Chapter 16: Rebounded Kiss

144 8 4
                                    

Amethyt' POV

Ayokong umiyak lalo na hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko pero bakit kahit ayaw ko hindi ko pa ito mapiligin.

Sana may traffic lights din sa ganitong pakiramdam para alam mo kung kailan ka mag-go go, mawawarningan ka kung masasaktan ka na at alam mo kung kailan mo na ititigil ang nararamdaman mo para maiwasan ang aksidente at di na masaktan pa.

May tumutusok-tusok sa puso ko.

Gusto kong ihakabang ang naginginig kong tuhod.

Napayuko ako at narealize ko na nawala na si Pissy sa paningin ko.

Napabagsak bigla ang mga luha ko.

Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Pissy pero may humaharang na sa mga mata ko at yun ay ang mga luhang pilit kong pinipigilan kanina pa.

"Pissy..." Ang hina ng pagtawag ko kay Pissy.

"Pissy..." Napapahagulgol na ako.
Sa likod ng mga tubig sa mata ko naaninagan ko si Cortez.

Hindi ko alam pero napatakbo ako sa kaniya at napayakap na lang.

.......

..............

....................

"Bakit?" Tanong niya.
Hindi niya ako niyayakap pero ok lang.

Pero, bakit nga ba ako umiiyak?

"....Si....*HIK* Pissy.........Nawawala...." Nasabi ko yun sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Ok, stop crying. I'll find him." Hindi ko alam pero mas lalo pang napahigpit ang yakap ko sa kaniya.

Napabugha siya ng hangin pero eto pa rin ako patuloy lang sa pag-iyak.

"Will you stop crying?" May awtoridad na sabi ni Cortez.

Grabe naman etong Cortez na 'to! Magpakagentleman ka naman kahit ngayon lang. Once in a lifetime yata akong masaktan.

"Huhuhuhu baka nalunod na siya." Ako rin baka malunod na sa luhang walang tigil sa pagkawala sa mga mata ko.

Humahagulgol pa rin ako kahit na nagsusuplado si Cortez.

"I'll find him so please stop crying." Mas malumanay na sabi ni Cortez.

Sinubukan kong itigil ang pag-iyak ko at kumalas sa pagkakayakap kay Cortez.

Ang cold ng mga titig niya.

Napayuko na lang ako. Sinubukang iwasan ang mga mata niya.

Ayokong tignan siya sa mga mata dahil alam kong wala naman siyang pakelam sa akin. Wala siyang pake kung nasasaktan ako. At wala siyang pake kung dahil ba yun sa kapatid niyang hindi alam kung saan pwedeng makipag-halikan o kay Pissy na umalis ng walang paalam.

"Pumasok ka na sa loob. Ako na ang maghahanap sa kaniya." Bilin ni Cortez.

Tumalikod na si Cortez at sinimulan na ang paghahanap kay Pissy. Hindi ko naman sinunod ang bilin niya.

Grabe naman kasi Pissy.

Ikaw ba yung brokenhearted?

Bakit ikaw yung naglayas?

May lihim ka rin bang nararamdaman para kay Raven?

Inihakbang ko na ang mga paa ko.

"Pissy..." Bulong ko pa rin habang naglalakad.

Lakad ako ng lakad hanggang nasa tabing-dagat na ako.

"Pissy.. " Naglayag na rin kaya siya dahil nagliligaya siya dahil Jade and Raven Shipper.

Forever Para sa BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon