Chapter 11: Aso't Pusa

156 4 1
                                    

Amethyst's POV

Nagising ako sa piling ng unan. Nakaharang pa rin ito sa pagitan naming dalawa ni Cortez.

Mahimbing pa rin naman yung tulog niya.  Ang angelic ng face niya kapag tulog.

Panigurado kapag hinalikan ko to magigising to. Hindi dahil, ako ang prinsesa niya kung hindi dahil di pa ako nagtotoothbrush. Bwahahaha!

Natawa ako sa isiping iyon pero napatigil ako ng bumukas ang kaniyang mga mata.

Napabalikwas tuloy ako mula sa higaan ko.

Baka akalain niya pang pinagnanasaan ko siya. Naghilamos na ako at bumaba mula sa kwarto ko.

Nagiwan si kuya ng note sa lamesa na ngayon ay may handa na ring almusal.

Ame, yung scrambbled egg ay para sa'yo habang ang pancakes naman ay para kay Rain. Bawal magreklamo. Be hospitable.

P.S Painitin mo yung soup na nasa kaldero at nakalagay sa gas stove.

Ang bastos naman talaga ng kapatid ko!

Be hospitable kahit na ang pinreprepare niyang almusal para sa akin ay pinagpatong-patong na scrambbled egg habang ang kay Cortez ay pinagpatong-patong na pancakes.

Hindi kaya....

Siya ang tunay niyang kapatid?

O baka naman kaya hindi nagiging sila ni Ate Jasmine kasi parehas sila ng gusto?

Aaaarrrggghhh! Never mind.

Tinignan ko yung kaldero na nakapatong lang sa gas stove.

Binuksan ko yun at may vegetable soup.

Narinig kong may pababa ng hagdan kaya naman napatingin ako. Pakusot-kusot pa siya ng mata niya.

"Nagtoothbrush ka na ba?" Una kong tanong pagbaba niya. Habang pinapainit ko ang vegetable soup ni kuya.

"Hindi pa..." Nakakabango ba ng hininga ang pagiging gwapo at hindi pa ito nagtotoothbrush.

"Pwes don't talk to me muna. Maghanap ka ng toothbrush diyan sa drawer."

Pero mukhang di siya sumunod. Naramdaman kong lumapit siya sa akin.

At......

Hinalikan niya ako sa pisngi.

Tinignan ko siya ng masama. Nakangiti siya ng may pambubuwisit.

Kikiligin ka ba o mandidiri ka?

Di pa kaya siya nagtotoothbrush!

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Kadiri ka! Umagang-umaga, akala mo ba hindi ko alam na nambubuwisit ka lang." Sinasabi ko yan habang pinupunasan yung pisngi ko.

Lumapit siya at bumulong.

"Hindi lang tayo ang nandito?" What? Napalingon-lingon tuloy ako pero niyakap ako ng mahigpit ni Cortez.

"Wag ka ngang magpahalata." Madiin yung pagkakasabi niya.

"Paano kung multo yun?" Nanlaki ang mata ko sa isiping iyon. Ang alam ko kasi nasa work ngayon si kuya, habang nasa school naman si Andrei.

"Hindi siya multo. Yung kaibigan mo yata yun. Nasa likod lang siya ng sofa." Tumango ako.

"Gets ko na. Bitawan mo na ako." Bulong ko.

Bumitaw naman siya sa mahigpit niyang yakap. Pumunta ako sa drawer kung nasan yung mga extrang tootbrush namin. Kinuha ko yun at ibinigay kay Cortez na ngayon ay kauupo lang din sa harap ng pancakes niya.

Forever Para sa BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon