Abcdee's POV
"Ms. Kim! Are you spazzing out again?! Now this time go out of my class!" Sermon ni Ma'am kay Denise. Hay nako. What's with her nga ba? Last week pa siyang ganyan eh. Simula nung kinuwento ko sakanya yung nangyari dun sa fansigning ng bangtan.
Pinanood ko lang syang tumayo at lumabas ng classroom ng nakatungo. Nagtama pa ang mata namin bago sya lumabas at kitang kita doon ang malalalim at maiitim na eyebags nya. Seryoso, she's a disaster.
I sighed.
"Okay class please answer pages 205-206 in your book. You have 20 minutes."
Sinagutan ko na ang mga yun at nang matapos ako ay wala akong magawa kaya napatingin ako kila Jimin, V at Jungkook na mukhang tapos narin dahil naguusap usap sila. Ang cute talaga ni Jiminieee! That eyesmile tho *u*
Hayy. Buti pa si Denise napapansin ni Jungkook. Samantalang ako hindi mapansin ni Jimin. Pano ko nalaman? Kasi lagi kong nakikita si Jungkook na sumusulyap ng tingin kay bes. May time pa nga dati na bigla siyang napangiti nung bumahing si Denise ng malakas at nung time na napuwing siya. Weird diba? He's not usually like that.
I know Jungkook well. He's my childhood friend actually. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay niyan dati dahil kilalang kilala namin ang isat isa at parati rin kaming magkasama. Pero syempre nung nacast sya at naging idol, naging super busy sya kaya we both lost our communication.
Hindi ko pa sinasabi iyan kay Denise. Hindi dahil ayoko, actually gustong gusto ko na ngang sabihin eh. Kaso................... he told me not to. He also told me to act like we don't know each other. Na parang isang fangirl lang rin ako na pinapangarap na mapansin nila. Which is true dahil pinapangarap ko naman talagang mapansin ako ni Jimin.
Di ko rin nga alam kung bakit ayaw niyang sabihin ko yun kay Denise pero sinunod ko parin siya. Alam ko kasing may magandang rason siya kung bakit.
Plus, I know that he likes bes. Alam ko dahil nararamdaman ko iyon at nakikita ko. Sabi ko nga diba, kilalang kilala ko si Jungkook kaya kabisado ko na ang mga kilos niya. At base sa mga acts niya pagdating kay Denise, alam ko na may gusto siya sakanya.
"Okay class, exchange your books with your seatmates. We'll be checking your answers." Biglang sabi ni ma'am.
Maya maya ay nagbell na kaya agad kong pinuntahan si Denise sa labas. Pero hindi ko siya mahagilap. Where art thou Denise? XD
Pumunta na ako ng library, restroom, clinic, cafeteria pero hindi ko siya mahanap. Asan na kaya yun??
Baka nasa garden?
Naglakad ako papuntang garden. And there I found
nothing.
LECHE ASAN NA BA YUN!?
Naglakad ulit ako pabalik ng cafeteria at nagulat ako ng bigla akong tawagin ng isang natakbong pandak na singkit na lalaki. Jimin! Gash!
"DEE!!"
"B-Bakit?"
"Na-nakita mo-mo ba s-i Jungkook?? Tanong nya ng hinihingal. Ang hot bat ganun huehue :3
Pero wait, hinahanap niya sakin si Jungkook?
"Huh? Hindi eh. Bakit? Hinahanap nyo rin sya?"
"Oo eh. May hinahanap ka rin ba?"
"Oo, si Denise kasi kanina ko pa hinahanap di ko naman makita."
"Luh? eh asan yung dalawang yun??"
Teka. Parehas silang nawawala?
Di kaya magkasama silang dalawa!?

BINABASA MO ANG
His Crazy Fangirl [Short story]
Short Story《Short Story #1》"HOY JUNGKOOK ILONG! I LOVE YOU BERIMATS TO DA MOON AND BACK!" - Denise Kim