30

18K 446 9
                                    

Candice

Sir Vladimiers' been so tensed this past few weeks. Kahit sa opisina, ramdam ko ang galit nya. Alam kong pinaiimbistigahan nya ang nangyaring aksidente sa amin dalawang linggo na ang nakakaraan. He was determined to know who is behind that.

Kahit ako, natakot sa nangyari, someone tried to kill me! Buti nandon si Ciro nung oras na yun. It could be worst. Wala ako kaaway kaya hindi ko alam kung sino may gawa nun.

First thing that cross my mind was the Vampire Clan. Naisip ko na dahil tutol sila sa pagtalikod ni Ciro sa kanila, kaya ako ang pinuntirya nila. Pero wala ako proweba laban sa kanila. At alam kong nasasaktan si Ciro kung totoong sila nga ang may gawa nun. They are his family, the clan has been part of his life. Kahit na sabihin na tinalikuran nya pagiging leader nito, hindi maalis sa kanya ang pagpapahalaga sa kanila.

"Candice" mahinahong tawag ni Sir Vladimier sakin. Lumapit ako sa table nya at hinintay na may sabihin or ipag-utos ito. Nanatili itong nakaupo sa swivel chair sa likod ng kanyang mesa at tahimik lang na nakaupo doon.

"S--" I'm about to call him when the door opens lumingon ako doon at nakitang pumasok doon ang isang late 50's na lalaki. Matikas ito kahit may edad na.

Tumindig ang balahibo ko nang tingnan nya ako. I felt my body shivers seeing that cold eyes. Nabalot ako ng takot, pakiramdam ko, gusto ko tumakbo at lumayo, pero parang napako ang mga paa ko. Nanatiling nakatitig ang aking mata sa kanya. And it's like it's telling me something..

"Master!" Isang malakas na sigaw ang nakapukaw sakin. Napakurap ako at nagpalipat lipat ng tingin mula sa bagong dating at kay Sir Vladimier.

"Master, please, don't use your power on her." Matigas na sabi ni Sir. Powers? Sino ba sya? Tinatawag syang master ni Sir Vladimier?

"That's right. It is rude not to introduce your uncle to your girlfriend, Vlad." Nanguuyam na sabi ng lalaki. Wait, nababasa ba nya ang iniisip ko? The man that sir Vladimier called Master turned his gaze upon me and smirk. I was taken aback. Napaatras ako at napunta sa tabi ng mesa doon.

"Candice, meet Master Emillio Ettore, My uncle." Mahinahon pero may diin na pagpapakilala ni Sir. Somehow may clue na ako kung sino ang kaharap. Mr. Emillio Ettore, sya ang kapatid ni ma'am Calidora ang mommy ni Sir Vladimier at nakakasigurado ako na sya ang kasalukuyang leader ng Vampire Clan.

"Finally, I met the girl that makes you defy me, Vlad!" Napigil ko ang aking hininga sa sinabi nya. Parang kasing ang laki ng naging role ko sa nagawang desisyon ni sir Vlad. At para sa kanya, kasalanan ko ito.

"Hindi nya kasalanan yun Master." Dapensa ni sir Vladimier

"Sya ang dahilan bakit mo tinalikuran ang pagiging bambira Vlad! Kasalanan nya!" Galit itong tumingin sa akin.

"Bambira pa rin ako Master! Wala ako tinatalikuran!" Tumayo si sir at pumunta sa harap ng mesa. Nakagat ko ang labi ko.. Siguro tama nga si Mr. Emillio. Malaki ang kasalanan ko sa Clan nila. Dahil Kinuha ko ang tagapagmana nila.

"Ako pa rin ito master, tanggap ko na kung sino ako at masaya akong tanggap din ako ng mga taong nakapaligid sakin." Napatitig ako kay sir Vladimier. After all this time, all he wants is to be accepted. By his family, by the Clan.

Mr. Emillio sighed. "I can see that Vlad." He resign, mejo nakahinga ako nang maluwag dahil don. "So.. Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong nito.

"Someone tried to kill Candice.," simula ni Sir.

"And you are thinking that i have connection with that?" Mr. Emillio cuts him off. "I will never stoop that low Vlad." Naglakad ito papunta sa isang couch at doon parang haring umupo. "Kung gusto ko syang saktan, sana matagal ko na ginawa, pero hindi, hinayaan kong sya mismo ang mang-iwan sayo." He stated. "Akala ko tuluyan mo na syang papakawalan noon, pero nakahanap ka ng paraan" hindi nakaligtas sakin ang maliit na ngiti sa labi nya nang sabihin nya iyon, may bakas ng paghanga at kasiyahan sa malamig nyang mata. "Kung hindi sana sya bumalik..." Tiningnan nya ako, sinisisi nya talaga ako.

"Pasensya po sa nagawa ko.. Ang iwan si Ciro ang pinaka-maling desisyon na ginawa ko." Pagsabat ko sa usapan nila. Pakiramdam ko, kailangan ko din talaga humingi ng sorry sa kanya. "Tanggap ko po sya kung ano si Ciro, hindi ko sya kukunin sa inyo. He can take the responsibility of being the leader... Just let me stay by his side.." Matapang na Sabi ko sa kay Mr. Emillio, kahit na mejo nangangatog ang tuhod ko. Alam ko na yun din ang gusto ni Ciro. Pinangako ko na lalaban din ako kasama nya kaya gagawin ko.

"Huh." He smirk. "What if I still want heir for Vladimier para sya ang maging leader ng Clan, okay lang ba sayo? Kung sa pagkain nya nagseselos ka" Tanong nito sakin.

"Tulad po ng sinabi ko, tanggap ko kung ano sya. Kung kumukuha sya ng dugo sa iba, hahayaan ko, hindi na ako magseselos at aalis. Kung anak naman nya, matatanggap ko." Pinilit ko magpakatatag at mag sinungaling. Kasinungalingan na hindi ako magseselos,  dahil nararamdaman ko pa rin yun, pero totong hindi ako aalis.

Tinitingnan nya akong mabuti. Kung tama ang hinala ko na nababasa nya ang naiisip ko, hindi ko maitatago ang kasinungalingan ko, pero pinilit ko ipakita ang determinasyon sa desisyon ko.

"Huh." Maliit na tumawa ito at umiling, "you have a handful girl in your hand Vlad." Seryosong saad nito pero nababakas sa kanya ang kaunting pagtanggap. Its a good sign right?

"Yes master, she's indeed very handful." He answered. Wait. Anong ibig sabihin nya don!!

"Do what you want Vlad." Pagkuway sabi nito at tumayo. Naglakad na ito papunta sa pinto. "Wala akong kinalaman sa aksidente nya, hindi ko tatangkain gawan sya ng masama sa harap mo dahil sigurado akong mabibigo ako." Lumingon sya sa amin at tuluyan nang lumabas. Wala din sya ibang sinabi about kay Ciro o sa akin. Tanggap na nya ba kame?

"Haaaa" pinakawalan ko ang hininga ko na kanina ko pa pinipigil. Napahawak ako sa dibdib ko. I survived the encounter with their master. Natakot ako nung una pero kinaya ko naman. Kahit wala kumpermasyon na tanggap nya kami, okay na din, kahit pano may nakita akong progress, maghihinta pa ako. Tumingin ako sa kay Ciro at ngumiti.

"Hindi ka talaga magseselos?" Nakatataas ang kilay na tanong ni Sir. Nanlaki ang mata ko at nawala ang aking ngiti. Oo sinabi ko yun pero kasi.. Nagseselos ako, hindi ko masabi.

"H-hindi po." Labas sa ilong kong sagot. Tiningnan nya ako at sinusukat ang sinabi ko.

"Good!" Sabi nito bumalik na sya sa upuan nya at may kinuhang isang card sa drawer nya. Inabot niya ito sa akin.

"Call her for me, I need blood tonight."

-------

Hmmm parang may kulang..

Pero publish and run!!!!

Feel free to comment
😁😁😁😁😁

Vampire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon