisi agad ni cloud.
"Hehe hindi kayo kasama dun dear." Malambing na sabi ni tito at kunuha ang kamay ni tita sa ibabaw ng mesa.
Nakangiting pinanood ko sila. They are so sweet. Hindi alintana sa pagsasama nila ang pagiging bampira ng isa, sana maging ganyan din kame ni Ciro. Naka kainggit sila, mas lalo ko namimiss si Ciro dahil sa kanila.
"Tigilan nyo na yan. Naiinggit na si Candice!" Tudyo ni Akantha. Na ikinapula ng mukha ko, guilty akong naiinggit eh.
"Hehe oo nga po. Ang daya eh, ako lang walang Partner." Biro ko na din. Masayang nagpatuloy ang pakain namin hanggang matapos.
9 p.m na nang magpaalam akong matutulog na. Hmm wala naman kasi ako magagawa kaya sa kwarto na lang ako at matulog.
Isang linggo ulit ang lumipas, wala pa rin akong balita kay Ciro. I feel worried sometimes pero inaassure naman nina tita na okay lang sya. Minsan naiinis na ako dahil hindi man lang magawang tumawag!
Nagbihis ako at bumaba mula sa kwarto. Nakasalubong ko si tita sa may pinto.
"Hija, pupunta ka ba ulit don?" Tanong nya. Nagulat na humarap ako sa kanya, alam nya na pumupunta ako don?
"Uhm opo." Sinasabi siguro ni kuya Teban kung saan ako pumupunta.
"Sya mag-ingat ka ha." Niyakap nya ako bago ako lumabas. Sumakay ako sa kotse at sinabi kay kuya kung saan kami pupunta.
Nang makarating kami, agad akong bumaba at tiningnan ang bahay. Dito ako pumupunta pag namimis ko si Ciro. This house is our home.
Palubog na ang araw kaya naglakad ako sa bakuran tulad ng nakagawian namin. Okay lang na gawin ko to dahil una, may kasama ako, pangalawa, this place is safe.
Habang nanglalakad, mas lalo ko naisip si Ciro, sana nandito sya. Natanaw ko ang duyan sa di kalayuan. Namuo ang luha ko sa mata.
"Cirro!! Bumalik ka na!!!" Sobrang lungkot pala pag nasanay ka na nasa tabi ka nya.
"I'm here Candice." Nanlaki ang matang lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Doon nakita ko si Ciro na nakatayo sa ilalim ng isang puno.
"I'm home."
------
Eto pala tinatawag nilang sabaw. Haha bawe ako sa next chap.
Feel free to comment