LAST CHAPTER before the epilogue.
I changed the portrayer of Qwerty again. Balik tayo sa JungRi (Jungkook x Yeri) dahil ang dami kong nakikitang jungri pics sa twt at insta. At hindi ko maiwasang iship sila lalo. Bagay talaga sila! Pero mas bagay kami ni Kookie! Hahaha. XD
Anyways, Happy Reading! :) xoxo
--------
Qwerty's POV
Ngayon raw ang araw ng paglabas ko sa ospital at pwede na kong makauwi ayon sa doctor.
Nagbabasa ako ng libro nang may umakbay sakin. Pagtingin ko ay si Jungkook pala.
Nakatingin sya sakin na para bang matutunaw ako sa mga titig niya.
"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sakanya.
Umiling sya at pinisil ang pisnge ko, "Wala..I'm just happy." sabi nya.
"...I thought you'll hate me when you wake up. I don't want that to happen, I don't want you to hate me." dagdag niya.
Ngumiti ako at humalukipkip, "A-ano..Jungkook, m-may gusto sana akong sabihin sayo.."asik ko. Alam kong magugulat siya, pero ilang oras ko ring pinagisipan ang bagay na'to.
Tumaas ang kilay niya at naghintay ng sasabihin ko. Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya na kinabigla niya.
"Gusto ko sanang tumigil ka muna sa panliligaw mo sakin Jungkook.."
"...Hindi ibig sabihin nun ay ayoko na sayo. Ang sakin lang, gusto ko sanang makaalala munang muli. Di kasi tamang ipagpatuloy mo ang pangliligaw mo sakin kung hindi ko naman talaga alam ang nangyari noon. Feeling ko, nagpapanggap ako kahit na ang totoo naman talaga ay hindi ko alam ang nararamdaman ko para sa'yo. G-gusto ko sanang hayaan mo munang kusang bumalik ang nararamdaman ko sayo. Isa itong pabor kaya sana pumayag ka.." mahaba kong litanya ng nakayuko.
Hinintay ko ang sagot niya pero isang yakap ang naramdaman ko. Tinignan ko sya.
"You're right Denise..I'll stop courting you for now, but that doesn't mean na hindi na kita babantayan at aalagaan. Nothing will change. My actions won't change, just the fact na hindi na muna kita nililigawan. I'll help you to remember everything. And when that time comes, I'll marry you immediately."
Nanlaki ang mata ko, "Kasal agad?! Seryoso? Ganun mo ba ko kamahal? Eh parang mas baliw na baliw ka pa sakin ah?" komento ko.
Ngumisi sya, "I don't know too..You made me like this. You made me fall for you so bad." sabi niya at umiling iling pa.
Natawa nalang ako. Pagtapos nun ay umuwi na kami sa bahay.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Jungkook sa bahay papuntang school. Sabi nya magkaklase naman raw kami kaya pwede ko siyang pagtanungan ng mga namissed kong lessons.
"Jungkook, pano tayo nagkakilala?" Tanong ko habang nagddrive sya kaya napatingin sya sakin at muling binalik sa daan ang tingin.
"Are you sure you want to know? You might hate yourself." Nakangisi nyang sabi.
"Hala? Ibig sabihin ba nun ayaw mo sakin dati?" Gulat kong tanong. Kung ganun eh pano pala niya ko nagustuhan kung ayaw niya pala sakin?
"Yes I hate you before.. We met when you first attended our fansigning event. Nang makarating ka sakin ay bigla ka nalang nagtitili sa harap ko like you were possessed by some crazy soul which embarrassed me. You said that you love me and so many other things, I thought that you're from a mental hospital actually. Since that time, I hated you. You're the very first girl I've seen to act like that infront of me you know."
Wala akong masabi sa sarili ko. Laglag panga ko sa sinabi nya. "Nakakahiya naman! Ginawa ko talaga yun?!" Saad ko. Tinampal ko ang sarili ko. Di ko pa yata alam ang salitang 'hiya' nung time na yun.
Tumango siya at tumawa, "I'll never forget that though. Because that's the first time we met."
After 6 months..
Anim na buwan na ang lumipas at masasabi kong marami na rin ang nangyari.
Tulad nalang ng paunti unti ko nang naaalala ang mga nangyari noon. Tinigil na rin ni Jungkook ang panliligaw niya sakin pero tinupad nya ang mga sinabi nya. Tinulungan niya kong makaalala. Hindi sya nawalan ng oras sakin at lagi akong binabantayan. At sa mga oras na yun, hindi namin maiwasang mag away o magkasagutan. Sa sobrang pagbabantay niya kase sakin ay halos masakal na ko. Bawal akong gumanto o gumanyan! Tapos nagseselos rin sya paminsan na siyang kinatutuwa ko. Ang cute cute niya kasing magselos. Indenial pa ang ilong haha!
Pero sa lahat ng yun, agad naman kaming nagbabati. Away-bati nga araw araw eh. Pero okay na yun kaysa naman sa hindi na kami magpansinan noh.
Ngayong buwan ko nalang ulit sya pinagpatuloy sa panliligaw nya sakin. Ang kulit kulit nya kase araw araw tinatanong kung kailan raw sya pwedeng manligaw ulit. Tinanong ko nga kung bakit ba sya paulit ulit. Di ko naman naiwasang kiligin sa sinagot nya.
"I want to court you again Denise. Please let me this time. Ang dami nang nagcoconfess sayo and I'm fucking jealous of them. I want to own you now so they'll back off and know that you're just mine."
Yan ang sinagot niya. Sweet noh? Hihi. Kaya pumayag na ko. Iiyak na kasi sya nung sinabi nya yun hahaha!
At ang isa pa palang nangyari, Si Dee at Jimin ay mag on na. Naalala ko pa nun, lagi silang wala sa klase at di namin mahagilap tuwing lunch. Nagkakasabay pa silang umabsent. Akala ko nga coincidence lang pero hindi pala. Nahuli kasi namin ni Jungkook sila sa mall na natingin sa Blue Magic ng nakaholding hands. At yun, nabuking namin sila.
Masyadong mabilis ang lovestory nila pero hindi naman yun sa tagal nasusukat eh. Nasusukat yun kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Oha!
[A/N: Sorry kung di ko na makukwento ang love story ni Dee at Jimin. Basta nagkatuluyan sila wahahaha! Nakafocus kasi to kay Qwerty at Jungkook. Mian!]
"Uy kompleto ka na sa clearance mo?" tanong sakin ni Dee na kakadating lang kasama si Jimin. Hatid sundo na rin sya nito.
"Math nalang ang kulang ko. Ikaw ba? Sabay nalang tayo magpapirma kay Ma'am. Ang hirap kasing sumingit at ang haba ng pila." saad ko. Ganito kasi talaga pag signing of clearance na. Tatlo pa naman ang sections namin kaya mahaba ang pila pag nagpapapirma.
"Sige! Math nalang rin ang kulang ko eh." sabi nya.
Sa susunod na linggo na kasi ang Graduation day namin. At dahil isang tradition na sa school namin ang may singing portion sa bawat events ay ako ang binoto ng mga classmates ko. Hindi raw kasi ako nakakanta nung last day ng sportsfest dahil nasa ospital ako nun.
Pumayag na rin ako dahil gusto ko rin naman. Dahil sa araw na yun, para kay Jungkook ang kakantahin ko at balak ko na siyang sagutin.
------------
NEXT NA ANG EPILOGUE!!
Sorry talaga kung pinabilis ko na ang kwento. Ganto kasi talaga ang binalak kong mangyari nung una palang hehe. Short story lang rin naman ito. Kaya sorry ulit!
- @jnklsn ☺
BINABASA MO ANG
His Crazy Fangirl [Short story]
Short Story《Short Story #1》"HOY JUNGKOOK ILONG! I LOVE YOU BERIMATS TO DA MOON AND BACK!" - Denise Kim