Amethyst's POV
*DugDugDugDugDugDug*
Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko.
Bawat pintig nito sabay sa pagtulo ng butil-butil kong pawis.
Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko.
Nilunok ko ang natitirang tubig sa katawan ko, ang laway ko.
Nanunuyo na ang mga labi ko.
Pakiramdam ko pulang-pula ako sa mga oras na ito.
Ang init!
Pilit kong pinipigilan ang nadarama ko.
Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko isang maling galaw ay bibigay na ang buo kong pagkatao.
Pinagkiskis ko sa isa't isa ang mga kuko ko sa hinlalaki. Nagbabakasakaling mapapawi nito ang nadarama ko.
"Asdjlggprqlkl. Eto talaga yung kailangan-- Hoy! Ano bang nangyayari sayo? Nakikinig........" Hindi ko na marinig si Miri. Hindi ko na marinig ang mga tao sa paligid ko.
Pakiramdam ko nabibingi ako.
I feel the butterflies in my stomach.
Literal!
May isang fly na umaaligid.
Sinusundan ng mga mata ko ang langaw na kanina pa nagpaparamdam pero hindi ko pa rin ginagalaw ang ulo ko.
*Tingin sa kanan* (>...>)
*Tingin sa kaliwa* (<...<)
Langyang langaw! Binabalak pa yata akong i-hypnotize!
Dumapo siya sa ilong ko. (>...<)
Naduling ako sa kakatingin dito. Sinubukan kong bugawin ito sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo ko.
Umalis nga ito pero...............
I REALLY CAN'T FIGHT THIS FEELING ANYMORE!
NATATAE NA AKO!
Bwiset na langaw yun! Nasira ang konsentrasyon ko.
Mabilis akong tumakbo at iniwan si Miri.
"Hoy! San ka pupunta? Sandali lang Amethyst! Hindi ko pa ito napapaliwanag!" Sigaw niya habang tumatakbo naman ako papunta sa public comfort room.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makaaabot na ako dito.
Mabuti na lang at walang tao. Ni-lock ko ito.Umupo ako sa trono at nilabas ang lahat ng sama ng loob ko.
Paglabas ko ng banyo ang daming naghihintay na mukhang gagamit rin nito. Isang malaking kasalanan ba ang pagpoohpooh sa isang public CR? Nasa ten commandments ba yun? Ang sasama kasi ng mga tingin nila.
"Ano ba naman yan Amethyst Tuazon! Nagpasabog ka ba ng Nuclear Bomb sa Hiroshima? Aizt hindi-" Tinakpan ko yung bibig ni Miri gamit ang fresh na fresh kong kamay at hindi ko na pa pinatapos si Miri sa sasabihin niya. Tsaka ko siya kinaladkad palayo sa crowd .
Nang makalayo-layo na kami, binitawan ko na siya.
" Yuck! Amethyst! Kadiri ka naman! Pwehhh! Pwehhh! Matapos kang--- AARRGHHH! Nevermind! Ayokong maistress! Alcohol please! Alcohol bilis!" Aba't inutusan pa ako! Matapos niyang ipangalandakan ang buo kong pangalan.
Kinuha ko yung alcohol sa bag ko.
"Oh yan! Lulunin mo ! Tignan ko lang kung may bacteria pang dadapo sayo! Arte-arte! Akala mo naman hindi pumupoohpooh." Pinagduldulan ko sa kaniya yung alcohol.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...