Amethyst's POV
Nasilaw ako sa liwanag ng araw na nagmumula sa bintana ni Cortez. Ayoko pang imulat ang mga mata ko. Sinubukan kong kapain si Rain at napamulat ako dahil wala na siya sa tabi ko.
May surprise kaya siya para sa akin? Umaasa akoooo Cortez.
Sakto naman ang vibrate ng phone ko.
He messaged me.See me at the fountain.
Napabalikwas ako mula sa pagkkahiga. Kinuha ko kaagad ang towel sabay takbo sa banyo. Naligo ako agad. Nagkalkal ako ng dress sa mga pinamili ni Cortez pero wala. I want this day to be special pero ayaw sumangayon ni pangangailangan. Naalala ko ang shorts ko na nakasampay sa cr, at nagkalkal sa gamit ni Cortez.
Hmmmm... pahiram ako Cortez.
Nakita ko ang hoodie niya na itim na may nakasulat na "4 Us" so I think it's for me. I wear it, then agad ako nagayos. Badtrip wala palang make up na binili si Cortez. Wala pa kong sapatos hayyy. Nakita ko ang tsinelas ni Cortez at sinuot yun. Mas malaki yung paa niya sa akin kaya naman mukhang pa-dive na ako sa hitsura ko.
Sinubukan ko Cortez, pero hanggang dito na lang ang kagandahan ko. First date ko sana to na niyaya mo ko e. Hayyy pero date nga ba natin to?
Pagkarating ko sa park dun sa fountain na sinasabi niya, bumungad sa akin ang likod niya. Naka t-shirt lang siya with pants.
"Cortez!" Sigaw ko sabay takbo papunta sa kaniya. Kasabay naman nun ang pagharap niya, nakangiti akong lumapit sa kaniya. Ngumiti siya ng konti tapos nawala rin. The usual.
Nagsimula na naman ang para sa aking dibdib. May pa drums na naman si Mayora, at mas lalong vinolume up ni mayora nang hawakan ako ni Cortez.
"Halika." Hinila niya ako.
"San tayo pupunta?" Pumara siya ng jeep. Nakasakay na kami pero di ko pa rin alam san kami pupunta. Nakapagbayad na rin siya ng 500 pesos sabay sabing, "kahit saan po! Keep the change!"
Nakinta ko mula sa salamin ng driver ang pagkunot ng noo nito na para bang naguguluhan at tinanggap na lang yung pera. Ayyy naku pang kwek kwek na sana namin yun. Pabida naman tong lalaking to sa date namin. Pamasahe pa lang yun ahh baka gutumin ako nito aba di pwede. May babaeng tumabi kay Cortez at talagang tabi as in. Daig pa ang layo namin sa isat isa ni Cortez. Ang dami namang space. Napakunot ako ng noo sa pagtabi nito. Oo na, Magamda siya pero mas maganda naman syempre hindi ako, si Jade na lang, mas maganda siya dun nuh.
"Oyy san ba tayo pupunta? Di pa ba tayo bababa?" Pagsusungit ko tuloy kay Cortez tho hawak niya pa rin ang water refilling station kong palad.
"Hindi pa at ayoko pa." Tss ayaw niya lang yan kasi may katabi siyang babaeng maganda. As if naman mga lalaki talaga. Napapansin ko pa ang pagsulyap sulyap ng babaeng yun kay Cortez ko, kaya naman bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Cortez.
"Bakit?" Tanong naman ni Cirtez.
"Pupunasan ko lang ang palAd ko para mahawakan kita ng magigpit at hindi dumulas ang pAlad mo." Confuse naman si Cortez sa mga aksyon ko pero hinayaan niya lang ako. Kinulong ko ang kamay niya ng dalawang kamay ko. Dalawa para sigurado. Umirap naman sa akin ang babae.
Kapag eto talaga bumaba papatirin ko to."Para po!" Ayan na. Handa na akong patirin siya ng biglang naramdaman ko ang ulo ni Rain sa balikat ko.
Nakapikit siya. Anghel talaga to pag natutulog. Inalis ko ang isang kamay kong humahaw sa kamay at kinuha sa pocket ng hoodie niya ang phone ko. Kinuhanan ko siya ng litrato. Aba once in a blue moon lang yan maging anghel. I also took a selfie with his sleeping face.
Agad ko namang niwallpaper iyon baka mahuli niya pa ko.
San ba kami pupunta? Hindi man lang ba kami kakain or what. May surprise kaya sa akin to? Excited na ko!
Sa biyahe namin napatingin ako sa labas makulimlim. Hindi pa ko nagbebreakfast, nagugutom na ko pero syempre tinitiis ko may natutulog e.
Halos nagsibabaan na ang mga pasehero. Isang babae sa tabu ng driver at kaming dalawa na lang ang nandito. Amoy na amoy ko ang mabangong buhok ni Cortez. Cortez gutom na ko baka makain kita diyan gumising ka na ano ba.
Para namang nabasa niya isip lo at gumisibg siya.Napatingin muna siya sa daan at maya maya pa ay pumara na rin.
Bumaba kami sa tapat ng isang fast food chain. Syempre pumasok na akk agad para makaramdam tong isang to na nagugutom ako. Nagorder ako ng burger, fries at ice cream. Siya burger lang.
Wala man lang kwentuhang naganap sa date naming ito. Matapos kong kumain, napagdesisyunan kong sabihin ang gusto kong sabihin sa kaniya.
Pumunta akong counter at humiram ng ballpen. Siya naman ayun naiwan sa table namin.
Sa labas ng fast food chain, I hand him a tissue na may nakasulat naYou failed.
Napatitig siya ng mga ilang segundo sa tissue bago nagsalita.
"I'm sorry Amethyst. Akala ko mapapalitan ko Si Skyler at si kuya sa puso mo pero tama ka I failed. I failed on trying to clean up my mess, but it seems like sinabi na lahat ni Silver sayo." Anong sinabi? Gusto kong magsalita pero para bang hinihintay lang ng tenga ko ang mga sasabihin ni Cortez. "Hindi si kuya ang nagmamaneho nung sasakyang nakabunggo kay Sky kundi ako. Nung gabing yun..."
"Stop" Ayoko ng marinig. Hindi ko alam kung anobg mararamdaman ko. Hindi ako makapagisip. Ayaw tanggapin ng utak ko lahat, at pari na rin ng puso ko. Hindi ko maintindihan.
"L-let's end this." Napayuko si Cortez nang sabihin ko yun. "L-let's end everything." Bago pa bumuhos ang luha ko, tumalikod na ako at tumakbo.
Sa pagbuhos ng luha ko sumabay ang pagbagsak ng ulan.
My rainbow remains as my rain.
Napahinto ako sa pagtakbo at napasalampak na lamang ako sa sahig dahil sa sakit.
You really failed Rain, for I fell in your trap.
I love you and I hate it.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...