Denise's POV
"As I was saying, papalapit na ang Sportsfest at magaganap na yun at the end of the month. 4th year was assigned sa mga booths.
8 booths lang ang kailangan natin so I will divide you into four groups to suggest 2 booths each. Kayo rin ang magaayos at magbabantay ng mga booths nyo so better organize and be responsible, okay? Pataasan to ng maiipong tickets at ang pinakamataas ay makakakuha ng +5 sa lahat ng major subjects." pagexplain ni ma'am. Plus 5 sa lahat ng major subjects?! Kailangan ko yun! Puro line of 8 at 7 ako sa mga yun eh!
Sana magkagroup kami ni Jungkook pati ni Dee!
Random lang ang gagawin ni ma'am kaya siya lang ang bubunot.
"Group 1: Patrick, Nathaniel, Bryan, Abigail, Maye at Crisha. Si Abigail ang leader nyo."
Luh?! Nagsama sama yung matatalino! Andayaaaa.
"Group 2: Lance, Matthew, Joana, Isabella, Taehyung at Elijah. Taehyung is your leader."
Aba nagsama sama ang madadaldal!
Shet naman, sana talaga magkagrupo kami nila Dee!
"Group 3: Liam, Jimin, Chloe, Hannah, Owen at Jungkook. Owen is your leader."
Takte! Huhu hindi kami magkagrupo! Kagrupo pa niya yung malandi kong kaklase na si Chloe! Pa'no ko nasabing malandi? Lahat kaya ng gwapo sa school naging jowa na niya tapos makikipagbreak pag may nahanap ulit na iba.
"Group 4: Luke, Abcdee, Ethan, Qwerty, Claire at Jayden. Leader nyo si Ethan"
Buti naman magkagroup kami ni Abcdee. Ayos na'rin yun haha. Tsaka magagaling magdrawing yung kagrupo ko plus andun rin ang presidente naming si Ethan.
"Tomorrow is the start of the preparations for the sportsfest so walang klase for the whole day. Sa covered court ang workplace natin so go straight there tomorrow morning....That's all, you can have your lunch now." sabi ni ma'am kaya nagsilabasan na kami.
Lumapit ako kay Dee, "Yes magkagrupo tayo! Kaso nga lang nahiwalay naman ang asawa natin! Hayyst." sabi niya.
"Kaya nga e. Pero ayos rin naman kasi atleast magkasama sila ni Jimin." sabi ko.
Pinuntahan ko si Jungkook na nakatingin pala sakin, "Hindi tayo magkagroup! Sayangg." nakanguso kong sabi.
"I know and it sucks. But dont worry, I'll keep an eye on you." sabi niya at pinisil ang pisnge ko. Napangiti naman ako dun. Pumunta na kaming lima sa cafeteria para kumain. (Kasama si Dee, Jimin at V)
Nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit walang nangbabash o nangaaway samin ni Dee yun ay dahil tinakot lang naman sila ng tatlong to. Sinabihan ba naman na ipapasuspend agad sila pag nalamang may nanakit samin. O diba? Parang sila yung principal ng school eh wahaha!
Nakain kami ng biglang magkwento sakin si Dee, "Uy alam mo ba, may nakachat akong fanboy kahapon.." bulong niya kaya napatingin ako sakanya.
"Fanboy? Nino?" tanong ko. "Niya." sabi nya at agad ko namang nagets iyon. "Oh anong nangyari?" tanong ko muli.
"Ewan ko ba, basta nung nagchat kami ang saya lang tsaka parang magiging close kami agad kasi parehas kaming fan niya. Basta di ko maexplain eh!" sabi pa niya.
"Talaga? Nice naman! Anong name?" sabi ko.
"Ah... Terrence." sabi niya. Bigla namang nasamid si Jimin sa iniinom niya at nabilaukan si V sa kinakain niya. What the heck hahaha!
"Ehem/Ehem!" sabi nilang dalawa kung kaya nagkatinginan sila. "Ginagaya mo ko ah!" Parehas nilang sabi sa isa't isa na ikinatawa namin.
"Hahahaha!" kaming lahat.
Vmin na dis. Lul
PeroJikook parin ako! Mehehe. Dejoke lang sakin lang raw si Kookie XD
Bigla namang may kumulbit sakin kaya napalingon ako. Si Mr. President pala.
"Bakit?" nakangiti kong tanong. Di ko pa pala nasasabi sainyo, pero naging crush ko si Ethan nung first year ako. Nung mga panahon na si Dee palang ang maalam sa kpop. Ang gwapo niya kasi eh tsaka matalino rin at mabait. Ideal guy ika nga.
"Uhm..a-ah ano wag na pala. Tetext ko nalang sayo sige!" sabi niya at agad umalis. Luh? Anyare dun? Natae bigla? Lul dejoke haha!
Humarap ako kay Jungkook na nakataas ang isang kilay. "That guy has your phone number?" tanong niya at tumango ako.
"Bakit mo natanong?" sabi ko. "Give me your phone." maawtoridad na sabi niya kaya binigay ko nalang agad kahit nagtataka ako kung bakit.
Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang sim ng iphone ko at ng iphone niya tapos ay pinagpalit iyon. Nagulat rin sila Dee sa ginawa niya. Bale nasa akin ang sim niya at nasa kanya ang sim ko.
"Anong ginagawa mo Kook?" tanong nila Jimin at V.
"Uy, bakit mo pinagpalit ang sim natin? Hala baka magtext si mama sakin." tanong ko rin.
"It's okay. I'll say that we will trade sims until tomorrow morning. I just can't afford other guys texting you without me knowing." Saglit pa kong napaisip sa sinabi niya, ba't kasi english eh putcha naman!
Naalala ko naman yung sinabi ni Ethan kanina. Yun ba ibig sabihin niya?
"Eh? Sino naman? Si Ethan? Hahaha! Wag kang magalala, baka about sa preparations para sa sportsfest lang sabihin nun. Balik mo na sim ko please?" sabi kong nakanguso. Baka kasi may biglang magtext dun sa sim ko like group message or kung ano eh. Nakakahiya pag nabasa niya yun! :(
Nadismaya ako ng umiling siya, "No. Why? Are you hidding something from me?" tanong niya at agad akong umiling.
"Then what's your problem with this? I won't read your other messages so don't worry. Sa lalaki lang na yun." sabi niya pero di ko narinig yung huli niyang sinabi. Ngumiti nalang ako. Okay lang, basta wag niyang babasahin yung mga gm dun! Nakakahiya eh puro whogoat pa naman yung mga narereceive ko minsan. lul
BINABASA MO ANG
His Crazy Fangirl [Short story]
Short Story《Short Story #1》"HOY JUNGKOOK ILONG! I LOVE YOU BERIMATS TO DA MOON AND BACK!" - Denise Kim