Denise's POV
"Ano ba naman yan Denise, inuubos mo na yung fries ko oh!" reklamo ng bespren ko. Kinakain ko kasi yung fries nya mehehe. Ubos na yung akin eh.
"Grabe ang damot mo naman!" Sabi ko at binatukan nya agad ako.
"Aray ko!"
"Madamot pa ko sa lagay na yan eh halos maubos mo na nga eh!Lokaret na to!" napairap nalang ako at hinimas yung ulo ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa sa librong hiniram ko sa library ng magsalita nanaman si Dee.
"Ay oo nga pala! May fansigning mamaya ang BTS, ano? game?" Napatingin ako sakanya. Gusto ko sanang pumunta kaso naalala ko na galit nga pala ako kay Jungkook. Tss, wag na nga.
"Pass muna ako Dee, may kailangan pa kong tapusin saka may part time pa ko." Sabi ko at binigyan naman niya ko ng wtf is dat you look. Sa totoo lang wala naman talaga akong trabaho ngayon eh.
"Di nga? Seryoso ikaw ba yan? Himala! First time mo yatang tumanggi? Eh dati rati ikaw pa nagaaya sakin ah? Ano, nagkabaligtad tayo!?"
"Gaga seryoso kasi! Ayoko muna... baka mabadtrip lang ako." Binulong ko nalang yung huling sinabi ko. Ayokong malaman yun ni Dee. Knowing na palaban sya, baka sugurin pa niya si kookie anytime. Haha mahirap na! Bungangera pa naman pag galit yan.
"Okayy. So ano yun ako lang pupunta?" Tanong niya.
"Oo, di nga ko sasama eh. Pwede mo naman isama si Rica kung gusto mo" Si Rica yung isa pang kaibigan namin pero nasa College department na sya which is sa kabilang building. Yun nga lang hindi namin sya masyadong kaclose.
"Eh wag na lang, for sure busy rin yun kakagawa ng plates. Ako nalang magisa." sabi nya kaya tumango nalang ako.
Maya maya ay nagbell na kaya pumunta na kami sa classroom. Pero pinauna ko muna si Dee kasi may kukunin pa ko sa locker.
Dumiretso ako sa locker at kung nananadya nga naman eh andito rin si Jungkook. Kaming dalawa lang ang nandito kaya medyo awkward.
Naglakad ako papunta sa locker ko at binuksan iyon. Nagtaka ako ng may pulang papel akong nakita sa loob. Hala shet! Red card!?
Langya uso pa ba yun Denise?!
Nakita ko namang nakatingin si Jungkook at parang pinapanood pa ako. Aba leche, ano pa bang ginagawa niya dito kung nakatunganga lang sya sa tabi?
Kinuha ko iyon at hindi nalang pinansin ang tingin niya.
' I'm sorry...- JKJ '
HUH!? JKJ? DA WHO??----Shet baka malate pala ako!
Mabilis kong kinuha yung book at notebook ko sa next subject at sinara na yung locker ko.
Tinapon ko narin sa basurahan yung pulang papel dahil sorry lang naman ang nakalagay doon. Baka nagkamali lang sila at nalagay sa locker ko.
Lumabas na ko doon at bumalik sa room ng hindi sya pinansin. I dont know but I'm getting used to it rin. Yung hindi mo na siya pinapansin? Dapat lang yun sakanya. Masyado siyang mayabang eh. =__=
Hay Jungkook, lumalabas tuloy yung isang side ko dahil sayo.
-------------
Abcdee's POV
Kakatapos lang ng klase at mag isa akong nakapila ngayon sa fansigning ng Bangtan.
Si Denise kasi nauna na at may trabaho pa nga raw siya. Nakakapagtaka yung babaeng yun this past few days! Parang everytime kasi na pinaguusapan namin yung bangtan, nawawalan sya ng gana? Weird lang kasi knowing na isa siyang CRAZY FANGIRL, parang nawawalan siya ng interes ngayon about sa Bangtan.
Tapos nakong magpasign kila Jhope, Rapmon, Suga, V at Jimin. Bilis noh? Hehe wala eh. Inaantok na raw yung nagtatype xD
Tinanong nga rin nila kung asan raw si Denise kasi parang first time nya raw hindi pumunta sa fansign event nila. Sabi ko nalang na may trabaho siya kahit alam kong wala. Oo, Alam kong wala talaga kasi nakita ko yung schedule nya ng trabaho sa bag niya kahapon. Kaya mas lalo akong nagtaka kung ba't sya nagsinungaling. Hay nako Denise, what's happening to you ba?
"Hello Acdee right?" sabi ni Jin eomma. Nginitian ko sya tapos tumango. Pinirmahan niya yung album at nagtanong kung asan raw yung baliw kong kasama na si Denise haha! Sabi ko ulit may trabaho syempre. Ghad, pitong beses akong makakapagsinungaling ngayong araw huhu! T___T
Binigay na niya yung album at last but not the least at sa asawa na ng bespren ko. Si Jungkook her husband raw. XD
"Hello Kookie!" bati ko at nginitian niya lang ako. Ba't parang ang tamlay rin nitong isang to!? Aba meant to be talaga sila ni Denise ah? Makwento nga to sakanya hehehe. For sure kikiligin nanaman yun XD
"Ba't ang tamlay mo ngayon Kookie?" tanong ko. Tinignan niya ko tapos umiling at ngumiti ng peke. aba aba
"Wala haha! Nga pala..ba't parang wala ngayon yung kasama mo?" OMG hinahanap siya ni kookie!! Hoy Denise kung naririnig mo ko ngayon isa lang masasabi ko sayo! ANG SWERTE MONG GAGA KA HINAHANAP KA NG BUONG BANGTAN ASDFGHJKL---
"Uyy~ Hinahanap niya yung fangirl nyaaa! Yiieee~" asar ko sakanya at namula sya doon! What the! That's unexpected! Shit shit shit. I don wanna conclude pero feeling ko may crush siya kay bes? Kyaaaaaahhh!!
Sya lang ang namula sa buong bangtan sa asar kong yan! OMG talaga!
"H-huh? Hindi no. I-i'm just wondering about it." Eh bat ka nauutal!? Leche zxcvbn--
"Ahh okay haha! Wala sya ngayon kasi ayaw niya raw--este! Ayaw niya kasi may trabaho siya! Oo haha! ganun nga! huehue" TAKTE ABCDEEEEE! YUNG BUNGANGA MO!
Kumunot pa yung noo nya sandali pero agad namang nawala iyon. Tumango na lang siya at pinirmahan yung album tapos nagpaalam na ko.
Muntik na ko dun ah!?
Pero seriously, kinikilig ako! HEHEHE SHIPPER NILA KO IHHH :">
I really need to share this with her OMG! Magaala kite-kite nanaman yun sa kilig hahaha! XD

BINABASA MO ANG
His Crazy Fangirl [Short story]
Short Story《Short Story #1》"HOY JUNGKOOK ILONG! I LOVE YOU BERIMATS TO DA MOON AND BACK!" - Denise Kim