Amethyst's POV
Hindi na kami magkahawak kamay ngayon ni Cortez. Tahimik lang kami habang naglalakad. Malalim ang iniisip niya at ganun din ako.
Iniisip ko kasi kung ano ngayon ang iniisip ni Raven at iniisip ko rin kung sino ba talaga yung babaeng yun sa buhay ni Cortez.
Siguro nga normal kay Cortez yung di mag-salita pero yung di-normal ay yung pag-iiba-iba nung expression ng mukha niya.
Ang weird kaya!
Minsan naka-ngiti, tapos poker tapos sisimangot then kukunot ang noo.
Ang labo! Nababaliw na yata ito e.
Nakarating na kami sa condo niya. Magpapaalam pa ba ako sa kaniya? E mukhang di niya naman alam na nag-e-exist ako.
Paalis na ako na hindi nagpapaalam.
"Hoy!" Ako ba yung tinatawag ni Cortez? Lumingon ako para siguraduhing siya nga yung tumatawag sa akin.
"Ako?" Paninigurado ko pa habang nakaturo sa sarili at patingin-tingin sa paligid para siguraduhing ako nga yung tinatawag niya.
"Ikaw nga." May pangalan ako. Bwiset to!
"O bakit?" Pagsusungit ko tuloy sa kaniya.
"May pupuntahan ka ba bukas matapos ang klase mo?" Tanong niya pero bakit kaya?
"Ah. . . Ehh. . . Wala?" Napaisip pa ako. Ang alam ko lang kasi ay susunduin ko siya bukas.
"Pumunta ka sa likod ng BA building pagkatapos ng klase mo." Ang lakas maka-diktador neto a.
"Paano kung ayoko?" Pabebe muna daw ako.
"Then die." Napalunok ako sa sagot niya tsaka na siya tuluyang pumasok sa condo niya. Ano ako aso? Ano susunod nun? Roll over? Play dead? Naku! As if naman susundin ko siya.
E kung siya kaya yung patayin ko.
******KINABUKASAN*****
Pauwi na sana ako nang maalala ko yung sinabi ni Cortez. Siopao na then die yan pinapatay ako kakaisip! Baka nga kulamin ako ng lalaking yun. Bakit ba kasi kailangan doon pa yung tagpuan? Paano makikita ni Miri na nafo-fall na si Cortez sa akin?
Ngayon pwede niyo na akong tawaging uto-uto. Malapit na ako sa secret garden ala Cortez.
"Cortez!" Tawag ko sa kaniya nang nasa tapat na ako ng bakod na itim na humaharang sa secret garden niya.
Hindi siya sumagot.
"CORTEZ!" Sigaw ko na.
" Cortez! Kapag di ka pa lumabas diyan aalis na talaga ako!" Pinagtri-tripan lang yata ako nun eh.
At talagang di siya sumagot. Maka-alis na nga lang.
"Aalis ka na agad?" Kararating niya lang pala.
"Sorry... Katatapos lang ng klase namin." Paliwanag niya at nilagpasan ako para buksan yung harang na itim.
Tumambad muli sa akin ang ganda ng Secret Garden Ala Cortez.
Umupo siya sa damuhan.
Bakit kaya ako pinapunta neto dito?
"Mauupo ako dito ahh." Paalam ko muna baka kasi may patibong dito.
Di niya na naman ako pinansin kaya umupo na lang ako kahit walang pahintulot niya.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta rito? " Sa wakas natanong ko na rin ang kahapon ko pa gustong itanong.
"Let's have a deal." Yan na naman yang deal or no deal na yan eh.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...