Amethyst's POV
"Nagpadala ka ba ng bulaklak kahapon sa Rain Cortez na yun?" Lunch break namin ngayon at kinokompronta ko si Miriko ngayon.
"A oo e. Di ba ganun naman kapag nanliligaw?" Napahawak ako sa noo ko at napapikit. Nagtiim ang panga ko.
Kasakit sa ulo ng mga alam ni Miri.
"Lalaki siya ok?" Pagpapaintindi ko kay Miri.
"Oo nga pero nililigawan mo siya kaya dapat lang na bigyan mo siya ng mga bagay na binibigay ng isang manliligaw. Naappreciate din naman siguro ng mga lalaki yun." Paliwanag niya habang pinapasayaw yung kubyertos sa hangin.
Naman Miriko Salcedo!
"Siguro ng ibang lalaki pero hindi si Cortez. Bouquet ba ang binigay mo?" Tumango siya.
Natuwa pa sana ako kung pampatay yung binigay niya e.
"Third day na natin ngayon. Siguro naman it's the time na maging close kayo kaya naman kinuha ko yung number niya." Inilapag ni Miri ang isang kapirasong papel na may labingisang numero.
"Aish! Saan mo naman ito nakuha?" Magaling Miriko!
Magaling ka talaga sa pagsira ng buhay ko.
"Nangalkal ako sa office of the student president. Nakita ko doon ang isang form kung saan pinapafill-up-an tayo ng name, contact number at signature." Napanganga lang ako sa sinabi ni Miri.
"Grabe ka talaga Miri!" Napahilamos ako ng mga palad.
"Amin na yung phone mo." Kinuha niya yung phone ko na nasa table lang din naman.
"Kung gusto mo, ikaw na lang makipagtext sa kanya. Baka kasi makahanap pa ako ng kaaway tutal naman magaling ka diyan." Suhestiyon ko.
"O sige." Pagpayag niya naman.
Nagsimula na siyang mag-type sa phone ko. May bigla namang umupo sa bakanteng upuan sa table namin ni Miri.
"O Alice. B-bakit?" Nauutal ko pang tanong.
"Gusto lang sana kita maka-usap." Ang cold niya magsalita.
Sobrang dalang ko lang makakausap si Alice kaya naman isa itong pribileheyo na makausap ang isang babaeng pinakatahamik sa university.
"Ah sige ba. Tungkol saan ba?" Napatingin ako kay Miri na abala pa ring nag-te-text.
"Dito." Pinakita niya yung yellow paper na lukut-lukot.
Nagulat ako kaya naman mabilis ko iyong kinuha sa kaniya.
"Saan mo nakita ito?" Tumingin-tingin ako sa paligid baka may makakita pang iba.
"Sa locker room." Dati bang basurera si Alice o dating janitor?
"Aish. Ganun ba? Walang bang iba nakakita nito bukod sa'yo?" Tanong ko na naman.
"Ewan ko baka yung naglamukos niyan, nakita niya rin." E ako din yun e.
"Bakit ka ba namumulot ng kung anu-ano? Baka ikapahamak mo pa yan e." Pagbibilin ko kay Alice habang tinutupi ang love letter kunware.
"Nagsusulat ako sa newspaper ng university. Nabasa ko yung sinulat mo at naisip kong pwede kang sumali sa newspaper team. Pwede ka sa short stories or poetry. Mag-train ka lang ng konti." Matutuwa na sana ako nang maalala kong hindi nga pala ako ang nagsulat ng kabuuan nun.
"E. . . . Hindi naman ako ang nagsulat nun. Si Xavier ang tanungin mo niyan." Sabi ko. Tinignan niya naman ako ng may pagtataka.
"Oo na. E hindi naman ako marunong magpaka-romantiko para lang sa love letter na iyon. Ewan ko ba kung bakit parang may pinaghuhugutan yung lalaking iyon." Sabi ko at ngumuso.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...