Candice
I feel like I've been hit by a truck.
One hour ago, masaya akong nagp-plano kung pano aalagaan ang anak ko, kanina lang, masayang maimagine na masaya ang magiging pamilya ko. Kanina lang.. then isang iglap, mabubura lahat yun. Dahil hindi pala ako makakasama sa mga planong yun.
Everything around me seems like in mess, lahat sila magulo, parang slow motion na unti unting gumuguho ang lahat. Naramdaman ko na lang ang luhang tumulo sa mga mata ko.
"I'm sorry hija, hindi kaya ng katawang tao mo ang panganganak ng isang bampira." Malungkot na sabi ni mommy. Bakit ganun. Bukod sa pagkapagod, wala naman akong nararamdamang iba.
What a joke! Hindi ako naniniwala, ayoko maniwala.
"Kahit naman po hindi bampira ang anak ko, pwede ako mamatay panganganak." I reason out. Totoo naman yun dia? "Pag nanganak ang babae laging nasa hukay ang isang paa nya. Anong pagkakaiba nun sa sitwasyon ko?" Pinilit ko ngumiti. Isang malungkot na ngiti lang ang nagawa ko. Kahit ideny ko ang katotohanan, hindi mawala ang takot at lungkot na nararamdaman ko na baka hindi ko makasama ang mag-ama ko.
"Wag ka ngumiti ng ganyan!! Candice!!" Isang malakas na sigaw ang nakapukaw sa akin. Matigas ang anyong nakatayo sya sa tabi ni mommy. Kuyom ang kamay at nagtatangis ang bagang. "Patanggal natin ang batang yan!!" Matigas nyang sabi.
Kinilabutan ako sa sinabi nya. What?! How could he say that!? Anak namin to!
"Hindi natin kailangan ng anak Candice." Malamig na sabi ni Ciro. Nakakatakot sya. Hindi ko sya kilala, Malamig at maitim ang mata nitong nakatingin sa akin. Walang buhay at walang pagmamahal.
"N-no." Bumuhos ang masaganang luha kong sumagot sa kanya. Marahas akong Umiling sa kanya. Hindi ko kaya pinagagawa nya. Buhay ang anak ko. Buhay nya pinag-uusapan dito! "Ayoko.. Ayoko... Bubuhayin natin sya.." pagsalungat ko sa kanya.
Unti unting lumapit sya sa akin. Natatakot ako sa kanya. His dead eyes are piercing tru me. Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagtitig nya. Naramdaman siguro ng anak ko ang panganib sa prisensya ng tatay nya. Naging alerto sya at malikot sa loob ko. Authomatic na gumalaw ang katawan ko at lumayo sa kanya.
Takot akong tumingin kina mommy at humingi ng tulong. Tumango sya sa akin at naintindihan ang gusto ko. She signaled her hands at in instant, grupo ng mga bampira ang humarang kay Ciro.
Nakita ko ang panlalaban nya sa mga humarang at gustong makalapit sa akin. Humahagulhol akong nakamasid sa kanya. Itinutulak nya at hinahawi lahat ng humaharang sa kanya. Kahit sina mommy at daddy ay pumipigil na din sa kanya. Patuloy pa rin ang paglayo ko sa kanila.
"Candice! Please!" Nanghihinang pakiusap nya. "Hindi ka pwedeng mawala!! Candice!"
Nahihirapang umiling ako at tumalikod sa kanya. Kailangan ko lumayo. Hangga't iniisip nya na alisin ang anak ko sa akin, sa ngayon, hindi ako magiging safe sa kanya.
Hindi nya maintindihan, kailangan nya maintindihan kahit anong gawin nya, parehong mawawala ako sa kanya. Kung ipilit nya na patayin ang anak ko, parang pinatay nya din ako. At least kung ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis, ako lang ang pwede mawala. Mabubuhay ang anak namin!
Naririnig ko ang mga sigaw at panglalaban ni Ciro Kahit nakalabas na ako. Wala akong ibang maisip na gagawin or pupuntahan, ang gusto ko lang ay maging ligtas kami ng anak ko. Wala naman ako ibang mapuntahan, hindi pwede kay Megan, dahil wala ito kakayahan protektahan kami baka madamay lang sya.
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang phone booth and call him.
"I need your help sir."
"Salamat sir, sa pagtanggap sa akin." Sabi ko sa kaharap.
"If the legends were true, your child will be the most powerful vampire, he will have innate powers pagkalabas pa lang, and i have the responsibility to take care of him." Seryosong sabi ni Sir Ettore. Sya lang naisip kong kayang protektahan ang anak ko. Like what ciro said, he is powerful and can manipulate mind. Hindi basta basta makakalapit sa akin si Ciro oh kahit sinong bampira dito.
He welcome me in his mansion at binigyan ng dalawang bantay, at dalawang tao na taga-alaga. He provides me foods and vitamins na kailangan ng anak ko. Dahil din siguro kay Sir Ettore, kaya Ang ibang bampira na ang kusang lumalayo sa akin kung nakakasalubong ko sila.
Lumilipas ang panahon nang hindi ko namamalayan. Isang buwan na ako sa poder ng Clan. Pakiramdam ko isa akong preso na wala makausap, at iniiwasan ng iba. Nakakapanghina ang lungkot. Para syang apoy na unti unting umuupos sa akin.
"Baby, miss na miss ko na papa mo.." Aniko habang hinihimas ang mejo kalakihan kong tyan. 6 months na sya going to 7. Nandito ako sa garden ng mansyon para magpahangin at makapag-isa, lagi ko pa rin sya kinakausap tulad ng dati. Malikot at hindi siguro mapakali ang anak ko dahil puro bampira ang nakapalibot sa amin.
Kahit wala si Ciro, pinanatili ko ang pag-aalaga sa anak namin. Hindi ko nakakalimutan kumain ng masustansya at hayaan ang katawan kong manghina. Kailangan ko magpakatatag para sa kanya.
Pero ang katotohanan na wala akong kasama sa pagharap dito ang nakakapagpahina sa akin. "Gusto ko na umuwi baby.." Umiiyak sa anas ko.
"Kung ganun, sumama ka na sa akin." Sabi ng isang baritong boses na miss na miss ko. Natigilan ako at lalong umiyak nang makita sya. Hindi na tulad ng huli naming pagkikita, malambot ang anyo nya at makikita sa mata nya ang sari saring emosyon, malungkot, at may pagsisi syang tumingin sa akin at tulad ng dati, kitang kita ang pagmamahal nya sa akin.
I saw sir Ettore sa likod ni Ciro at tumango sa akin. Signaling me na okay lang kausapin ko ang asawa ko.
Hindi ko nagawang tumayo sa pagkakaupo dahil sa panghihina kaya sya na ang lumapit sa akin. At ikinulong ako sa bisig nya, kahit nanginginig, hindi nya ako pinakawalan.
"Sorry Candice, Sorry, hindi ko sinadyang iwan ka. Natakot lang ako na mawala ka. Hindi ko naisip na sa ginawa ko, mas lalo ka nawala. Naiwan kitang nag-iisa patawarin mo ako." Sabi nya sa akin habang yakap pa din ako. Mas mahinahon na sya ngayon.
Miss ko na talaga sya, kaya naman niyakap ko na din. I can't stay mad at him. Not now, not ever. I need him. We need him.
Patuloy sya sa paghingi ng tawad at Bumaba ang mukha nya at tumapat sa tyan ko..
"Sorry baby, nag-isip ako ng hindi maganda.. Naging selfish ako, dahil ayokong mawala ang mama mo, naisip kong gawan ka ng masama. patawad, anak, mahina si papa. hindi na mauulit yun. Pangako." Lalo akong umiyak sa ginawa nya.
"Bumalik na kayo sa akin, aalagaan ko kayong dalawa tulad ng pangako ko. Please." He possesivelly wrap his arms around me and let me cry and cry untill my hearts content.
Alam ko sa sarili ko na sasama at sasama ako sa kanya. Dahil kahit ano kalabasan ng mga nangyayari, alam kong magiging masaya ako sa piling nya.
Kahit kamatayan ko ang maging kapalit,
Wala pa din ako pinagsisisihan na mahalin ang tulad nya.
-----
Ahaha bear with me please. next chapter will be the last, then Epiloge. At special chap. So matatapos na sya.
napasubo ata ako. How to do it without comparing sa twilight?
Magpapaliwanag na lang po ako sa authors note pagkatapos ng story.
Salamat po sa support
Feel free to comment.