HCF 10

425 25 7
                                    



Someone's POV



Gabi na at nandito lang kami sa dorm nila hyung. Hayyst, ano kayang magawa?


Nagfacebook nalang ako at inistalk ang timeline ni Abcdee.


Akalain mo nga naman oh, famous rin pala siya. 400+ yung likes sa mga pictures at 200+ naman pag nagstatus lang.


Oo nga pala, di ko pa sya friend. Add ko kaya? Kaso baka di niya iaccept. Add ko ba??


Sige na ngaa.


Maya maya nagulat ako dahil bigla akong nakatanggap ng notif. Deeyosa Goh accepted your friend request.


Shet--Online siya?!


Deeyosa: Hi? Do I know you?


Tangna. Ba't ba ko kinakabahan?! Aish!


Terrence: Hello! I think you know me since you accepted my FR.


Deeyosa: Haha! I accepted your FR kasi crush ko yung nasa DP mo. ;)))


Ouch. Dahil lang sa dp ko? Pero teka, crush nya si Jimin?! Damn. Bakit kaya?


Terrence: Oh? Crush mo si Jimin ng BTS? Nice! Idol ko rin yun eh :))


Deeyosa: Omg! Talaga?! Parehas pala tayo eh! Alam mo ba, parehas kami ng school na pinapasukan ng BTS! Shhh ka lang ah? Hehe :))


Oo alam ko, Dee. Ang daldal rin pala nito? Akala ko si Denise lang yung maingay sakanila eh hahaha. Sobrang ingay kaya nun pagnaguusap silang dalawa ni Dee. Buti nga nakakayanan ni Kookie yun eh, ayaw kasi ni mak sa maingay haha! No offense Denise! XD

Terrence: Talaga?? Ang swerte mo kung ganon haha!


Deeyosa: Ikr. Eto pa mas grabe, classmate ko rin si Jimin! Pati si Taehyung at Jungkook. Nakausap ko na nga sila eh! Atsaka yung bestfriend ko, nililigawan ni Kookieee! Ang swerte diba? Kinikilig nga ko sa dalawang yun minsan eh.


Terrence: Nililigawan? Haha di ko akalaing ang landi pala talaga nung batang yun sa totoong buhay. Pero di ka ba naiinggit minsan sa kaibigan mo?

Deeyosa: Hindi naman masyado, pero syempre pinapangarap ko rin na maging kami ng bias ko. At saka, tutulungan naman ako ng bestfriend ko na mapalapit kay Jimin eh. :) Di pa rin naman ako nagmamadali lol haha!


Terrence: Ahh ganun ba, mabuti yun. Study first ka nalang muna haha! Darating rin ang time na yun sayo, baka hindi nga lang ngayon. :)


Deeyosa: Yup! Maghihintay nalang ako. Dun naman ako magaling eh HAHA dejoke. Hihintayin ko talaga si Jimin. O sige babye na! May gagawin pa me. Byiiieeee!


Terrence: Sige. Byeee ;)


Pagtapos ay naglog out na'ko. I'm sorry Dee, pero mukhang matatagalan pa bago matupad ang pinapangarap mo.



----



Abcdee's POV


I was scrolling through my newsfeed when I received a sudden friend request. Terrence Oppa sent you a friend request


Nakita ko yung DP nya and it was Jimin kaya inaccept ko agad. Then nagchat kami. I don't know why pero feeling ko magiging close kami agad. Maybe because we're both fans of Jimin.


Kinabukasan...


Kakapasok ko lang sa school at papunta ako ngayon sa locker ko. Kukunin ko lang yung pang umaga kong books at notebooks. Wala parin masyadong tao dito.


Nagulat ako dahil pagkabukas ko ng locker ay may chocolate at maliit na teddy bear doon. Huh? Ba't may ganto dito?


Kinuha ko muna ang mga libro ko ng biglang may dumating, diko na nilingon kung sino.


"Oh, may admirer ka pala ah." Biglang sabi nung dumating kaya nilingon ko iyon. At shet lang dahil si Jimin pala yon. At nakita niya pa yung teddy bear at chocolate, nooooo baka magselos siya! Dejoke parang may pake naman siya. :((


Ngumiti ako, "Ah eto ba, haha. Di ko rin alam kung sino naglagay niyan dyan eh." sabi ko. Tumango naman siya. Naalala ko tuloy yung kahapon. Yung may kasama siyang babae.


"A-ano..Jimin...." tawag ko sakanya. Lumingon siya, "N-nakita kase kita kahapon sa likod ng school n-na may kasamang b-babae. Ano, tatanungin ko lang sana k-kung kaano ano mo yun? H-haha.."

Sinara niya ang locker niya bago sumagot, "Wala yun. Kaibigan ko lang. Sige una na'ko." sabi niya lang at agad lumabas ng locker room.


Mapait akong ngumiti, kaibigan? Kaibigan nga lang ba yun Jimin? Gusto kong maniwala sa sinabi nya pero bakit pakiramdam ko nagsisinungaling siya?

At bakit ba ganito ako umasta?! Oo nga pala, fan lang naman ako. Di hamak na fan lang para sakanya.


His Crazy Fangirl [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon