Chapter 20: Fireworks

144 10 4
                                    

(A/N: Thank you so much for the support even if sobrang late ng mga UD.)

Amethyst's POV

"B-Birthday mo?" Ngumiti siya.

Takte Cortez nga ito! Para tuloy nakita ko ang ngiti ng kapatid niyang si Raven.

Lumapit siya at inakbayan ako.

"Yes and you're lucky for I'll spend it with you." Aish! Si Rain Cortez nga 'to! Bumabagyo eh!

Binatukan ko siya.

"Tsk!" Nagsungit siya. Yes! Nagsungit siya! Siya pa rin talaga si Cortez.

Pero syemay 'wag mo ko ngusuan Cortez!

Baka halikan kita ng 'di oras.

Tinampal ko yung labi niya na nakanguso sa akin at bumalik na siya sa dating Cortez. Inalis niya na yung kamay niyang nakaakbay sa akin at naglakad papunta sa sala.

Sinundan ko siya. At least konting pukpok lang babalik din pala sa dati.

Nagplay siya ng isang action movie. Kumuha ng popcorn sa isa niyang kabinet sa kusina at umupo sa sofa. The end.

Nanonood siya mag-isa nang hindi man lang ako niyaya.

'Di niya na ako pinapansin.

Aish! Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa.

Pasimple ko siyang tinitignan. Hindi niya talaga ako pinapansin.

Nasa magkabilang dulo kami ng sofa. Ni hindi man lang niya ako inayang kumain ng popcorn na cheese flavor. Bili muna yata akong cornick ko eh. 'Di ako na-inform na self-service pala sa birthday.

Pero nak naman ng baka e! Mas gusto ko yung kanina. Kahit ngayon lang Cortez! Batukan ko kaya uli?

Napatagal na yung titig ko sa kaniya pero hindi pa rin ako pinapansin.

Napabugha ako ng hangin.

Fine... Ano bang ginagawa ng girlfriend kapag nagtatampo ang boyfriend niya sa birthday niya?

Tumayo ako mula sa sofa at humarang sa pinapanood niya.

"Hoy Cortez! Happy Birtday ah! Uuwi na ako! Psh!" Sigaw ko sabay dabog na naglakad papunta sa pinto pero nak ng tinapa! Hindi man lang ako pinigilan.

Huminga ako ng malalim at bumalik.

"Tumayo ka diyan!" Humarang na naman ako at sumigaw pero siomai! Tumayo nga siya at pumunta sa kwarto. Hinabol ko siya pero humiga na siya sa kama niya. Pinatay niya na rin yung ilaw sa pagsnap niya. Ang ilaw na nanggagaling sa lamp niya na lang yung naaninagan ko. Nakatayo lang ako sa harap niya kung saan siya nakahiga at nakapikit na.

Mukhang hindi ko talaga siya makukuha sa santong paspasan.

Napapikit ako at huminga muli ng malalim.

Humiga ako sa tabi niya at dahan-dahang niyakap siya. Nakatalikod siya sa akin pero niyakap ko pa rin siya.

Ang boyfriend na hindi madala sa santong paspasan, dalhin sa santong lambingan.

"Labas tayo." Malambing kong bulong sa tenga niya.

Sana magwork na 'to.

Pero ayaw pa rin niya ako pansinin.

Kita ko ang nakapikit na mga mata niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi at bubulong sana muli nang biglang may gumuhit na ngiti sa mga labi niya. Humarap siya sa akin at nakapaibabaw na ako sa kaniya. Ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Forever Para sa BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon