Candice
Beautiful Sunday afternoon, magkahawak kamay kaming naglalakad sa malawak na bakuran. Napakatahimik at maaliwalas. Nakasanayan na naming gawin to sa hapon kung kelan hindi na matindi ang sikat ng araw.
Maraming puno kaya malilim at presko ang hangin. Lahat payapa sa paligid walang problema walang gulo. Our own perfect world..
Masaya akong nanatili sa tabi ni Ciro, walang pagsisisi na sumama ako sa kanya.
Bukas babalik na kami sa trabaho. Magiging busy na naman kami. Pero sinisigurado ko, magkasama pa din kaming dalawa haharap don.
"May pasok na tayo bukas." Sabi ko sa kanya habang naglalakad.
"Ayaw mo ba? Pwede naman tayo manatili dito." Aniya
"Sus, para namang hindi ka nagta-trabaho dito.!" Nakataas kilay kong baling sa kanya. He is such a workaholic boss at sigurado akong gusto din nyang pumasok kame. Ayoko din na walang ginagawa parang na-stuck lang yung utak ko. I want to be productive too.
Patuloy kaming nag kwentuhan ng kung ano ano, minsan tawanan din habang naglakakad hanggang makita ko ang duyan na pinakabit ko sa kanya. Hinigit ko sya papunta sa naturang duyan at humiga doon.
Ah this is life. Nakangiting humilig ako sa dibdib ni Ciro. Pumikit ang mata at nangarap ng future naming dalawa.
"The clan is in chaos, Vlad." Wika ng isang tinig. I slowly open my eyes at nakitang madilim na. Nakatulog pala ako kanina. "Master can't handle them." Tumingin ako sa pinanggalingan ng tinig at doon nakita ko sa Ms. Akantha at Ciro na nag-uusap sa may puno na pinagkakabitan ng duyan. Clan. They are talking about Vampire Clan.
"Wala na akong ugnayan sa Clan Akantha." Mahinahong sabi ni Ciro. Nanatili akong nakahiga at nakinig sa usapan.
"Alam ko yun" bumuga ng hangin si Ms. Akantha bago nagpatuloy. "Pero dahil sa'yo kung bakit sila nag-aklas." Kumunot ang kilay ko. May nag-aaklas sa Clan? "Dahil sa nangyari, may bampirang nagalit, pero pansamantalang nasulusyunan naman yun ni Master, meron namang sumang-ayon sa'yo at gusto din ng plasma Capsules. You see, nahati ang samahan sa pag-alis mo."
I bit my lips and continue to listen to their conversation. Alam kong mali ang makinig pero parang naguguilty ako sa nangyari..
"Ayokong madamay si Candice sa problema ng Clan. Kaya lumayo ako" sabi ni Ciro. Lage na lang nya ako inaalala. Kahit na alam ko gusto nya tulungan ang samahan nila. Hindi nya maaring itago ang pagpapahalaga nya sa mga miyembro at kay master mismo.
Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa duyan. Sabay na napatingin si Ciro at Ms. Akantha sa gawi ko.
Bumuntong hininga ako at tumingin din kay Ciro.
"Kailangan ka ng Clan Ciro, Hindi mo kailangan mag-alala sa'kin..." Sabi ko sa kanya.
"But.." Mag-aapila pa sana sya.
"C'mon.. Things never happened the same way twice Ciro." Hindi ako mapapahamak. Hindi na ako mahuhulog sa bitag muli.. I've learn my lesson. "Diba mas maganda kung wala tayong aalalahanin? Pag naayos ang gusot sa Clan, wala naman tayong magiging problema diba?" Pagkukumbinsi ko sa kanya.
Nanatili syang tahimik at pinag-iisipan ang sinabi ko.
"Candice can stay at the mansion." Si Ms. Akantha ang nagsalita. "Kung inaalala mo ang security nya, dun muna sya sa bahay kasama namin ni mama." Napangiti ako sa kanya.
Ciro sighed. Alam kong papayag sya. Hindi lang ito para sa amin, para din ito sa clan na nakasama nya at kay Master Ettore na pamilya nya. Sana maayos nya kung ano man problema nila.
"Allright..." Sabi ni Ciro. Nakita kong ngumiti si Ms. Akantha as a sign of relief.
Bumaling sya sa akin "dun ka muna kina mommy habang wala ako." Aniya. Tumango lang ako.
Kinabukasan, sabay ulit kaming kumain ng umagahan. Mamaya, sa mansyon na nina Ciro ako uuwi. Inayos na namin yung damit na dadalhin ko don kagabi pagkatapos ng usapan sa garden.
Tahimik akong kumain at bumuntong hininga. Mejo nalulungkot ako sa pag-alis namin sa bahay na ito.
"What's with the sign?" He looks at me with that question in his eyes. "Ayaw mo na ako umalis?" Taas kilay nyang tanong.
"Hindi naman! Mejo nalulungkot lang ako..." Sabi ko sa kanya.. Hindi ko kasi alam kung hanggang kelan sya mawawala. "At tsaka, kinakabahan na din.."
"Kinakabahan saan?" Tanong na naman nya.
"Sa mansyon nyo ako titira habang wala ka.." Tiningnan ko sya at nakitang naghihintay sya sa susunod kong sasabihin. "Nahihiya ako kay ma'am Calidora. Pano kung hindi nya magustuhan ang pag-stay ko don. Pati dady mo nandon, Pano kung..?" Iba kasi pakiramdam pag kasama mo ang mga 'in-laws' mo sa bahay diba? Tumigil ako sa pagsasalita ng tumawa sya.
"Hahahahaha!! Inaalala mo ang pagtanggap nina mommy sayo?!" Tamo tong damuhong ito, tinawanan na naman ako! May sinabi ba akong nakakatawa?
"Anong nakakatawa don?!" Naiinis na tanong ko sa kanya. Magulang nya ang mga yun. Syempre mahihiya ako!
Tumigil ito sa pagtawa at amused na tumingin sa akin. "Hindi mo kailangan isipin ang pagtanggap nina mommy sa'yo, co'z they are willing to do that." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Sana nga tanggap nila ako.
"Tingin mo?" Mejo nag-aalala kong tanong. Tumango sya at ngumiti bilang sagot.
Maya maya Tumayo sya at tumabi sa akin. Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Matagal akong mawawala." Simula nya. Pareho lang siguro kaming nalulungkot.
"Ayokong mawala ka.. Mula una kitang nakita gusto na kitang angkinin." Nakagat ko ang labi ko at nag-init ang mukha. "I blackmailed you to be my Secretary.. Nilayuan kita noon pero hindi ko kinaya, Pinili kita kahit mawala ako sa Clan" Madamdamin nyang pahayag na alala ko yung mga pinagdaanan namin, may namuong luha sa aking mata.
"Gusto kitang makasama. And i have this feeling that i would be extremely happy to call you my wife.." Nanlaki ang aking mata sa narinig.. Dont tell me..
"I can't swear to God, but this, i can promise you and with the law of human, i will protect you and always be by your side.."
May isinuot sya sa aking palasingsingan at.. "Marry me and be my wife."
Tumulo ang luha ko sa galak my heart swells with his words.. I said i will settle in anyway basta kasama sya, hindi ko inaasahan na sasabihin nya ito. Malamlam ang mata at may matamis na ngiti akong tumingin sa kanya. Seryoso sya habang naghihintay ng sagot ko na parang magagawa ko pang tumanggi.
"Yes. I will marry you."
-------
Kasal daw muna bago baby!
Conventional si author.
Feel free to comment