Chapter 6: That Awkward Moment

162 4 3
                                    

Amethyst's POV

"Handa ka na ba?" Tanong sa akin ni Miri.

Nasa school kami. Last day na ng pag-pa-pa-fall kay Rain. Meron lang naman akong .00000001 possibilities na mapasagot ko siya pero game na ako!

Para sa katotohanan!

(Reader's Response: Katotohanaaaaan!)

Para sa forever!

(RR: Joke yuuuuun!)

Basta ang alam ko lang maganda yung author.

(RR: Oo na laaaaaang!)

(A/N:Wala kayong choice. Hahahaha baka mapatay ko si Rain. . . . . . Sa pagmamahal! Yieee kilegxzs! Anyway, back to the story. . .)

Hinanda ko na ang mga bulaklak, mga tsokolate at maganda kong mukha.

"Uwian na niyan nila Amethyst pero wag kang mag-alala sa tingin ko naman walang masyadong makakapansin sa'yo doon." Siguro nga walang makakapansin sa akin doon, pathway lang naman yun (-_-#)

Hinawakan ako ni Miri sa magkabilang balikat ko.

"Kaya mo yan." Pagkukumbinsi niya sa akin habang kung todo ang ngiti.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Tumalikod na siya pero sa tingin ko nakangiti pa rin siya habang sinasabing

"Excited na'ko." Sumunod na lang ako sa kaniya. Wala talagang kasiguraduhan itong gagawin namin pero kahit naman ayawan ako ni Cortez, itutuloy ko pa rin ito para magka-alaman na. Gusto ko na kasing malaman ang tinatago nitong babaeng 'to.

************

Medyo nakakainip pero okay lang sinimulan ko ng maghintay e edi tatapusin ko na. Medyo kinakabahan ako.

"Teka! Ayan na siya!" Napatingin ako sa tinutukoy ni Miri. Napanganga ako.

"Miriko! Magpatingin ka nga ng mata, ayan ka na naman e. Yan si dating kuya e." Kaya pala feeling ko parang yung dati lang.

"Tsk! Ayan na talaga siya! Sa likod nga lang ni kuya Albert!" Kilala niya si Kuyang naka-braces?

Anyway, wala na akong pakelam. Ang nararamdaman ko na lang ay ang pagsasanib pwersa ng lakas ng loob at kapal kong mukha.

Nakita ko na si Cortez at nasa likod nga ni kuya Albert.

"Lumabas ka na dali!" Pinagtulakan ako ni Miri.

Dali-dali rin niyang pinahawak sa akin ang bulaklak at tsokokate.

Nakita ko pang hinablot niya ang isang banner. Yung banner na may nakalagay na 'Will you be my boyfriend?'

"Go! Go ! Kaya mo na yan!" Pinagtulakan niya ako.

Napapikit na lang ako sa kaba at lumuhod na gaya ng nasa plano. Napansin ko namang napatahimik ang lahat.

"Ahhh. . . . Amethyst, tumayo ka diyan! Di diyan! Uii. . ." Pabulong na pasigaw na sabi ni Miri. Ang labo e!

"Uii Amethyst!" Napadilat ako ng kanang mata . Si Miri kasi yung maingay lang na naririnig.

Teka! Napatayo ako ng mapansin kong di si Cortez ang nasa harap ko.

Siopao na Miriko to!

"Ahh. . . Ehh. Sorry. . Pwedeng pa-excuse." Command ko kay Pareng Albert.

Napayuko naman siya na parang napahiya. Sorry talaga pareng Albert. Ang dami namang nakasaksi ang para bagang puputok na ang mga mata sa kakapigil ng tawa.

Forever Para sa BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon