Ice
Nagising ako sa pamilyar na silid. Oh no.. I did it again, didn't I? Mariin kong ipinikit ang mga mata at humigit ng malalim na hininga. Unti unti akong bumangon at nagulat nang makita si Sir Vladimier sa may paanan ng kama, matiim akong tinitingnan nito habang naka-upo sa isang upuan don.
"Uhm, Si-Sir..." Nakakahiya! Pangalawa na to. Pero masisisi ba ako? Sya tong umiwas sa akin ng matagal tapos bigla na lang syang hahalik at mangangagat!
Totoo ang sinabi nya.. Naramdaman ko ang sakit ng pagbaon ng mga pangil nya sa leeg ko.. Pero sa kabila noon, naramdaman ko pa rin ang kakaibang sensasyon dala ng mga labi nya. The tingling sensation when his lips travel on the sensitive part of my neck, tama sya, siguro sensitive nga ako. Biglang uminit ang mukha ko sa mga naisip kaya sigurado namumula na naman ako.
"You are blushing" biglang sabi ni Sir Vladimier na nakatingin pa rin. There are amusements in his eyes and smiles na nagpataas ng kilay ko. May gana pa talaga syang pagkatuwaan ako.
"Excuse me Sir." Matalim din akong tumingin sa kanya. "Bakit nyo ako dinala dito?" Mataray kong tanong. Wala ako pakelam kung bampira sya or boss ko sya or kung ano pa.
"Well, you pass out on me..... Again" he playfully said grinning like idiot. Arrgh nakakainis. Pinaglalaruan ba nya ako?
"You don't have to remind me! And besides whose fault you think it is?" I snarl at him. Nakakagigil kaya! Yung pakiramdam na nahihiya ka na nga, tapos pagtatawaan ka eh sya naman may kasalanan!
"Hahahaha" nagulat ako sa malakas na tawa ng damuhong kaharap. Napuno ng tawa nito ang buong kwarto kaya kahit nakakainis sya, namangha ako sa nkikita.
"I love to see you like that, Candice." He said half smiling.
Huh? Ano ba ginawa ko? Tumayo sya at lumapit sa akin, umupo sya sa tabi ko, napasinghap ako nang hinawi nya ang buhok kong nagulo sa pagkakatulog.
"I'm sorry for what happened," sabi nya, "i got jealous when i saw you smiling with that man." Nagtataka ako. Sino ba sinasabi nya? Si Stephen? Hindi naman 'man' yun. Wait, jealous?
"I want to see you mad." Kumunot ang noo ko sa kanya.. Okay
"I want to see you smile." Tuloy pa nya
"I want to see every emotions that you'll make..." I can see the sincerity of every words.. Does he love me?
"Bakit?" I asked him. "Bakit mo ginagawa ito." Hindi na ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Tama kaya hinala ko? Ayoko umasa. Tapos iiwasan na naman ako bukas. "Kung pinaglalaruan mo ako, Sir pls, wag mo na ituloy."
"Candice..I." Naputol ang sasabihin nya ng tumunog ang cellphone ko, assigned tone kasi ito ng contact sa bahay kaya agad ko itong sinagot
"Hello, Joy." Bungad ko dito.
"Hello, ate asan ka? may naghahanap po sa inyo dito kanina." Sabi ni joy sakin. Mapaisip ako kung sino at bakit ako hinahanap.
"Sino daw?" Tanong ko sa kanya.
"Wala po sinabi. Pero creepy sila, parang mga MIB lahat nakaitim." Sagot nya sa kabilang linya. Nagatatakang kumunot noo ko.. Sino sila? At ano kailangan nila sakin? Bigla ako kinabahan.
"Sige, pauwi na ako. Lock the doors at wag kang magpapasok ng hindi kilala okay." Bilin ko dito. "Sige na, bye." Paalam ko bago putulin ang tawag.
Nagmamadali akong bumangon at inayos ang sarili.
"What happened?" Tanong ni Sir Vladimier na nakatingin sa akin.
"Uhm. May naghahanap daw sakin" sabi ko sa kanya. "Pero hindi ko alam, bigla ako natakot kaya uuwi na ako Sir." Nakita kong nabigla si Sir at bumulong tapos biglang nagseryoso.
"Samahan na kita." Maotoridad na sabi ng boss ko.
Hinatid nya ako hanggang makarating sa tinitirhan namen, agad akong bumababa nang sasakyan nang tumigil ito sa harap ng bahay. Nagtuloy-tuloy ako sa loob at hinanap sina Joy at ang kambal.
"Joy!" Tawag ko sa kanila, agad naman itong lumabas galing sa kwarto ng kambal.
"Ate." Nagmamadaling itong lumapit sakin.
"Anu bang nangyari? Asan ang kambal?" Tanong ko sa kanya
"Natutulog po ang kambal." Aniya.
"Mabuti naman, wala pa ba si Megan? Sino ba nag-hanap sakin? Tanong ko muli dito.
"Ate, kasi madalas ako nakakakita ng mga lalaki jan sa labasan, hindi ko naman pinapansin dati, pero kanina, lumapit sila at hinanap ka. Nakakatakot sila kaya sabi ko wala ka at hindi sila pinapasok." Sumbong sakin ni joy. Buti na lang hindi nya pinapasok, maasahan talaga si Joy, kahit pano napanatag ako. Hindi talaga ako mapakali kanina.
"Kailangan nyo lumipat ng bahay" sabay kaming napalingon ni joy sa may pintuan at doon nakita ko ang amo ko na nakatayo. Nakalimutan ko na kasama ko sya sa pagmamadali.
"Sir," tawag ko dito
"You are not safe here." Sabi pa nya.
"They are after you, Candice," ano daw? Ako? Pero Wala ako kaaway.
"Pero sir."
"I will protect you Candice, sumama kayo sakin." He seriously said. Hindi ko maiwasan isipin na may alam sya sa nangyayari. Pero bakit ako? Naguguluhan ako.
I sigh at Binalingan ko si Joy. "Joy, samahan mo muna si kambal para mag-pahinga ka na din.." Tumango ito sakin "Salamat." Sabi ko dito. Kailangan ko makausap si Sir.
Nang makapasok si Joy, pinaupo ko ang amo ko sa upuang kahoy sa sala. Matiim ko syang tiningnan dahil malakas ang hinala ko na may alam sya. Kilala nya ba ang mga lalaking yun?
"They are vampires Candice." Nagulat ako sa sinabi nya, at kumunot noo ko, vampires? Ano ginagawa nila dito?
"As i said, they are after you" nanlalaki ang matang tumingin sa kanya, wait lang, nababasa ba nya isip ko!!?
"Hahaha" mahinang tawa nya. I pout, pinagtatawanan na naman nya ako. Kainis na talaga. "And no, hindi ko nababasa isip mo." Nakangiting sabi nya sa akin. " i told you, i want to see every emotion in you. At hindi ko to pinapalampas." Umiwas ako ng tingin dahil umiinit ang muka ko. Nakuha pa nya maging ganyan sa sitwasyon na to.
"Ano kailangan nila sakin Sir?" As far as i know, wala ako ginagawa masama.
"Because they want to get me through you Candice," he said truthfully
"Bakit ako?" Sabi ko na lang
"Because i love you, Candice.."
------------
Hindi ako satisfied hehehe parang may kulang.
Pero dahil write and run ako publish ko na din..
Comments and suggestions are welcome
Feel free to comment.