HCF 13

423 18 30
                                    

A/N:

Hindi ko na pala babaguhin ang title. XD

Malapit na'rin kasing matapos ito. Balak ko kase hanggang 15 - 20 chapters lang dahil baguhan palang ako kaya di ko kakayanin ang mas mahaba pa dun.

Atsaka kung magbbook 2 naman ako, panibagong plot na kaya di ko sya maidadagdag sa story na to. Pero BAKA lang naman.

Yun lang hihi!

----



Denise's POV



Nakakainis. Pagkabalik kasi namin sa court ay pinaghiwalay hiwalay na kami ni ma'am. Ang group 1 ay nasa field at ang group 2 ay nasa isang vacant room. Ang group naman nila Jungkook ay na natili sa court at ang group namin ay nandito sa may stage. Masyado raw kasing maingay pag sama sama kami at di raw kami makakapaggawa ng maayos.



"Paabot nga ako ng blue na sharpie, Denise." sabi sakin ni Claire na naglelettering ngayon. Maganda kasi siyang magsulat eh.



Inabot ko naman iyon at nagpatuloy sa paggupit ng construction paper. Masasabing busy kaming lahat ngayon at may kanya kanyang ginagawa. Hapon narin naman at malapit ng maguwian.



"Pagtapos na kayo sa ginagawa niyo ay itabi na muna natin yon at ipatago kay ma'am. Baka kasi malukot lang pag nilagay natin sa locker or iuwi sa bahay." nagsitangoan kami sa sinabi ni Ethan.



Maya maya'y nagbell na rin kaya nagligpit na kami ng kalat.



"Kami nalang ni Denise ang magbibigay nito kay ma'am. Mauna na kayo guys!" sabi ni Ethan. Sinenyasan naman ako ni Dee na mauuna narin raw sya dahil may pupuntahan pa nga pala sila ng family niya.



Bakit ako pa? Baka naghihintay na sakin sa baba si Jungkook eh. =,=



Di nalang ako tumanggi pa dahil nakakahiya naman diba.



Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla siyang nagtanong, "Denise, may boyfriend ka na ba?"



Napatingin ako sa kanya na diretso lang sa paglakad.



"Ha? A-ah e...wala pa. Bakit?"



Nakita ko naman ang pagngiti nya. "Wala lang pero....nililigawan ka ni Jungkook right?" Tumango ako.



"Kung ganon, sasagutin mo ba siya?"



Napahinto akong saglit sa sinabi niya. Ano bang gusto niyang sabihin sakin? Ba't kailangan niya pang itanong ang bagay na iyon.



"Oo naman. Mahal ko siya eh." sabi ko at naunang maglakad. Naghahanap pa ko ng tyempo. Maghintay ka lang Jungkook ah?



"Eh kung.... manliligaw rin ako sayo, papayag ka ba?" Napalingon ako sakanya. Nagbibiro ba siya?



Napakamot siya ng batok at humabol sakin. "Gusto kasi kita Denise.."



Halos walang lumabas na salita sa bibig ko. Hindi ko alam ang dapat kong isagot. Gusto kong magpakatotoo at humindi pero baka masaktan siya.



Naglakad nalang ako ulit at di sumagot. Ayokong sumagot.



Binigay na namin kay ma'am ang nagawa namin. "Una na'ko." tipid kong sabi sakanya at tumakbo papuntang parking lot.



Shet baka naghihintay na sya sakin dun! Binilisan ko pa lalo ang takbo ko.



Pero nakita ko syang nakasandal lang sa kotse nya na may kasamang babae. Si Chloe. Ba't sila magkasama?



His Crazy Fangirl [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon