Candice
Puting kisame ang bumungad sa akin nang buksan ko ang aking mata. Naamoy ko ang amoy ng alcohol at gamot sa paligid. Hospital, sigurado akong nasa hospital ako..
"Vampires. Sila ang may gawa nito kay Candice Master.!" Narinig kong nauusap sila di kalayuan sa akin. May diin ang pagkakasabi ni Ciro sa kausap. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napapansin. Nanghihina pa din ako at mabigat ang mga mata. Pumikit ako pero naririnig ko pa rin ang usapan nila.
"Naiintindihan ko Vlad." Mahinahong Sabi ni Mr. Ettore. "Lahat ng may kinalalam dito ay mapaparusahan." Saad nito.
"Salamat Master" pasasalamat naman ni Ciro. "Ayoko na maulit to." Bumuntong hininga sya bago pinagpatuloy ang sinasabi. "I won't let any vampire harm her again, master.." May bahid ng lungkot ang tinig nya. "Kaya nagdesisyon na ako... pinuputol ko na ang kahit anong ugnayan sa Clan, patawad Tito." Nagulat ako sa sinabi nya. I want to protest pero hindi sumusunod ang katawan ko sa gusto kong gawin nanatili akong nakapikit.
Mahabang katahimikan ang namag-itan sa usapan nila. Unti unti na din akong hinihigit ng antok.
"Naintidihan ko Vlad." Malungkot sa wika ni Mr. Ettore. Yun lang ang huli kong narinig bago muli kinain ng antok ang aking kamalayan..
Nagising ako sa mga kaluskos sa kwarto. I saw Megan na inaayos sa side table ang mga prutas doon, may mga bulaklak din.
"Gising ka na." Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.
Tumango lang ako. "Urgh." I groaned. Sinubukan ko umupo pero Ang sakit ng katawan ko.
"Wag ka na umupo, tawagin ko ang Doctor." Pinigilan ko sya at umiling. Gusto ko nang umupo.
"Wag na, uupo lang ako." Sabi ko sa kanya. Inalalayan nya ako at inayos ang pwesto ko.
"Musta ba pakiramdam mo.? Tanong ni Megan sa akin.
"Masakit lang katawan ko pero okay na ako." Sagot ko sa kanya.
"Malamang sasakit yang katawan mo! Nahulog ka kaya sa hagdan!" Inirapan nya ako. "Ano ba kasing ginagawa mo don Bruha ka!" Nag-aalalang sabi ni Megan. Sinabi siguro ni Ciro na nahulog ako..
"Aksidente yun.. Pumunta ako sa site para sa floor plan pero nahulog ako sa hagdan.." Pagsisinungaling ko sa kanya. Sinabi ko na din naaksidenteng nahulog ako kaya madami ako galos at pasa pati narin ang bali ko sa paa na naka-cast ngayon. I can't tell her what really happened, how can i tell her that 3 vampires set me up and tried to rape me. Hindi nga nya alam na may bampira talaga eh they only exist sa mga urban legends.
"Ewan ko sayo! Pinag-alala mo ako babae ka!" She pouts with her statement. I smiled at her. Megan is a true friend.
"I came here as soon as Vladimier called me. Buti yan lang nangyari sayo." Napangiwi ako. Haayy kung alam lang nya.
"Oo nga e. Salamat nandon si Ciro." I told her truthfully. Nagpapasalamat talaga ako na dumating si Ciro ng oras na yun. Kung wala sya, baka kung ano ginawa ng tatlong yun sa akin, malamang wala na ako ngayon.
"Your boss is so worried about you Ice." She said and we both look at Ciro who's sitting on the couch. Nakapikit ang mga mata nya pero sigurado akong hindi sya natutulog.
"I know Megan.. Sobra ko syang pinag-alala." Malungkot akong tumingin kay Ciro at naalala ang usapan nila ni Mr. Ettore. HE is cutting all ties from the Vampire Clan because of me. Alam kong hindi madali ang desisyon nyang iyon. The clan is his second family, Mahalaga sa kanya iyon. Pero ngayon, binitawan nya..
Maghapon nasa kwarto ko si Megan, pinauwe muna namin si Ciro kahit ayaw nya. Sabi kasi ni Megan, magdamag nagbantay si Ciro sakin kaya dapat magpahinga muna ito ng maayos. Nagprotesta pa si Ciro nung una, pero kalaunan ay umuwe na din. Nagdatingan kasi ilang katrabaho namin.
"Naloka kami nung nabalitaan namin teh!" Sabi ni Stephen.
"Oo nga, bakit kasi aanga-anga ka girl! Nagpahulog ka pa sa hagdan! Eh nahulog ka na nga kay sir!!" Napa tawa kami sa sinabi ni Nicole.
"Pero kahit ako mahuhulog din kung ako si Candice.... Mahuhulog ang aking panty." Biro ni Stephen.
"Wala kang panty bakla!" Hinampas sya ni Nicole
Naging masaya ang pananatili ko sa Hospital dahil sa kanila. Pero tuwing dumadating si Ciro, naiisip ko ang desisyon nyang pag alis sa clan. Hindi ko pa sya nakakausap tungkol doon.
"Balik na lang ulit ako Ice." Paalam ni Megan. Tatlong araw na ako nakaconfine gusto ko na umuwi.
Napalabi ako at tumingin sa pinto nang makalabas sya.
"Bakit ka nakasimangot?" Tanong ni Ciro at lumapit na akin.
"Gusto ko na umuwi." Sagot ko sa kanya.
"Hindi pa magaling ang paa mo."
"Konteng bali lang naman to! Gagaling to kahit nasa bahay ako!" Angil ko sa kanya. Bumuntong hininga ako. "Naiinip na ako dito.." Magaling na naman ako eh. Yung paa ko na lang masakit, pero okay na to.
"Okay," sabi nya, ngumisi ako sa kanya, napilit ko din syang pauwiin ako. "Pero sa akin ka uuwi Candice." Wait, what?
"Huh?" Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
"Hahayaan kitang umuwi, pero sa akin ka titira." Sabi nya. Sa kanya ako titira? As in live in?
"Candice, hindi ako mapapakali kung hindi kita mababantayan." He worriedly said.
Alam kong nag-alala sya dahil sa nangyari, nakadagdag pa ng bigat sa kanya na mga bampira ang salarin. Na parang sinisisi nya sarili nya kaya napahamak ako.
"Sige.. Pumamayag ako.." Pag sang-ayon ko sa kanya. Gusto kong makagaan sa kanya kahit paano. If living with him would make him at ease, sasama ako sa kanya..
I smiled at him.
"I will live with you."
-----
Yey!
Magsasama na sila!
Feel free to comment