Miri's POV
Habang naghihintay, kumakain ako ng sandwich sa cafeteria na ginawa ko lang din kanina para baunin.
Namimiss ko si Amethyst. Tulala lang akong nakaupo sa sulok ng cafeteria.
Naalala ko na naman si Amethyst. Naalala ko kung paano niya ako sungitan pang lalo kapag malungkot ako. Naalala ko kung paano niya laitin ang kagandahan ko.
Bumalik na naman sa isipan ko kung paano ko siya sinaktan. Kung paanong nawala ang lalaking minahal niya.
Ngayon may isa pang bagay, ang ayokong sabihin sa kaniya.
Napatingin ako sa kakaupo lang din na si Rain.
"Kumusta siya? Bakit hindi pa rin siya pumapasok? OK lang ba siya?" Marami pa akong gustong itanong sa kaniya.
"Oo, pero mukhang wala pa rin siyang balak pumasok." Sagot niya.
"Ganun ba." Malungkot kong sabi
"Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" Tanong ko."Fix everything with Amethyst. Soon enough, I'll break up with her." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya kasi alam ko namang makikipagbreak din naman talaga siya pero masyado pa yatang maaga. Saan na pupunta si Amethyst niyan?
"Bakit? Masyadong bang masama ugali ng best friend ko? Kung oo, ganun lang talaga siya. Mabait naman yun eh."
"Habang pinapatagal ko 'to, siguradong mas masasaktan ko siya. Kung gusto mo talaga siyang protektahan ilayo mo na siya sa akin." I know he's sad.
"What do you mean?" Tanong ko.
Tumunog ang phone ni Rain.
"Hello Amethyst." Pagsagot niya sa phone.
"Ok." Hindi ko alam sinabi ni Amethyst pero tumayo na lang si Rain matapos ang usapan namin.
Rain's POV
Tumawag si Amethyst at gusto akong pauuwiin. Hindi ko rin alam bakit ako sumusunod sa kaniya.Habang naglalakad ako, naramdaman ko ang yabag na papunta sa akin. Magkatapat na kaming naglalakad hanggang sa magsalita siya.
"Nasabi niya na ba sa'yo?" Alam kong siya yun. Ang lalaki sa nakaraan ko pero ang labo. Akala ko namatay siya. "Nasabi na ba ng kuya mo na ang napatay niya noon ay ang first love ni Amethyst?" Mabilis na kinwelyuhan ko si Silver.
Ngumiti lang siya.
"Rain." Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Silver nang marinig ko ang boses ni kuya Raven. Tuluyan ko na siyang binitawan at naglakad palayo mula sa kanila.
Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Kuya.
"Rain, break up with Amethyst." Napatigil ako. Napakuyom ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Flashback
Tinitigan alo ni Jade ng diretso sabay binitawan ang mga salitang, "I'm in love with someone else. Sorry"
"Kanino? Kay kuya ba?" Ramdam ko na noon pa, at tanggap ko na rin na laging ako ang talo sa kapatid ko pero hindi kay Jade.Buong gabi ako uminom ng alak sa bahay para malimutan ang sakit. Narinig ko ang tunog ng kotse ng kuya ko. Dumating na siya. Sinalubong ko siya. Kinatok ang bintana niya.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...