Amethyst's POV
"Ayan na siya!" Napatingin ako sa paparating na lalaki.
Nagtatago pa rin kami ni Miri sa likod ng mga locker.
"Sino diyan?" Medyo maraming estudyanteng kasabay niyang naglalakad.
Hindi ko pa rin naaninagan ang mukha niya.
Pero...
Malapit na. . .
Ayan na. . .
At. . .
(@o@)
"Yan ba talaga yun?" Gulat din si Miri nang makita yung lalaki.
Isang lalaking nauuna ang ngipin sa harapan, nakasalamin, may braces, sinapo ang lahat ng tigyawat sa mundo at mukhang susunod sa libing este yapak ni Einstein.
"Ah hindi! Hindi! Hindi siya yun!" Pagwagayway niya pa sa kamay niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko naman yan yung dahilan ng ikakasawi ni Miri.
Ilang minuto na naman ang lumipas. Nakasalampak na ako sa sahig. Kailangan kasing nandito pa rin ako dahil sa dulo ng sulat nakalagay.
'Sa harap mo ang taong nagmamahal sa'yo'-Amethyst Tuazon tapos syempre pagkatalikod niya nasa harap niya na ako. Ang drama di ba?
Pero mukhang di na mangyayari yun dahil ubos na ubos na ang pasensya ko."Aargh!" Napatayo ako sa kinauupuan kong sahig.
"Ayoko na! Bahala ka diyan Miriko!" Kumuha ako ng stick at ginamit yun para sungkitin ang sulat. Babawiin ko na, kung mababawi ko man.
Nakakainip at nakakainis ang ginagawa namin!
"Amethyst, konting tiis na lang. Teka lang! Amethyst! Wag mo ng kunin ulit!" Binabawalan at pinipigilan ako ni Miri pero tinatabig ko lang ang kamay niya.
"Ayoko na!" Pinipigilan pa rin ako ni Miri.
"Amethyst, tuloy mo na. Ame--" Napatigil si Miri. Napatingin ako sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niya na parang nakakita ng multo.
Napatigil din tuloy ako.
"O ano? Naisip mo na ring mali to?" Nagawa niya pang mag-pout na parang bibe dahil mukhang may gusto siyang ituro sa likuran ko.
"Tignan mo to parang ewan. Hoy Miri--" May tumabig sa akin kaya napatingin ako.
Ang yabang kasi!
Hindi naman ako invisible at mas lalong di ako manhid.
Sakit nun!
"Hoy pwede ba--" Napatameme ako at napaawang ang bibig.
No way!
Sana hindi siya!
"Amethyst. Ayan na siya." Bulong pa ni Miri.
Shock lang ako. (@_@)
Binubuksan niya na ang locker niya. Hawak ko lang ang stick at nakatayo na parang istatwa habang siya walang pake at may kinakalkal pa rin sa locker niya hanggang sa makita niya na ang letter on a yellow paper. Kinuha niya iyon at doon lang bumalik ang ulirat ko.
"Ah! Amin na yan!" Hihilahin ko na sana mula sa kanya ang papel pero nilayo niya sa akin pataas at tinitigan ako. Nanliit pa yung mga mata niya at pinipilit niyang tandaan kung saan ako nakita.
Napasmirk siya nung maalala niya na ako. Napalunok naman ako ng kanina pang ipon na ipong laway.
Bakit siya pa?
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...