Amethyst's POV
Isang buwan. . . .
Isang buwan ng on-going ang first sem.
Sobrang dalang namin magkita ni Miri at netong nga nakaraan malungkot pa siya. Natitiis ko siya kasi introvert naman ako. Ang kausap ko lang ay papel. Walang masyadong nakikipagkaibigan sa akin kasi kung gusto mong maging kaibigan ko dapat marunong ka namang kumausap ng ballpen, in short dapat baliw ka pa kaysa sa akin parang si Miriko.
Walang tumatagal sa ugali ko. Lahat iniiwanan ako kahit hindi naman ako baggage counter.
Nasa classroom ako ngayon.Nakakalumbaba habang nakatingin kay Sir Masacas na kunwa-kunwareng nakikinig.Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na nanggagaling sa aircon. Ito ay kasinlamig ng pagmamahal niya sa'yo. Ako pa ang pinakamalapit dito kaya naman nanunuot ang lamig sa aking buto.
Nasa dulo pa ako dahil sa apelyido kong Tuazon kaya naman mas ramdam na ramdam ko ang salitang ALONE.*Ring*Ring*Ring*
Nagising ang kaluluwa ko sa pag-ring ng phone ko.
Nag-taas ako ng kamay.
"Excuse po. Pwede ko po bang sagutin ito sa labas?"
Miri is calling. . . .
Nakatayo na ako kaya walang choice yung prof namin kahit na pa kumunot ang noo niya ng isa pang level kung hindi ang palabasin ako.
Lumabas naman ako mula sa classroom kasabay ang walang tigil na pag-ring ng phone ko.
"Hello." Sagot ko.
Sumandal ako sa pader.
"*Sniff*Sniff* He- Hik*-llo Amethyst. Huhuhuhu. "
(TT-TT)
Ayan na naman siya.
Umiiyak na naman ba siya?
Rinig na rinig ko ang pagsinga niya na parang lumabas na ang lamang loob niya.
"Oh bakit ka na naman umiiyak?"
Ayoko siyang nakikita o naririnig na umiiyak.
"K-kasi *Hik* Waahh! HINDI KO NA KAYA! HUHUHUHU!"
Mas lumakas pa yung volume ng pag-iyak niya.
"Anong hindi mo na kaya? Bakit ba? Nasan ka ba?"
Hindi niya na kaya ang alin?
Baka naman nanunood o kaya nagbabasa lang ulit ito ng mga tragic love story.
"Tulungan mo ko. Huhuhu! Dito ako sa bahay. *Sniff*Sniff*"
Ano naman kayang problema neto?
"Pero--"
*Toot*Toot*Toot*
"--may klase pa ako eh!" Kausap ko na yung sarili ko.
Binabaan ba naman ako!Pumasok na ako sa klase ko at hinintay ang dismissal.
Nag-lalakad ako palabas ng University. Hindi na ako papasok sa mga next subject ko baka kung napano na si Miri.
Nakarating na ako sa bahay nila. Nasa kwarto niya na akong pink na pink.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...