HCF 9

454 22 3
                                    



Denise's POV



Pagkadating namin sa school ay kumain agad kami ng almusal sa cafeteria.



"May dumi ka." sabi niya at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya. At pinahid iyon sa labi niya.



Indirect Kiss ba yun? Ay hinde? Eh basta! Naman e. T^T



"Ah h-hehehe. Sorry!" Sabi ko at pinunasan ulit ng tissue ang bibig ko. Yan kasi, ang takaw mo Denise! Mamaya maturn off siya sakin huhu T^T.



Nginitian niya lang ako tapos tinapos nalang namin ang pagkain. Magsstart na rin kase ang class.



Pagkapasok namin ng classroom ay bigla akong hinila ni Dee palayo kay Jungkook.



"Aray ko be. Ba't ka ba bigla biglang nanghihila dyan?" sabi ko.



"Oi kayo ah, mag ano na ba kayong dalawa? Kayo na noh? Yieeeee!!" mahinang tili nya. Kinurot ko naman sya sa tagiliran.



"Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi kami noh! Kaw talaga!" sabi ko sakanya.



Mukha siyang nadismaya, "Eh? Hindi kayo? Eh ba't ang sweet niya sayo? Todo effort nga araw araw eh. Wait, nililigawan ka ba niya?" tanong niya at tumango ako.



Agad niya akong pinalo sa pwet.



"Aray ko! Ang lakas nun ah!" reklamo ko at hinimas ang parteng pinalo niya. Huhu T^T



"Seryoso? Waaaah! I'm so happy for you bes! Lumelevel up ka na! Buti ka pa, ako waley pa rin hmph!" sabi niya. Oo nga pala, masyado akong focus samin ni Jungkook. Hindi ko na tuloy siya natutulungan mapalapit kay Jimin.



"Wag kang mag alala Dee! Tutulungan kita, mapapansin ka rin nun! Ibubuka ko ang mga singkit niyang mata." nakangiti kong sabi sakanya.



Dumating na rin si ma'am kaya nagsimula na ang klase.




---



"Denise, come with me." Nagaayos ako ng gamit nang bigla akong tawagin ni Jungkook.



Lumapit ako, "bakit?" sabi ko.




"Can you give me your bestfriend's number?" tanong niya. Nagtaka naman ako, "Huh? Si Dee? Ba't naman?"




Bumuntong hininga siya at napairap, "Ang torpe kasi ni hyung e." sabi niya. Eh? Sinong hyung??



Tatanungin ko na sana kaso biglang dumaan si Dee na nakabusangot ang mukha. Anyare dun?!



"Text ko nalang sayo." bulong ko kay Jungkook at hinabol si Dee.



"Best!" Tawag ko kaya napatigil siya sa paglalakad. Bigla niya akong niyakap, "Huhuhu Deniiise!" ngawa niya.



"Oi, anyare ba?" sabi ko. "....si Jimin eh." nakapout niyang sagot. Napataas ang isa kong kilay, "Anong meron?"



"Nakita ko siyang may kasamang babae sa likod ng school! Huhuhu." Ngawa niya ulit. Kumunot ang noo ko, "Ha? Baka naman kaibigan niya lang yun. Wag ka ngang nega dyan bes! Porke't may kasama eh ngangawa ka na dyan!" sabi ko naman sakanya.



Nga pala nakapunta na kami sa rooftop ng school haha!



"Eeeh! Hindi yun bes eh! Nginitian niya yung babae tapos ginulo pa yung buhok niya." dagdag niya.


"What?! Aba lintek na unano yun ah--- Aray joke lang eh!" Bigla akong pinalo eh. 'To talaga, siya na nga pinapatawa eh. T^T



"Deniiise naman eh, nakakatulong ka promise!" sabi niya at pumadyak padyak. May pagkachildish talaga to pagdating kay Jimin.



"Sorry na pinapagaan ko lang loob mo e. Pero seryoso, tanda mo ba yung itsura nung babae?" tanong ko. Kakalbuhin ko yun! Pinaiyak niya bespren ko! Dejoke. Haha, iinterbyuhin ko lang. XD



Tumango siya. " Second year sya.", "Oh yun naman pala eh, madali lang natin mahahanap yan!" sabi ko.



"Mamayang uwian, hanapin natin. Magtatanong lang tayo kung kaano ano niya si Jimin. Okay? Wag ka na sad ha? Hehe." sabi ko at nagsmile siya. Oh diba? Ang bait ko lul.



Pagtapos nun ay bumalik na kami sa classroom. Habang naglalakad ay nakareceive ako ng text, from Jungkook.



From: Jungkook

Where are you? And where is your bestfriend's number? I thought you're going to text me.


Ay shet nakalimutan ko! Sarreh bb.


To: Jungkook

Sorry nakalimutan ko haha. ^_^V Anw, eto +639xxxxxxxxx. Pabalik na kami sa classroom.


Sent.


From: Jungkook

Thanks. Anw, san ka ba galing? at sinong kasama mo?


Ang kulit talaga nito. Pabalik na nga kami eh tatanong pa kung san ako galing. Hahaha!


To: Jungkook

Kasama ko si Dee galing kaming rooftop. Sige na po pabalik na nga kami.



Sent. At nagreply agad sya. Takte ang bilis! Myghad.


From: Jungkook

Okay. I just thought you're with someone else. Don't you even dare to do that. You're mine. ♡



"Sheeet!" Bigla akong napatili. "Huy, anyare sayo?! Para kang kite kiteng kinikilig dyan!" sabi ni Dee.



"Eh kasi si Jungkook e. Hayyst." sagot ko at pinakita sakanya yung text. Napailing nalang si Dee habang nakangiti. "Kayo na talaga! Hahaha!"



Takte bakit feeling ko nakasmirk sya ngayon? Naman Jeon e. Why are you like that ba?! You make my heart go dung dung diggy dung dung!! >////<



I replied.


To: Jungkook

Opo boss. :))))


Then he replied, 'Good.'


----



Someone's POV


"Kook, pwede favor? Pleeeeeaaase??" tanong ko kay maknae.



Napataas ang kilay niya, "Ano yun hyung?"



"Pwedeng pakitanong kay Denise yung number ni Dee? Tapos bigay mo sakin. Jebaaaaaaall?" nakapuppy eyes kong tanong. Pumayag ka please! Bibili kita ng timberlands! Dejoke. Ang mahal kaya nun!



Kumunot noo siya, "Ha? Bakit naman hyung? Type mo noh?" tanong niya ulit. Ano ba naman to. Sasagot lang kung payag o hindi eh. T^T



"Secret. Ano payag ka na?" tanong ko ulit.



"Sagutin mo muna tanong ko hyung, type mo yun noh? Ikaw hyung ah! Torpe mo!" sabi niya at mahinang sinuntok ako sa braso.



"Aba! Mas okay nang torpe kaysa naman katulad mo, kay bata bata mo pa eh lumalandi ka na agad!" sabi ko na kinapokerface niya.



"Bahala ka nga hyung." Sabi niya at akmang aalis na ng pigilan ko siya. "Joke lang! To naman eh! Masyado kang seryoso hahaha!" sabi ko.



"Tss. Sige na payag na'ko. May kapalit to hyung ah! Hehe." Sabi niya at umalis. Tignan mo yung batang yun. Parang di maknae umasta e! =___=


Atsaka, Torpe? Ako?


Oo na. Ako na torpe. Eh anong magagawa ko, di naman ako katulad ni Kookie na malakas ang loob sa mga ganto. Aish! Bahala na nga! Basta kailangan ko ng number niya.

His Crazy Fangirl [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon