*Monday*
Amethyst's POV
"Halata pa rin bang namumutla ako?" Nilagyan na nga namin ng lipstick yung labi ko.
"Hindi na yan. Just be confident, you're beautiful." Nasa bahay ako nila Miri. Inayusan niya ako. Nakakahiya naman kasi sa family nila Cortez kung di man lang ako maagaayos. Feeling ko nga sosyalin niyan yung birthday party ng kapatid niya. Magsisimula yun ng 7:30 pm at mag-se-seven na rin.
*Ring*Ring*Ring*
"O ayan na! Tumatawag na ang boyfriend mo." Sa wakas naman. Akala ko mapapanis na yung make-up ko kakahintay sa kaniya kung, napapanis man ang make-up.
Accept.
(Hello pogs!) Pambungad ko kay Cortez.
(Nandito na ako sa sinabi mong address.) Sabi niya naman agad.
(Ahh sige bababa na ako.) Sagot ko naman.
At pinatay ko na ang phone ko.
*Toot*Toot*Toot*
"Pogs pala ahh. Di mo naman nasabing may endearment na kayo." Panunukso ni Miri.
"Psh! Di nuhh. Pamuwiset ko lang yun sa kaniya." Depensa ko naman.
Bumaba na ako, dala ang regalo ko para sa kuya ni Cortez na mga cupcakes. Kasi naman di ko alam gusto niya lalo na't di pa kami nagmi-meet at yun lang kaya ng budget ko At least from the heart naman ang gift ko at gawa to ni Mang Bennie kaya siguradong masarap.
Pag labas ko ng pinto nila Miri, nakita kong na siya na nakasandal sa kotseng itim at nagse-cellphone.
"Aba ang pogi ahh." Bulong sa akin ni Miri.
"Oo, nung kotse." Sabi ko naman sa sarili ko.
"O sige na, baka mainip pa yan. Ingat ka nalang. Ba-bye bestfriend and behave. Wag papahalatang kinakabahan. Just be yourself. Mwahhh." Tapos balak pa niya akong ikiss kaya lumayo ako.
"Tsk! Kadiri ka. Sayang pabango ko mahahawaan ng di magandang amoy." Sabi ko.
"Hmp! Sige na, lumayas ka na!" Pinagtulakan niya ako palabas naman ng gate.
Nang makalabas na ako ng tuluyan, doon na ako napansin ni Cortez.
"Uii. Wow! Bakit di yan yung dinala mo nung pumunta ka sa amin edi sana di mo naranasang makipagbunuuan sa jeep." Tinutukoy ko yung kotse niyang itim.
"Bigla-bigla ka na lang kasing nanghihila." Sagot niya naman.
"Naka-dress kaya ako nun. Anyway, buksan mo na yan." Inutusan ko talaga siya.
Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at binagsak din yun ng pagkalakas-lakas para isara.
Nang makapasok siya, doon ko na siya siningahalan,
"Naku! Kung maninira ka naman ng pinto ng kotse. Wag yung ganito kaganda. Sayang ehh" Hinihimas-himas ko pa kotse habang sinasabi yun.
Hindi niya naman ako pinansin. Bad trip yata?
"Bakit? May nasabi ba akong masama?' Baka meron nga.
"Wala.... Yung seatbelt mo, suotin mo na. Wag mo ng hintayin ako pa yung magsuot niyan sa'yo." Tapos ini-start niya na yung kotse.
Aba't inilagay ko na yung seatbelt ko baka sabihin niya nagfefeeling girlfriend talaga ako.
Tahimik lang siya habang nasa biyahe.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
MizahHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...