Amethyst's POV
(Uii pogs! San ka na?) Kausap ko ngayon si Cortez sa phone.
Naghihintay ako sa labas ng condominium building na tinitirhan niya.
(San mo naman galing yang pogs mong yan?) Naiimagine ko ngayon ang irita niyang mukha.
(Nukaba! Short for pogi yun. Alam ko namang gustong-gusto mo. Yieeeeee~ Oh wag ka ng kiligin diyan bumaba ka na dito. Kanina pa ako naghihintay dito ehh. Bilis!) Utos ko sa kaniya.
(Hindi ka kaya pumasok.) Utos niya rin sa akin.
(Aba't ako ba ang inuutusan mo?) Naha-high blood na ko ahh. Joke lang!
(Oo. Umakyat ka na!) Ala! Sisigaw pa ehh.
(Eto na nga. Mas high blood ka pa sa akin ehh.) 120 over acting yata blood pressure nun ehh.
Gaya nga ng sinabi niya, sumunod naman ako. Kailangan talaga sinusundo yung mahal na prinsipe.
(Ano bang room mo pogs?) Tanong ko.
(203.) Maikli niyang sagot.
(Ok, coming up.) Tsaka ko na pinatay yung phone ko. Makiluksa na lang kayo.
Sumakay ako ng elevator. May nakasabay akong gwapo. Siopao! Ang kinis ng balat niya.Grabe! Yung chield jaw niya na tipong konting dampi lang ng braso mo, masusugat na. Yung mga mata niya parang nagniningning. Yung ilong niya, ang tangos. Tapos yung mga labi niya parang rosas. Tapos naka-V-neck black shirt pa siya at medyo hapit kaya medyo kita rin yung abs niya. Tapos yung biceps niya parang pwedeng maglambitin. Ang broad pa ng shoulder niya tapos ang bango-bango niya pa.
Tapos.....
Tapos.... May babaeng nakakapit sa kaniya na parang linta sabay patingin-tingin sa akin na sinasabing 'Akin siya. At akin lang siya.'
Bwiset na to. Akala niya siguro aagawin ko sa kaniya yung boyfriend niya, kung boyfriend nga niya. Mukha kasi siyang nanay nung lalaki.
Bumukas na yung elevator at tumambad sa amin ang makalaglag pangang pagmumukha ni Cortez.
"Kapag may boyfriend ka, dapat siya lang pinakagwapo sa mata mo." Nagflashback tuloy yung sinabi niya sa akin.
"N-nandiyan ka na pala." Medyo nauutal kong sabi.
Yung babaeng nakakapit sa boyfriend niya kanina biglang napabitiw.
"Akala ko naman nasa condo mo pa rin ikaw." Sabi ko habang sumakay na siya ng elevator at pinidot ang ground floor.
Pataas muna yung elevator, papunta sa 15th floor na pinindot nung gwapong lalaki kanina before mag-ground floor na pinindot ng gwapo kong boyfriend.
BINABASA MO ANG
Forever Para sa Bitter
HumorHighest Rank #3 in Teen Humor Amethyst-Mortal enemy no. 1 ng pag-ibig Rain-Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag-ibig Jade Sapphire-Ang madalas ibigin Raven-Ang masarap ibigin Alice-Walang iniibig Xavier-Maraming iniibig Jasmine-Ang kaIBIGan Aki...