Emillio Ettore
Isang iyak ng bata ang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa mansyon. Sinundad ko ito hanggang storage room. Hindi ko kailangan manghula para malaman kung sino ang nagtatagong umiiyak dito.
"Cyrus." I called him. Hindi sya lumabas pero tumigil na ang kanyang pag-iyak. It's been 5 years nang ipinanganak sya kaya malikot na.
Ilang sandali pa akong naghintay sa paglabas nya, nang hindi nangyari yun, ako na ang lumapit sa kinaroroonan nya.
"What are you doing there Cyrus?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa pinagtataguan nya.
He is a powerful vampire no doubt about it. Nararamdaman ko ang kapangyarihan nya. Pero dahil bata pa, hindi pa namin alam kung ano ito. Kaya nandito ako para bantayan ang paglaki nya at turuan sya.
"Si papa kasi! Iniwan nya na naman ako dito." Nakalabing sabi nya. Naiintindihan ko naman si Vladimier, dahil isinalin ko na sa kanya ang pagiging leader ng clan, kaya madami na syang responsibilidad.
Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi nya. "Saan ba pumunta ang papa mo?" Tanong ko sa bata.
"Pumunta sya kay mama." Humihikbing sabi nya. "Madaya si papa, lage sya na kay mama tapos iniiwan ako, lage sya nakabantay sa pinagtulugan ni mama. Madaya siya!" Nagtatampong sumbong nya. Isang typical na bata pa rin sya sa kabila ng kapangyarihang taglay nya.
"Mahal nya kasi ang mama mo." Sabi ko pa dito
"Mahal ko din naman si mama! Bakit hindi nya ako sinama!" Nakalabing reklamo nya.
"Babalik din sya, wag ka mag-alala." Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at inaya na rin si Cyrus. "Halika na, mag-aral na tayo habang hinihintay ang papa mo at para mawala yan sa isip mo yan." Inilahad ko ang aking kamay upang akayin sya.
Tinuruan ko sya ng basic knowledge at sinasabihan ko sya ng kaibahan namin sa mga tao, mahirap mamulat ang isang tulad nya sa isang mundo na hindi nya alam na kinatatakutan sya. Leave him uneducated, baka mapasa-isip nya ma malakas sya at superior sa iba. Kung maging over isolated naman, baka magtago lang sya habang buhay.
Nasa kalagitnaan na kami ng lesson ng may tumawag sa bata.
"Cyrus!"
Agad na tumalima ang bata sa tawag.
"Si papa, bumalik na!" Excited syang tumayo at lumabas sa library kung saan kami nag aaral, umiiling na sumunod ako sa kanya. Bata pa talaga sya.
Napasinghap pa ito ng makitang pumasok si Vladimier sa pinto.
"Papa!!" Sigaw nya, mabilis itong tumakbo sa direksyon ng ama.
"Wag ka tumakbo!" Saway naman ni Vladimier. Pero hindi iyon pinansin ni Cyrus at patuloy lang sa pagtakbo at nilampasan ang ama.
"Mama!!"
Candice
"Mama!!" Agad akong ngumiti nang marinig ang masiglang tawag ng anak ko.
Tumatakbo ito at padambang yumakap sa hita ko."Cyrus! Sinabi ko nang wag ka tumakbo! Kung matumba ang mama mo mapapalo talaga kita!" Saway pa rin ng asawa ko.
"Eh kasi papa, iniwan mo po ako! Madaya ka, sinosolo mo lage si mama!" Mahina akong tumawa sa sinabi ni Cyrus, hanggang ngayon pinag-aagawan pa rin ako ng dalawang lalaki sa buhay ko.
Hindi ko alam ang nangyari sa akin pagkatapos ko mailabas si Cyrus. Pero ayon sa mga kwento nila, namatay daw ako nag sandaling yun.
Flashback