HCF 14

396 21 19
                                    



Dee's POV



Andito kami ngayon sa room ni Denise sa ospital, nagbabantay..


Umabsent ako sa school at ako lang ang magisa dito.


"Hayyy... kelan ka ba gigising Denise? Kahit kailan talaga ang takaw mong matulog." sabi ko sakanyang hanggang ngayon di pa nagising. May bendang nakapalibot sa ulo nya gawa ng maraming dugo ang nawala sakanya. Malakas raw kasi ang pagkabagok. Pero di pa nalalaman kung anong side effects nun hangga't di pa sya nagigising.


Hindi ko talaga alam ang nangyari..Nagulat nalang ako ng tumawag si Jungkook sakin na naiyak. At yun nga, naaksidente pala si Denise.


Biglang may pumasok at bumungad sakin ang bangtan na may dalang pagkain.


"Hi Dee, hindi parin ba sya nagising?" tanong ni Jin at pinatong sa table ang plastic na dala. Si Jungkook ay lumapit sa gilid ni Denise at tinitigan ito.



"Hindi pa e. Pangatlong araw nang hindi sya nagising.." malungkot kong sagot at hinawakan ang natutulog na Denise sa kamay. Miss na miss ko na tong babaeng to. Parang kapatid ko na sya e.



Tumango sya at sinenyasan kami ni Jungkook na lalabas raw muna sila. Mabuti naman, ang dami ko kasing gustong itanong sa lalaking to.



"Jungkook/Dee" sabay naming sabi. Tumingin sya sakin, "Ikaw muna."



"Ano bang nangyari? Ba't naaksidente si Denise ha? Alam mo ba kung gaano kaalala sila Tito at tita?" Sunod sunod kong tanong. Kaninang umaga lang umuwi ang mga magulang ni Denise simula nung Lunes pa. Dito natutulog si Tita para bantayan si Denise.



"I-It was all my fault Dee.. Ang gago ko. Sobra para maniwala sa mga pinagsasabi nung Chloe na yun! And I'm regretting it. Damn it." nakatungong sagot niya na kinagulat ko. Anong kinalaman ni Chloe??



Tinanong ko iyon at yun nga kinwento niya sakin lahat. Shet lang ah. Si Denise? Bitch?! Huh! Baka dinedescribe niya ang sarili niya? Lintek na malanding yun!


At isa pa, gago nga talaga tong si Jungkook. Ewan ko ba kung anong sumapi sakanya at nagpapaniwala sa mga sinabi nun. Aish! Nakakainis! Ang sarap sugudin nung babaeng yun! Pero wag na. Nasuspend na pala yun kaninang umaga sabi ni Jungkook. Nakipagsabunutan raw dun sa isang 3rd year. Well, ang bilis nga naman ng karma. Buti nga sakanya!



"So kasalanan niyo palang dalawa. Pano ba yan, alam na ba to ni tita?" tanong ko.


Tumango sya, "Sinabi ko sakanila kahapon and they want me to apologize to Denise when she wakes up. At dun, saka palang nila ko mapapatawad." sabi nya habang hawak hawak sa kamay si Denise.



"Hay nako, Jungkook. Ayusin mo yan ah? O siya alis muna ko." sabi ko at tumayo. Lalabas muna ko. Nakakagutom narin.


----------


Jungkook's POV



I was a jerk. It was all my fault..



I wish I was the one who got into an accident... and not her.



I looked at her sleeping peacefully and squeezed her hand.




When will you wake up baby? I miss you so bad..




I promise when you wake up, I won't be a jerk anymore. I'll trust you just like how you trusted me. So please wake up soon..




I caressed her face, "Why do you still look pretty with those bruises? I'm really sorry for making you have those.." I said. I don't care if she'll hate me after this, but all I want is for her to wake up.





Sana mapatawad mo ko Denise...



------


Jimin's POV


Umalis muna sila hyung at V para bilhin ang mga kailangan nila sa sportsfest. Pero babalik rin agad sila.



Naglalakad ako pabalik sa room ni Denise ng makita ko sa cafeteria si Dee na nakain ng mag isa habang naiyak ng tahimik.



"Ba't ka naiyak?" tanong ko at umupo sa harap niya. Nagulat ko yata sya at pinunasan agad ang luha niya.




"Ha? Ahaha..Di ako naiyak. Ang anghang kase nung pagkain hehe." palusot pa niya. Lol kailan pa naging maanghang ang tinola? Hahaha! Di ko nalang pinansin yun baka mas lalo siyang mailang sakin.




"Ahm...Kamusta na pala si Denise?" pag open topic ko. See? Naiilang talaga sya sakin.



"Yun..di pa rin nagising eh." tipid niyang sagot. Alam naman na namin kung bakit naaksidente si Denise. Kasalanan pala ni maknae at nung Chloe. Kaya dahil dun, laging wala sa sarili si maknae pag nagppractice kami. Hanggang sa sinabi na niya kay PD nim ang dahilan. Buti nga mabait si PD nim at binigyan muna kami ng break hanggang di nagising si Denise.




Napansin kong tumigil sya sa pagkain at nakatungo lang.




"Kain ka na ulit. Nahihiya ka yata sakin eh hahaha. Sige balik na ko dun." paalam ko.




"Sandali lang!" pagtawag niya kaya nilingon ko sya.




"A-ahm.. Itatanong ko lang sana..p-pero may nililigawan ka na ba o natitipuhan? W-wag kang magkamali ng akala, may nagpapatanong lang." sabi nya at umiwas ng tingin.




Tinignan ko sya sa mata at nginitian, "Meron akong natitipuhan pero aside from that.. wala pa kong nililigawan." I said at tuluyang umalis.

How can I court her if she doesn't know my feelings yet? Baka mareject eh. #Torpeproblems


His Crazy Fangirl [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon