Candice
Pagkatapos ng apat na araw na pananatili sa hospital, sa wakas makakalabas na ako! Ayoko talaga sa hospital, kahit pa gano kaganda ang room mo dito kahit pa nasa presidential suit ka pa, it's still the same.
Pero honestly, mejo nag-aalangan din ako, dahil paglabas ko kasi dito, sa bahay ni Ciro ako uuwe. Should i be happy? Hindi ko alam.
Wala sa plano ko ang makipag-live in. Call me conventional, pero naniniwala ako sa kasal, i want family. A family that I can call my own. A family I dont have.
Nung inalok ako ni Ciro na mag-sama na kame, alam ko na kapakanan ko iniisip nya, maybe takot sya na may bampira na naman na magtangka ng masama sa akin. He cut all ties from vampire Clan at wala na syang ugnayan sa kanila ngayon pero may mga bampira pa rin na hindi sasang-ayon sa kanya.
I know he wants to protect me, pero hindi nawala sa akin ang magtampo. Haayy he didn't even propose! Ni hindi nga sya nagtanong eh. He just said, 'sa akin ka titira.' Utos yun or bargain sa pagpipilit kong umuwi. Haaayy
Ciro being Ciro, wala sa vocabulary nya ang mga grand gestures. What do I expect? With his personality, wala ata sa isip nya ang kasal.
Yeah lets say na yes, he wants to be with me, its a good thing. Pero iba pa rin ang kasal diba? every girl has a dream to be with the man she loves. That there's a knight in shining armor that will swept her off her feet and he will ask her to marry him.
Haayy wala ata ako maasahan sa kanya. Pero don't get me wrong, i still love him for what or who he is and I want to be with him too. But just like every girl, i want to be married...
hopefully...
Someday..
With the man i love...
"Sigurado ka na ba Ice?" Tanong ni Megan nang dumalaw sya sa akin bago ako lumabas, pinadala ko na sa kanya ang ilang mga gamit ko.. Nabigla sya nung sinabi ko na sasama ako kay Ciro sa bahay nya.
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Mali ba ang desisyon ko?
"Hmm.. Kasi, sa pagkakakilala ko sa yo, you are a hopeless romantic type of girl" kibit balikat nyang sabi. "You dreamed about romantic proposal and a wonderful wedding ceremony and wear your wedding ring.. Hindi ko akalain na papayag ka na makipag-live in..." Mahabang paliwanag nya. She knows me too well.
"Things changed.." Sabi ko sa kanya. Tama lahat g sinabi nya, pero sa sitwasyon namin ni Ciro, hindi applicable ang mga plano ko. Pero dahil mahal ko sya, i would settle in anyway basta magkasama kami. "Mahal ko sya Megan" yun lang ang pwede ko iexplain sa kanya..
Lumabi pa sya na parang nalulungkot. "Iiwan mo na talaga ako.."
"Sira! Kung magsalita ka para namang mamatay ako!" Natatawang sabi ko. "Lilipat lang ako, tsaka pwede naman akong dumalaw diba?"
"Hahaha drama lang! Pacute naman minsan." Umiling ako sa baliw kong kaibigan. Mamimiss ko din ang kakulitan nya. "I'm happy for you Ice." Sabi nya pagkatapos nya tumawa.
"Salamat Megan ha." Sabi ko sa kanya. "Ikaw ang number one fan ng loveteam namin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Simula umpisa anjan na si Megan, at sya din nagparealize sa akin na mahal ko pala si Ciro, na unti unti, nagbabago na pala ako dahil sa kanya.
"And i will continue supporting your loveteam! Dahil Looking at you this happy.. Is priceless." Lumapit sya sa akin at niyakap ako.
"Mamimiss kita." Sabi ko sa kanya. Niyakap ko din sya nalulungkot akong iwan sya.
Nasa ganung position kami nang Bumukas ang pinto ng silid ko sa hospital at pumasok si Ciro. Inayos nya ang release papers ko at bills. "Everything's settled, are you ready?" Tanong nya.
Lumayo kami sa pagkakayakap at nagpaalam na ako sa kaibigan ko.
"Mag-ingat kayo don ha, si Joy, ikaw na bahala sa kanya, nag promise ako sa parents nya na aalagaan si Joy." Bilin ko sa kanya. Tuloy pa din naman ang pagtulong ko sa pag-aaral nya, mabait at responsable naman ito kaya walang problema.
"Oo na! Alam ko na yan.!" Ikinumpas pa nya mga kamay nya na parang nagbubugaw ng langaw!
Dahil may cast pa ang aking paa, nakawheel chair akong lumabas sa kwarto at pumunta ng Kotse ni Ciro. Inihatid na muna namin si Megan bago kame dumaretso sa bahay niya.
Tahimik lang ang naging byae namin. Hindi ko namalayan ang haba ng tinakbo namin dahil nakatulog ako. Ginising na lang nya ako nang makarating kami sa isang magarang bahay.
"We are here." Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at nanlaki ang mata.
"Dito tayo titira." Sabi nya. I was dumbfounded. The house is two-storey high, Mediterranean styled at may malawak na garden na may nakatanim na puno at mataas na bakod. Akala ko sa unit lang kame tutuloy pero dito nya ako dinala..
"Sa'yong bahay to?" Wala sa sariling tanong ko nang humarap ako sa kanya.
Tumango siya sa akin. "Yes, dito ako lumaki, malayo sa mata ng iba. My family owns the place so the security is tight. We will safe here." Napakurap ako sa sagot nya. Ang bahay na to ang saksi sa kalungkutan nya sa pagkabata. Noong mag-isa lang sya at hindi kasama ang pamilya nya. Noong wala pa sya sa Vampire Clan.
The place holds sad part of his history. At ngayon, wala na sya sa puder ng clan bumalik sya dito. Nalulungkot ako para sa kanya.
Muli akong tumigin sa bahay at bumuntong hininga.. I've decided. This house will be our home. We will build new memories here together.
We will be happy here.
-------
Hmmmm
Malapit na siguro matapos...
Please it's free to comment.
Let me know